May isang lalaking nagngangalang "Ran" at may isang babaeng nagngangalang "Mara".
Si Ran ay may matalik na kaibigan na nagngangalang "Shen".
Si Shen ay isang simpleng babae na tamang tama sa mga tipo ni Ran,Si Ran ay isang modelo nang mga kalalakihan sa kanilang unibersidad dahil sa pagigi nyang gwapo,mabait at napakamatipuno at higit sa lahat matalino at masipag pa. Siya ang lalaking gugustuhin nang lahat ngunit isa syang torpe. May naiibigan syang babae.......ngunit hindi nya masabi ang kanyang nararamdaman dahil ang kanyang naiibigan ay walang iba kundi si Shen.......ang kanyang pinakamatalik na kaibigan............ngunit hindi alam ni Ran na ang kanyang nagugustuhan ay mayroon na ding nagugustuhang iba
Kaya isang araw.........."Ran!",Sigaw ni Shen kay Ran
"Oh!Shen,bakit?no balita?",tugon ni Ran Kay Shen.
"May sasabihin kasi ako sayo",nahihiyang sabi ni Shen kay Ran.Napaisip si Ran nang biglang makita nya ang masayang itsura nito at halos namumula pa. Akala tuloy nito na magtatapat sa kanya ng pag-ibig si Shen kaya sobrang naexcite si Ran sa sasabihin sa kanya ni Shen.
"Ano yun?",masayang tanung ni Ran kay Shen.
"Diba kilala mo si Lynx?",tanung ni Shen kay Ran.
"Oo naman,ano meron sa kanya?",naguguluhang tanung ni Ran kay Shen.
"Ano kasi.....sorry kung naglihim ako sayo.....kasi.......ano.......may gusto kasi ako sa kanya....",kinikilig na sabi ni Shen kay Ran na ikinagulat naman ni Ran.
"Alam mo kasi,isang buwan na nya akong nililigawan......at.........KAMI NA! KANINA LANG! Diba ang saya!?",masayang masayang sabi ni Shen kay Ran na lalong ikinagulat at ikinalumo niya.
"Ah! Ha-ha-ha-ha ang saya....ano.....congrats,ghe.....CR lang ako ha-ha-ha",sarkastikong tugon nya kay Shen ngunit sa sobrang saya niya hindi na niya napansin yun kay Ran.
Dali daling umalis si Ran.......
Habang si Ran naman ay nasa kalagitnaan nang kanyang kalungkutan,Hindi nya inaasahan na yun pala ang sasabihin sa kanya nito,ang kabaliktaran ng kanyang iniisip.
Wala sya sa sarili habang naglalakad papuntang C.R kaya sa kasamaang palad ay nakabangga sya ng isang tao na puno nang libro ang hawak,sa sobrang lakas nang banggaan nila tumalsik ang mga dala nitong libro."Sorry miss,hindi kita napansin",sabi nito sa babae.
"OK lang,mukha ngang di mo ako napapansin",tugon nito kay Ran.
"Huh?",pagtataka nitong tanung sa babaeng nakasalubong.
"Wala he-he-he",sarkastiko nitong tugon.
"Sorry nga pala ulit,tulungan na kita",sabi nito sa babae.
Pagkatapos nilang pulutin ang mga libro,tinulungan na din nya sa pagdadala yung kanyang nakasalubong.
"Sorry talaga",ulit uli ni Ran.
"Ano ka ba wala yun......para ka kasing wala sa sarili eh",masaya nitong sabi kay Ran.
"Huh!? Hahahaha di naman",awkward nitong pagkakasabi.
Ran nga pala",pagbabago nito sabay alok nito ng kanyang kamay bilang pagpapakilala.
"Oo kilala kita,baka nga ako ang di mo kilala,Mara.....Mara nga pala",masaya nitong tugon.
"Huh!?pano?",nagtataka nitong tanung.
"Magkaklase kaya tayo!!",malakas nitong sabi.
"Hahahaha pasensya na,di lang talaga ako masyado...... ",nahihiya nitong sabi.
"Hahahaha oo alam ko",pagtutuloy niya..
"Hahaha talagang kilalang kilala mo na ako ah...hahaha",natatawa nitong sabi.
"Ah...ano...ha ha...ano...di naman hahah",awkward nitong pagkakasabi.
Nagtaka naman si Ran sa mga inaasta nito kaya nagpaalam na sya.
"Ghe una na ako....see you",pagpapaalam ni Ran kay Mara.
"Ah....sige bye"
Nginitian lang ni Ran si Mara syaka nagmadaling pumunta sa kasunod nyang klase,habang Si Mara naman ay inihahatid sya nang tingin hang hindi nya napapansin.
"Kelan kaya kita ulit makakausap nang ganun katagal?"
♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣
Hi....Sana magustuhan nyo tong bago kong gawa,Sana subaybayan nyo pa ang mga short story ko......sorry sa mabagal na update peace.....
Salamat sa mga nagbasa nitong bago kong gawa......thanks.Kung gusto nyo tong istorya na to,sabihin nyo lang...titingnan ko kung pwede pang ipagpatuloy...
Read Vote Comment
-Raysh
YOU ARE READING
Short Stories
Short StoryI decide to make a short stories para malaman ang opinion niyo in every story that I'll gonna make. Try to read it 😁😁😁