Chapter 6: Krystal meets Lay

11 1 0
                                    

9:00pm na ng gabi at si Krystal ay pumunta sa convenience store para uminom ng soju. (Tawag sa alak ng korea) Dumampot si Krystal ng tatlong note ng soju sabay binayaran ito sa cashier.


 "Ang swerte mo talaga Krystal pagdating sa pag-ibig ano? Lagi kang wasak at sawi."

Nakadalawang bote na ng soju si Krystal. Nang bubuksan na niya ang pangatlong bote ay may bahaghari na usok ang lumabas mula sa bote ng soju. 


 "Whoa! Ano ito? Nananaginip ba ako? Gising Krystal!" 

 Hindi makapaniwala si Krystal sa kanyang nakikita. 

 "Krystal ang iyong pangalan? Kung ganon Krystal, pinalaya mo ako. Dahil diyan ay may tatlo kang kahilingan." 

 "Genie? Isa kang genie?" 

 "Tama ka Krystal." 

 Tingin ni Krystal ay nananaginip siya dahil di niya akalain na may genie na lalabas sa bote ng soju.

"Sinabi mo na may tatlo akong kahilingan sayo di ba?"

"Ganun na nga." 

 "Hmmmm.... " 

 May kakaibang ideya na naiisip si Krystal. Na sa tingin niya ay gagana ito upang mafall sa kanya si Kai. 

 "Una Kong kahilingan...may Isa akong taong nagugustuhan, at wish ko na magustuhan din ako ni Kai." 

 "Patawad Krystal pero ang isang genie ay hindi pwedeng tumupad ng kahilingan pag ito'y tungkol sa love." 

 "Aish! Akala ko ba genie ka? Teka nga, bago ang lahat ano bang pangalan mo?" 

 "Lay ang pangalan ko."

"Lay, hinihiling ko na magpanggap ka bilang boyfriend ko." 


 "Kung yan ang gusto mo, matutupad ang iyong kahilingan." 

 At nagpanggap nga si Lay bilang boyfriend ni Krystal. 

One Sided LoveWhere stories live. Discover now