I remember him!

20 0 0
                                    

Part 1

After 2 years…….

Althea’s POV

I remember him!

*tshhhk.tsshhhk..tshhk..tsshhhk.*

Nagwawalis ako ng bakuran,, hahaha.   Ang dami na kasing tuyong dahon doon. Well, karaniwan na rin naman ang hapong ito. Wala na akong ibang ginawa kundi ito, mga gawaing bahay na lang ang inatupag ko.

Matapos nung nangyari 2 taon na ang nakakalipas, ang perang pinaghati-hatian namin noon ginamit kong pambayad sa operasyon ni mama at yung kaunting natira ay inipon ko, kasama na rin doon ang pangastos para sa pag-aaral ng bunso namin. Pero, hindi na ulit ako sumali sa mga sumunod na raket nila,, baka akalian nyong ang sama ko talagang tao.

Kahit ngayon nga ay dala ko pa rin ang alaalang nangyari noon. Palagi kong naiisip, paano kung kinakailangan rin niya ang pera. Paano kung may pagbibigyan sila noong sa ibang pang mas nangangailanagn.

Hindi ko narin sinabi sa mama kung saan ko talaga iyon nakuha, sinabi ko na lang na pinautang ako ng isang kaibigan at huhulughulugan ko nalang.

Napatigil ako sandali,  ano ba yan , naalala ko naman yung lalaki na hinoldap namin.

Kasi naman…

Ang gwapo nito,  naalala ko pa noong naabutan niya ako nung itinatakbo ko ang pera. Nang mag-tama ang mga mata namin. Parang pamilyar ang mga mata niya, parang nakita ko na iyon pero hindi ko alam kung saan.

Tapos sa saglit na nag-tama ang mga mata namin ay, nakakita ang ako ng sari-saring emosyon doon.

Gusto ko siyang balikan noon upang tulungan, hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin noon. Hindi lang dahil sa nakokonsensya ako kaya gusto ko siyang tulungan, p[arang may iba ksai akong naramdaman…  hayyy! Ano ba iyan.

Makikita ko pa kaya siya ulit.??? Kung magkita man kami hindi ko alam kung kaya kong harapin siya. Baka ipakulong niya pa ako..           

0_o

*tsuk*

May kumalabit sa akin…..

*lingonn*

“ ’nak, nakatunganga ka naman..ano na naman iyang iniisip mo??” tanong sa akin ni mama, si mama naman, parang palagi na lang akong nakatunganga, ahhhh.

“ wala po,” tipid kong sagot

*ismid*

Panira ng DREAM. Hahaha 

Itinabi ko na muna ang  walis ko at umupo kami ni mama sa  ilalim ng punong manga.

“ ‘nak, wala ka bang planong mag-aral ulit?”   biglang tanong ni mama,,    

Bigla akong napaisip….. hahaha napa-isip pa talaga.

“Gusto ko rin po sana, kaso alam niyo naman ang kalagayan natin, pinapa-aral ko pa si Alfred. Ni wala nga akong matinong trabaho.  Rumaraket nga lang ako sa bayan kung anong merong bakanteng trabaho.   Tapos sa susunod na taon, magko-kolehiyo na siya.”   Naghimutok talaga,, hahaha.

*hoooohhhh*

Yan tuloy napa-buntong hininga si mama…

“ma, alam ko na iyang iniisip nyo, tigilan niyo na iyan”  sabi ko ng makita ko siyang biglang nalungkot.

“kung hind lang kasi ako sana nagkasakit” malungkot nitong sabi…

Hinawakan ko ang kamay niya,.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Miss Snatcher.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon