Chapter 1

99.6K 1.6K 57
                                    

Chapter 1


Philippines, 2017

Five (5) years later

"Ali, gising na! Anong oras na't may trabaho ka pa!" pasigaw ngunit may malambing na tono sa boses nang aking pinaka-mamahal na nanay—na nasa paanan ko habang hinihila niya ang kumot na naka-pulupot sa aking katawan.

"Anong oras na ba 'nay?" paos ang boses na nagtanong sa kanya. "Inaantok pa po ako." Mahina kong sabi sabay balik sa tulog.

"Ali, anak, alas-sais na nang gabi. Hindi ba alas-syete ang trabaho mo sa resto bar kina Fatty? Saka, anong oras ka na ba umuwi kaninang madaling araw? Hindi mo man lang sinabi kay nanay." Kahit kailan ang turing parin sa'kin ni nanay ay bata.

"Sensiya na po 'nay niyaya po kasi ako nina Tricia at Fatty na kumain pagkatapos ng trabaho ko, saka 'nay libre naman nila." Paliwanag ko sa butihing ina ng bahay.

"Oh siya, lalabas na ako ng kwarto mo. 'Yong pagkain mo anak hinanda ko na." Ang bait talaga ng nanay ko.

"Salamat nanay, the best po talaga kayo!" masigla kong sabi sa kanya nang makabango. "Nga po pala 'nay, ito po 'yong sahod ko ngayong buwan. Pagpasensyahan niyo nalang po muna 'yan 'nay." Inabot ko ang pera sa kanya, sabay kamot sa likod ng batok.

"Anak, maraming salamat. Malaking tulong na rin ito sa gastusin sa loob ng bahay, saka dapat mag-ipon ka rin para sa sarili mo. Para balang araw may dudukutin ka sa oras ng kagipitan." Wika ng nanay ko saka niya hinawakan ang akin kamay at ngumiti.

Napayakap naman ako dahil sa sinabi niya. Sobrang bait talaga niya simula pa noon.

"H'wag po kayong mag-alala 'nay makakaraos rin po tayo balang araw." Ngiting tugon ko sa kanya.

"Sige na anak magligpit ka na at baka ma-late ka pa sa trabaho mo. Maraming salamat ulit sa perang binigay mo." At saka niya ako niyakap ng mahigpit.

"Sige 'nay susunod na po ako sa inyo maliligo lang ako saka magbihis."

15 minutes lang ay tapos na ako, Okay na 'yong; nagsabon, shampoo, at toothbrush. Sabayan mo lang ng maraming buhos ng tubig, ayooos!!!

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto, at saka tinungo ang kusina para kumain ng hapunan. Hindi pa pala ako nakapag-suklay ng buhok ko. Bahala na nga! Mamya na.

"Anak, hinay-hinay sa pagsubo, at baka pati kutsara malunok mo. Hahahaha!" Sita sa akin ni tatay, at saka sinabayan pa ng malakas na tawa.

"Hehehehe! Pasensya na po tatay, nagmamadali po kasi ako. Kain po tayo 'tay." Ngumiti lang si tatay sakin. Maya-maya ay tumayo ako at niligpit ang pinag-kainan saka nilagay sa lababo.

"Tubig mo anak. Aalis ka na naman na 'di umiinom ng tubig."

"Salamat 'tay. Sige po lalayas na po ako. I love you 'tay." Sabay mano sa kanya. "Nay!!! Lalayas na po ako!! I love you 'nay." Sigaw ko naman. Nasa kwarto na kasi si nanay.

"Mag-iingat ka Alisa." Tugon sa 'kin ni tatay, sumaludo naman akong naka-ngiti

"Ate Ali, pasalubong ko po hah? 'Yong barbie doll na pink ang damit." Sumingit pa itong makulit kong kapatid, pero mahal na mahal ko.

"Opo  mahal na prensesa. Bibili po si Ate ng maraming barbie doll para sa'yo. Sa ngayon aalis na muna si ate para mag-trabaho ha?" mahabang paliwanag ko sa kanya sabay halik sa pisngi sabay ginulo ang maganda niyang buhok.

"Ate naman e!" reklamu niya. Natawa ako sa reaksyon ng mukha ng bata. Ang cute.

"I love you," matatawang sabi ko saka tuluyan ko nang nilisan ang bahay.

You're My Property ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon