PROLOGUE OF MY PARK JIMIN [BTS JIMIN FF]
VENE's POV
"Ano? Naniniwala ka naman doon? Sus! Mamamatay muna ako bago maging totoo yun!" Sabi ni Diane. Kala mo talaga eh nuh? Di pa kasi naranasan ma-inlove nitong babaeng to eh! Hayy!
"Sige nga! Patayin na kita! Halika dito! Kutsilyo nga Jaja!" Sabi naman ni D. Nag-aaway silang dalawa ng biruan lang naman ni Diane. Kasi may kumakalat na balita tungkol sa BTS na mayroon daw babaeng lapit ng lapit kay Jimin? Tapos sinabi niya pa na sila na daw? Tumanggi naman si Jimin doon at binigyan siya ng napakamasamang tingin. Ngayon, pinag-uusapan na sila ng buong mundo. Talaga nga naman! Feelingera naman ng babaeng lapit ng lapit sa kanya!
"D, huminahon ka nga! Parang kayo eh nuh?" Tumingin ng masama sa akin si D. Mukhang pinagsisisihan ko na kung bakit ko pa sinabi yun eh. Huhu. "Hehe. Alam ko yang nararamdaman mo nuh! Ganyan din kaya nangyari sa akin noon. Diba?" Naiiyak na siya. "Ikaw pa nga nagsabi na wag akong umiyak nun eh. Tas ngayon? Ikaw naman yung parang baliw diyan na umiiyak." Gumaganti lang naman ako sa kanya kasi ganyan din pinagsasabi niya sa akin noon eh. HAHAHAHAHAHA!
"Sakit kaya, *sobs*" Sabi niya. "Ang t-totoo nga niyan! A-ang swerte ng b-babaeng yun eh! *sobs* Atleast nga n-nakakalapit siya sa popular na si J-jiminie ko... UWAAAAAAAAA!!" Sabi niya pa, tsaka siya humagulgol. Kala mo talaga sila na eh. Makaiyak. Sus naman itong babaeng to oh! Iniiyakan pa yung lalakeng yun kahit imposible namang maging sila.
"Hindi k-kaya imposible na maging k-kami! Ang sama mo talaga eh nuh? *sobs*" Nakakabasa pala tong babaeng to nang iniisip? Ayos to ah?
"Tumigil ka na nga! Aisshhh! Ang pangit mo na eh." Sabi naman ni Diane. Napangiti na si D sa kanya. Abnormal eh nuh? Iiyak-iyak kanina, tas ngayon ngingiti-ngiti? ABNORMAL TALAGA EH.
"Pangit naman talaga ako eh." Sabi ni D, sabay ngiti. Hindi na siya umiiyak. Pinunasan na niya yung luha niya gamit yung tissue na binigay ni Jaja sa kanya.
"Kung pangit ka, paano ka nagustuhan ng kapatid ko?" Singit ko naman. Oo, may gusto yung kapatid kong si Brylle sa kanya. Ang ganda ganda kasi nitong anghel na umiiyak kanina na to eh. Totoo yun! Pati din naman kami nagagandahan sa kanya pero mas maganda ako. Wahahahaha!
"Baliw ka talaga nuh?" Ako? baliw? Wow! Haha! Bish please!
"Hahahaha! Ayieeee! D, wala ka mang pag-asa kay Jimin, may pag-asa ka naman kay Brylle! Hahahahaha!" Pang-aasar ni Jaja sa kanya. Kanina lang ang tahi-tahimik nito tas ngayon, nakikipag-asaran na?
"Gagu! Asa!" Lupit talaga ng babaeng to eh. Makapagmura kala mo walang bukas eh. Parang jinojoke lang naman siya masyadong sineseryoso ampp! Hahahaha. Gusto lang naman namin siyang mapatawa. Kawawa kasi eh. Hahahaha!
"Ouch. Sakit ng mura mo, bess!" Sabi naman ni Jaja na may nakakalokong ngiti na kumurba sa labi niya.
"Hehe," Baliw talaga siya, ang weirdo pa. "Kaya mahal ko kayo, lagi niyo kong pinapasaya eh." Naging sweet naman ngayon? Ang moody talaga eh.
"Syempre!" Sabay sabay kaming tatlo.
"TARA!! GROUP HUG!!!" Sabi ni Diane. Lumapit kami sa isa't isa tsaka naggroup hug.
"Tara na nga, gabi na oh? Tulog na tayo. Overnight kayo diba? Hehe." Sabi ni Jaja na may malaking ngiti sa labi niya. Siya na, siya na mayaman! Haha!
Natulog na kami....
~~~*~~~
D's POV
Natutulog kami kela Jaja ng narinig kong biglang nagbeep yung phone ko. Anong oras na ba? 2:37 na ah? Sino namang abnormal ang magtetext sakin ng gantong oras?
YOU ARE READING
My Park Jimin [BTS JIMIN FF] (On hold)
FanfictionThe clothes he wear, the color of his hair, every smile he makes, I'll die I swear. His beautiful cheeks, his lovely voice whenever he sing a song or just say something, I love it. I love the way he laugh. The way he brush his hair by his own hands...