Chapter 21

1.4K 24 2
                                    

THEO's Point Of View

"Pack everything! We're going to States!" Natatarantang sabi ni mommy. Yes, it's confirmed. May skin cancer si Jessy. Buti nga daw hindi pa malala ang case nya. But it will get worst.

"Kalma lang, Emilie." Dad soothed her. "Sige, tatawagan ko ang mga tao sa bahay, ipapahanda ang lahat ng gamit natin."

"Who'll be staying in the house?" Tanong ko.

"Yung mga katulong natin sa Tagaytay. We should not tell anyone about Jessy's condition. Papauwiin muna natin ang kasambahay natin." Dad announce.

"Not ever her boyfriend?"

"Not even him. Okay lang kung si Marielle."

Natutulog si Jessica kaya hindi nya alam ang mga nangyayari. Hindi nya alam kung ano ang sakit nya. She does'nt know anything.

Lumabas si Dad para tawagan ang tao sa bahay at ipapa-prepare ang private plane namin. Kami nalang ni mommy ang nandito.

"Hmmm. Hi mom, kuya." Narinig kong sabi ni Jessy. Tumingin naman kami sa kanya at ngumiti. She's very pale at parang lumalaki ang noong maliliit na lumps sa balat nya.

"Good morning, anak!" Bati ni mommy.

"Morning, Jessy." Bati ko rin sa kanya. Ngumiti naman ito.

"Jessica." Panimula ni mommy. "We will be going to America."

Nakita ko namang gulat na gulat si Jessy.

"What? Mom, why?" Tanong nya.

"Dun kana namin ipapagamot." Sabi ni mommy habang nakayuko parang pinipigilan ang pag-iyak.

"Why? Ano ba ang nangyayari sa akin? Nahimatay lang naman ako ah?!" Tanong nya habang gulat na gulat parin.

"Nak, wag kang magulat ah." Sabi ni mommy at hinahaplos ang kamay nya. "M-may skin c-cancer ka kasi."

"What?! Mom, you're kidding right? I'm fine! I'm perfectly fine." Sambit nya habang umiiyak.

"Jessica! May skin cancer ka! You're not fine! You need fast medication!" Pinagalitan ko naman sya. Yumuko nalang sya at humahagulgol.

I felt sorry for her. Sana hindi to nangyari sa kanya. She doesn't deserve any of this.

Bumukas ang pinto at pumasok naman si dad. Tumingin naman si Jessy sa kanya.

"I'm glad you're up. We need to transfer, Jessy." Malungkot na saad ni dad. Hindi nalang nagsalita si Jessy.

"Anak, wag mong sabihin kahit kanino ang tungkol dito." Dagdag ni dad.

"H-how bout Marielle?" Tanong nya habang umiiyak pa rin.

"Yes, you can. But don't tell your boyfriend about this." Sagot ni dad.

"O-okay." Hinaplos naman ni dad ang likod nya na parang pinapatahan nya ito. I was surprised na hindi sya kami pinilit na sabihan si Josh tungkol sa kalagayan nya. Well, baka alam nya na busy si Josh.

Lumabas na kami ng hospital at dumiretso kung saan ang plane na sasakyan namin. Nandun na lahat ng gamit namin. Pinalitan na rin ang kasambahay namin. Yung iba inilipat sa Tagaytay at yung iba naman ay umuwi.

UCLA Medical Center, Los Angeles, California

Nandito na kami sa hospital room ni Jessica. Gumawa naman ng iba't ibang tests ang mga doktor para malaman kung may cancer ba talaga sya.

Ako ang nagbabantay sa kanya ulit ngayon. Kasama ko si Marielle dahil nagpumilit kasi syang samahan ang kaibigan nya. Hindi naman umangal sina mom at dad kasi alam nilang ito rin ang gusto ni Jessy.

Sina mommy at daddy ay umuwi sa bahay namin dito sa Los Angeles. Sabi rin ng mga kaibigan ni Jessy na sina Zaicris, Zairon at Adrianne na bibisita sila dito pag may panahon sila.

Nakakaawa na si Jessy kahit hindi pa gaano lumalala ang sakit nya. Mas namumutla pa ito. At naging mas waxy ang lumps ng balat nya. It might look gross but we have to accept the fact na may ganitong sakit ang kapatid ko. Mom and dad will do anything just for her to feel better and be healthy again anyway.

JOSH's Point Of View

Ngayon ko kikitain si Lianne kaya nadito ako ngayon sa isang mamahaling resto. Sabi nya kasi dito daw kami magkikita.

Yes, I heard na nahimatay si Jessica at kasalukuyang asa ospital ngayon. Uuwi na sana ako sa Maynila kaso sabi ni Lianne na ngayon lang daw. Sinabihan ko nalang si Theo na babalik ako bukas at bantayan ng maigi si Jessica. I was damn worried nung sinabi ni Theo yun. Buti nalang stable na ang kalagayan nya.

"Hi, Josh!" Bati sakin ng kakarating lang na Lianne.

"Hey." Umupo sya sa tapat ko. Wala namang masyadong nagbago sa kanya. Medyo good girl na yata ngayon. Hahaha.

"Anong gusto mong kainin, ako na ang mag-oorder?" Tanong ko.

Tumingin sya sa menu at nag browse ng ilang pages. "Uhm, I'll have Baked Honey-Garlic Chicken please."

Ngumiti ako at sinabi na rin sa waiter ang aking order.

"So, kamusta naman ang love life mo ngayon?" Tanong nya nung umalis na yung waiter.

"Kami na ulit ni Jessica." Sabi ko at ngumiting malapad.

"Wow, good for you. Ako, kelan pa kaya." Sabi nya at tumawa.

"You just have to wait for the right time, Lianne."

"You sound like an old man, Josh." Humalakhak naman sya. I just smiled. Dumating na ang orders namin, at last!

Nilapag yun ng waiter bago umalis. Kumain na kaming dalawa.

"Kailan ka babalik ng Maynila?" Tanong nya habang kumakain kami.

"Tomorrow. Nasa ospital kasi si Jessy. I have to take care of her."

"Aww, how sweet! Finally, you're settling on one girl!" Biro nya. "Ano ba ang nangyari kay Jessy."

"Nahimatay daw nung isang araw." Malungkot kong sagot.

"Don't be sad. I know, she'll get better anytime now."

"I hope so." I said and sighed.

3pm palang kami na tapos ni Lianne kaya ngayon na lang ako uuwi ng Maynila. I want to see my baby.

4:15 ang flight ko at boarding na ngayon. I just got so excited to see her again. Damn, I really missed her!

Manila

Dumiretso ako sa bahay nina Jessy. Pag doorbell ko, iba ang bumukas.

"Sino po sila?" Tanong nung bagong kasambahay. This girl is probably new kasi kilala na ako ng mga maid nila Jessy.

"Si Jessy?" Tanong ko sa kasambahay at pinapasok nila ako sa bahay.

"Wala dito na po sila dito sir!" Sabi nung babae. WHAT?!

"Saan sila pumunta?!" I yelled.

"H-hindi ko po alam sir eh." Parang natatakot na sagot nung kasambahay.

SHIT! WHERE COULD THEY BE?!

♡♡♡
Waaaaahhhhhh!!!!
Hi po😊😊😊

Read. Comment. Vote. Support. Share.

~saranghae❤❤❤

"I Want My Girl Back"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon