CHAPTER 1

510 16 0
                                    

Jewel..

Hi ! My name is Jewel Shaine Alfonso ..  sus! Pa English- Engish pa ko eh  di naman kami mayaman. Tsss. Anyway d naman siguro masama mag ilusyon paminsan minsan di ba? Siya nga pala ! I'm 17 years old , working student, isa akong waitress sa Restaurant night shift ako dun tapos aral sa umaga pero kahit anung kayod ko talagang hirap ako. Biruin nyo nagtratrabaho ko para makapag aral at the same time eto ! tiga bayad sa utang ng Papa ko. May maliit na bukid kasi si Papa, sinasaka nya yun kaya nagkautang kami sa Banko at di na nakapagbayad si Papa dahil nalulong sa bisyo. Eto dahil ako panganay saming dalawa ng kapatid kong babae na 14 years old. Hayan! Nasakin na lahat ng responsibilidad! kasi wala din namang trabaho si Mama. Takte! ayos  na sana eh! biruin nyo naman! "WALANG KWENTA" pa tawag saken sa kabila ng hirap ko >w<

"Tay ! Jewel lang ang pangalan ko pero d ako lumuluha ng alahas, ginto o kung ano pa !" sarap isigaw lintek na buhay to !

pati sarli ko napabayaan ko na eto ako "Losyang" kulang na lang daigin ko si Ugly Betty kaya lang mas maganda ko haha..

Oh siya ! tama na nga pala ang drama naalala ko lang naman na mag gagatas pa pala ko ng Kalabaw . aisst ! isa nga pala to sa sideline ko pag sabado at Linggo. Inuupahan naman kasi ako ng Tito ko. Ginagawa ko toh tuwing umaga ..

"Jewel !! " narinig ko na naman ang sigaw nya aiisst ! panira ng araw sigaw ni papa ! .."ikaw bata ka tingnan mo ang oras mag gagatas ka pa ng kalabaw ! paano pag nawala ung mga suki mo sa subdivision ! lintek ka namang bata ka oh ! wala ka ng nagawang matino ! ang walang kwenta mo naman !" ayan na nga po ang sinasabi ko ! try ko lng mag layas One time lang ! sigurado walang bubuhay sa inyo tssss !! pasalamat ka tay di ko matiis sila mama nakuuuuuuuuuuu .. kung d lang ako munting anghel

"Good Morning Shiela !!" kala nyo kung sino binabati ko noh ? haha si Shiela ung pangalan ng Kalabaw .. siya lng naman matinong kausap eh ! 

"Gatasan na kita ah .. wag ka malikot" habang inaayos ko ung timba na  paglalagyan ng Gatas niya

*After 1 hour .. 6:45 am*

yesssssssss !! tapoooos ! napakuluan ko na ung mga gatas at .. nailagay ko na sa bote ! ready to go  na ! .. nagmountain bike lng ako tuwing umaga .. sa totoo lng luma na din ung bike na toh tsss.. medyo madalas na nga kung masira eh kaya minsan tumutumba ko =.=" pahiya.com xD

.. On the way na nga pala ko papuntang Subdivision kase dun ako araw araw na nagdedeliver ! mabenta yata ako dun ! haha =] 

..weeeeeeeeeeeeeh !! isa na lang ang natitira ! ang pinaka special sa lahat ! ang gatas na para sa malaking bahay dito ! ang ganda ganda kasi eh ! mabait daw ung may ari sabi ni Aling Linda .. siya ung katulog dito .. paborito kasi ng amo niya ung gatas na toh .. may katandaan na ung amo niya .. na biyudo na daw matagal na.. may anak daw un sa States sabi ni Aling Linda..

Teka tama na muna ang kwento .. nandito na pala ko ..

"tao po ! (Ding Dong) .. tao po" sigaw ko habang nag dodoor bell

"Oh ! hija pasensya ka na at nagluluto ako ng almusal ni Don Ferdinand .. di ko agad napansin na tumatawag ka na pala"

"ahhh .. aus lang po Aling Linda .. eto na po pala ung gatas ng inoorder niyo " sabi ko naman habang kinukuha sa basket ng Bike ko ung gatas"

"ah.oh sige eto na ung bayad at ng maka alis ka na baka mabungangaan ka pa ng tatay mo" nagtataka ba kayo kung bat alam niya ? simple lang xD kachismisan ko sya haha

"hahaha .. sanay naman na po ako .. sige po Aling Linda mag lilinis pa ko ng bahay eh" sabi ko na lang para maka alis agad kasi pag ganitong weekends tanghali ang pasok ko sa Restaurant

 ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

>>this is my new story >w< just need some support haha .. medyo maikli lang po sa ngayon pero idudugtong ko na lng po bukas ^O^ .. may exam kami bukas eh hahaha xD"

Good night

pa vote nemen po :*

Dahil sa UTANG [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon