CHAPTER 12

19 0 0
                                    

"Tagal naman magising nito. kanina pa ko dito ah ang tagal tagal ko ng naghihintay magsstart na subjects namin ng panghapon after 15 mins." bulong ko sa sarili ko "pero kasalanan ko naman kasi eh. tss. nakakaguilty. Bago tong feeling nato haha. mukang tinablan ang pusong bato ko.pagdating sa pangbubully haha."medyo napalakas yata yung tawa ko kaya biglang umungol si Jewel at unti unting dumilat

"uhhh." sabi niya sabay tagilid ng higa papaharap sakin. haha. ayos lang sana kung maganda to eh. jk. baka magprotesta na konsensya ko pag tinuloy ko pa to.

"uhmm... a-ano nangyare?" mahinang bulong niya habang pinipilit idilat ung mga mata nya

"hinimatay ka." maikling sagot ko.naman

"ahh." sabi lang niya sabay kusot.ng mata

"Kailangan mo na kumain." sabi ko

"Hindi. ayos lang ako." sabi ng seryoso

"Anung ayos? eh.hinimatay ka na nga at lahat ayos pa.din? Ayusin mo kasi kain mo. Feeling mo naman Yakult ka everyday ok." sermon ko.agad

"...." di man lang umimik. di talaga ko sanay na tahimik to. Nanghihina pa siguro.

"Babalik ako" sabi.ko sabay tayo sa upuan sa gilid ng kama nya

"Uh san ka pupunta?" mahinang tanong nya. Namumutla talaga

''Sa baba sa Canteen bibili ng pagkain mo. Maganda siguro kung magsoup ka muna para makarecover.ka agad." sabay talikod

palabas na sana ko ng pinto pero nagsalita sya

"Pero di ba eto pa yung pagkain na dala mo kanina? Ito na lang kakainin ko sayang naman." Napahinto ako at lumingon. hawak nya ung paperbag na may styro

"Akin na yan." sabay hila sa paperbag

"Oh bakit nanaman??" medyo nalakas ung boses nya

"Mainit ang kailangan mo. Ibibigay ko na lang yan kay Jenny di pa naman sya kumakain para di masayang (assistant ng Nurse)

"Ako na lang bibili. Di ba ikaw dapat pinagsisilbihan ko?" sabi nya akmang tatayo

"Wag na ako na. Kakaayos lang ng bandage ng paa mo pinaayos ko kanina isa pa ngayon lang to pag galing niyang mga paa mo tsaka pa lang maguumpisa ang totoo mong trabaho." sabi ko sabay lakad diretso pero inabot ko muna kay Jenny yung pagkain dapat ni Jewel kanina.

"Salamat. :))" sabi niya naman

"Walang anuman. Babalikan ko lang sya. Gising eh bibilhan ko lang ng pagkain." sabi ko sabay.labas ng pinto.

Jewel's POV

"... pag galing niyang nga paa mo tsaka pa lang mag uumpisa ang totoo mong trabaho" parang kinabahan naman ako. Minsan ayoko na ding gumaling eh.

"Uhh gising ka na pala. :)'' sabi sakin nung assistant ng Nurse wala kasi ung pinaka nurse eh umalis yata

"ah oo :)" sagot ko sabay ngiti

"Ang swere mo ha." ang gwapo nung kasama mo. si Drew.

"uhh. ehh. di ba transfer lang sya? Bakit kilala nyo sya? Pati yung staff sa canteen kaclose daw niya" curious na tanong ko

"Eh kasi nag aral sya dito nung High School. 2 years lang. 1st year yata. Nakilala ko yun kasi may binubully syang kaklase. Payat kasi yun. Laging nasusugatan dahil minsan napapagtripan nila Drew at barkada nya nadadapa ayun laging nandito kaya nakaclose ko na din. Matagal na kong assistant dito. halos 5 years lang ang tanda ko sa inyo." Paliwanag niya

"Ahm. medyo weird yung itatanung ko pero sino yung binubully niya?" napakunot.yung noo ko

"Si--" di natuloy yung sinasabi nya kasi dumating si Drew

"Eto. kumain ka na." sabay baba ng pagkain sa lamesa

Dahil sa UTANG [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon