Part 2
Ang kulit! >.<
Himiko’s POV
P.E class at basketball ang nilalaro ng mga lalaki as usual dumadagundong nanaman ang gym dahil sa isang lalaking naglalaro ngayon. Magaling siya, matangkad na isang advantage pero kaya lang naman siya magaling dahil nagagawa niyang mangopya ng moves ng iba. Pero nakakabilib din ang kakayahan niyang iyon mahirap ‘yon lalo na habang naglalaro ng basketball.
*whistle*
At syempre nanalo ang team nila. Hindi naman na nakakapagtaka ‘yon.
“Ok, Himi-chan tara tayo naman.” Sabi ni Ayame habang nag-uunat.
“Excited ka ata.” Sabi ko.
“Bakit bawal?” sabi niya. Volleyball ang laro ng girls, sports ito ni Ayame. Wala naman kasi ako talagang sports na masasabi kong magaling ako, may alam siguro pero hindi magaling. Kahit basketball minsan nilalaro ko kahit board games basta may kalaro at nasa mood ako ay ayos lang.
Ako ang unang magse-serve. Huminga ako ng malalim at saka inihagis pataas ang bola.
“Go! Himikocchi galingan mo!” biglang sigaw ni Kise from out of the blue. Hindi ko napalo ang bola dahil nadistract at nagulat ako sa bigla niyang pagsigaw at napunta ang point sa kalaban.
“Pwede ba manahimik ka jan.” sigaw ko sa kanya at nagconcentrate ulit sa laro. Naging maganda ang laro nanalo kami. Salamat sa magandang net play ni Ayame. At sa mga combo namin.
“Sports mo talaga ‘to Ayame.” Sabi ng mga kaklase namin.
“Salamat sa mga assist ni Himi-chan.” sabi ni Ayame. Napangiti lang ako sa kanya. ^_^ hiiiiii nakakatuwa naman.
Lunch break, mag-isa lang ako sa may garden dahil hindi sumabay si Ayame sa akin, hindi rin naman sasabay si Megumi dahil sabay sila panigurado ni Akashi. Napabuntong hininga na lang ako. Malungkot din palang kumain mag-isa.
“Himikocchi ^__^” sigaw ni Kise habang papalapit sa akin. Simula noong nangyari sa may puno noong nakaraang linggo. Eh naging ganyan na siya. Sa umaga ay mas uunahin niya pa akong lapitan at batiin kaysa ilagay ang gamit niya sa upuan niya. At “Himikoccchi” ang tawag niya sakin. Anu ba yun ang korni. Hindi na siya tumatambay sa may hagdan pero bigla bigla na lang siyang sumusulpot kung nasaan ako. At lagi siyang nagkukwento ng kung ano ano para may mapag-usapan kami.
“Ano nanaman bang problema mo?” sabi ko at umupo siya sa bench na inuupuan ko.
“Wala naman, mag-isa ka lang kakain? Sasabayan na lang kita para hindi ka malungkot.” Sabi niya ng tuloy tuloy.
“Sino naman nagsabi sayo na ikasasaya ko ang pagsabay mo sa aking kumain?” sabi ko ng nakataas ang isang kilay.
BINABASA MO ANG
Persistent [Kise x Oc] KnB fan fiction
Romance"Sabi sa akin ng pinsan ko, kung ayaw ko daw ng gulo, wag daw akong lalapit sa mga sikat na tao sa school. At higit sa lahat wag daw akong mahuhulog sa mga ganung tao dahil mas malaking gulo yun." - Himiko Ishimura