"Kung hindi mo alam yung kwento ko, Alam mo ba na nagkaroon ng digmaan dito sa nayon??"confident na tanung niya ulit saakin, teka lang bakit niya ba ako tinatanung? Anu bang malay ko sa kanya, ang gusto ko lang naman makaalis sa lugar na ito wag siyang epal.
"Teka lang naman, Ba't mo ako tinatanung niyan, diba ikaw nga dapat ang magkwento diyan"sabat ko sa kanya, para naman maiba yung usapan. Tanung kasi siya ng tanung, kainis. Sinabi ko na nga sa kanya na hindi ko alam ang sagot tapos tanung parin siya ng tanung.
"Pero, Anu sandali lang!"huminto siya sandali tapos"Sagutin mo muna kasi yung tanung ko para magkalinawagan tayong dalawa okay"naman tong lalaking to, naguguluhan ako sakanya.
"Oh sige, sa totoo lang wala akong idea diyan sa pinagsasabi mo, hindi ko nga alam na nangyari wala talaga akong kaidi-ideya sa mga pinagsasabi mo"banas na ako sa kanya ah.
Tapos bigla nalang siyang umalis, medyo nakakarinig ako ng paghahalungkat sa isang drawer, teka akala ko ba magkwe-kwento siya pagkatapos kong sagutin yung mga tanung niya? Ano bang ginagawa niya huh?
Pagbalik na pagbalik niya,"Pupunta tayo ng bayan at ipaalam sa hari at reyna ang tungkol dito, at para narin hindi ka makatakas, at dapat rin nilang malaman ang tungkol sayo, kung anung pakay mo dito sa aming nayon"anu daw?ang seryoso ng pagkakasabi niya dun, may masama ba akong nagawa at para niya akong pinagbibintangan kanina. Sinu ba kasi talaga itong lalaking ito? Naguguluhan na ako. Sobra.
May bigla nalang siyang hinagis saakin, muntik ko pa nga itong mabitawan, buti nalang at bumuklat ito sa pagkakatupi, isang...
"Hood, para saan naman po ito? Anu nanaman ba itong pakulo mo"tanung ko sakanya...
Tinignan niya lang ako na blanko ng mukha, nakakatakot ito. Galit na yata siya sa pangungulit ko. Mukhang hindi na maganda ang hangin.
"Isuot mo yan, para hindi ka nila mamukhaan at para narin niyan sa ikakatahimik ng buhay mo"grabe nang-ngangaral ba siya, nanguutos yung tono ng boses niya. Nakakatakot.
Aangal pa sana ako pero wala, nakuha niya ako sa isang tingin, katakot parang si mama lang. Tinalian niya yung kamay at paa ko tapos nilagyan ng tela sa bibig ko.
Binilisan ko nalang isuot ito, kasi ikaw ba naman bigla ka nalang hinila tapos kinaladkad sa labas.
Pagkalabas na pagkalabas namin, bumungad kaagad saamin yung isang kalesang pagsasakyan namin? halata, yun lang naman ang isang transportasyon niya dito. Anu ba naman kasing iniisip ko.
Halos 2 oras din kaming nagbiyahe papuntang kung saan niya ako ipupunta.Tinanggal niya yung tela sa bibig ko at pinababa ako.
"WOW!"tapos bigla nalang tinakpan ni Zeon yung bibig ko...
"Huwag kang maingay, pahalata kanamang baguhan kalang dito sa nayon namin"bulong saakin ni Zeon, halata nga sa boses niya ang lungkot, kaba at alala...
Ang ganda talaga dito, para akong nasa isang old english, may kahalong mexican and Britain's modern housing and infrastructures, hindi naman mawawala ang smell of freshly bake French pastries, at syempre mawawala ba ang food carts...
Pero may isang flaw.....
Medyo hindi maganda ang ambiance, medyo may pagka-weird siya na sobrang mysterious, basta ewan ko, hindi ko siya maexplain. At mukhang hindi niyo na kailangan pang malaman.
"Bibili lang ako ng pagkain"sabay turo saakin"Huwag kang lalayo okay"hatubilin niya pa....
Tumango nalang ako bilang sagot, wala din akong magagawa dahil nakatali ang kamay at paa ko.