Chapter 9.2: His Point Of View

172 5 0
                                    

BAKIT WALA DAW POV SI JARED? HOHOHOHO. KASI TRIP KO LANG. NYE NYE NYE! XD PERO DI NGA SERYOSO DI KO ALAM NA WALA PA PALA AKONG CHAP NA MAY POV NI JARED! HAHAHA. KAYA ITO NAAAAA ANG POV NG ISANG CASANOVA!

P.S. Sorry kung fail yung POV niya. :3

___________________________________________________________________________________

Jared's POV

Nag-bibihis ako ngayon, papunta sa bahay nila-Samantha. Wala kasi si TOP. *grin*

Kawawa naman siya kung mag-iisa lang siya. Di pa 'yun marunong mag-luto. Wala yung kakainin panigurado.

"Kain tayo sa labas! Wala ka ng pagkain dito sa condo mo!"

Anak ng tokwa talaga 'tong si Audrey! Ngayon pa niya naisipan kumain sa labas!

Kung kailan wala si TOP sa bahay nila nina Samantha! Kung kailan pwede kong masolo si Samantha!

"May sardinas diyan! Yan muna kainin mo! Aalis lang muna ako!"

"Ang kapal naman ng mukha mo! Ako na nga ang baby sitter ng anak mo tapos di mo pa ako papakainin?"

Ay! Tokwa! oo nga pala! May anak na ako.

No choice. Kailangan ko munang unahin ang anak ko bago si Samantha. Shet. Pwede na ako maging huwarang ama. -.-"

"O sige na! Tara sa Puso Mo dun tayo kumain." kinuha ko na yung leather jacket ko at yung susi. Palabas na ako ng pintuan ng "Aray! Bakit ka ba nambabatok?!" sigaw ko sa kanya ng batukan niya ako ng pag-kalakas lakas.

"Hindi kasi ako nakikipag-biruan sayo Red. Seryosong usapan na gusto kong kumain."

So akala niya di ako seryoso na sa Puso Mo kami kakain?

"Seryoso din ako na sa Puso Mo tayo kakain."

"ANONG SA PUSO KO?! BALIW KA NA BA HA?!"

"HINDI AKO BALIW! TSKA DI TAYO SA PUSO KO! SA PUSO MO TAYO KAKAIN!"

Bago pa siya sumagot ay hinila ko na siya pababa habang buhat-buhat ko ang anak ko.

****PUSO MO*****

"Ito ang Puso Mo, Audrey." sabi ko sa kanya habang hinila ko siya papasok.

Napatulala at mukhang nairita siya kasi di niya inaakala na totoo ang Puso Mo Restaurant.

"Red masarap ba dito?" tanong niya.

"Oo."

Humanap ako ng table. Nung ma-spottan ko yung isang bakanteng table lumapit na ako.

"Red, masarap ba talaga dito sa puso mo ha?"

Lumakad ako papunta sa table pero dahil sa sobrang kulit ng kapatid ko eh tumgil ako at humarap sa kanya. "Oo nga Audrey! Ang kulit mo rin eh noh?!" sigaw ko sa kanya na ikinagulat naman niya.

"Eh baka pangit lasa ng mga food nila dito ee, tsaka kanino mo to nalaman? Ang weird kaya ng pangalan"

"Basta! Di na importante kung kanino ko to nalaman. Wag mo na kasing intindihin ang pangalan, wala namang ginagawa sayo. Oh dalhin mo muna si Blue dun sa table, mag-ccr lang ako"

Nakita ko na umupo na si Audrey sa table na tinuro ko.

Habang papunta ako sa c.r. may narinig akong tili ng mga kababaihan. "Kyaaaaaah. Ang gwapooo! Kimmy." sigaw ng isang babae na mukhan naiihi na. "Oo nga Kei, anghel ba siya?" sabi naman ng isang babae na parang lumilipad.

Napailing na lang ako sa mga babae.

Siguro kung ako yung dating Red Dela Cruz linapitan ko na yung mga babaeng yun. Pero hindi na ako ganun. Iba na ako.

Pag-kabalik ko galing sa c.r., nakita ko na may inorder na ang magaling kong kapatid. "Oh ang bilis mong umorder ah? Di mo man lang ako hinintay."

"Kanina pa ako gutom! Okay?" sagot niya sa akin habang sarap na sarap siya sa pag-kain.

"O diba? Masarap?"

"Yea. Kanino mo ba kasi 'to nalaman ha? Dati hanggang dun ka lang sa karenderya ngayon rume-restau ka na na kakaiba ang name."

"Di na importante."

Di nga ba siya importante?

Actually, di lang siya importante. Sobrang importante niya sa akin...

dati.

Noong mga panahon na di ko pa mahal si Samantha.

Pero kung tatanungin niyo kung importante pa rin ba siya sa akin, ang sagot ko ay oo.

Siya kasi ang unang tao na minahal ko. ata? Di ko pa rin kasi sigurado kung mahal ko siya noong panahon na 'yun.

 Nakakatawa ba? Kahit ako natatawa sa sarili ko. Biruin mo naman, di ko alam na mahal ko ang isang tao.

Pero, noong narealize ko na na mahal ko pala 'to. Wala na. May iba na siya. Kung bakit kasi di ko pa sinabi sa kanya ang mga salitang Mahal kita. Hintayin mo ko. Babalikan kita

"Hoy! Kuya!" napatingin ako kay Audrey ng tawagin niya akong kuya. Himala ata!

"Bakit?"

"Tulala ka kasi. Ano bang iniisip mo ha?"

Tinignan ko siya ng mabuti. "Hindi. Bakit mo ko tinawag na Kuya?"

"Edi Red. Ang arte mo! Pasalamat ka nga tinawag kitang Kuya dahil good mood ako dahil ang sarap ng pagkain."

Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Dapat pala lagi ko siya dinadala dito para lagi niya akong tinatawag na Kuya. Bwuahahaha.

 -------------------------------------------------------------

MY THOUGHTS:

TINATAMAD NA PO ULIT AKO MAG-SULAT NG UPDATE. HARHAR.

PERO NONETHELESS, JARIL PA RIN AKO! UMAASA AKO SA JARIL! ANG PAG-ASA KO SA JARIL AY PARANG ANG PAG-ASA KO SA BAYRUS AT DRALYS! HAHARLOL. KBYE.

Muling Ibalik [sige na!] (JaRil Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon