Shane's (yesha) tour guide

7 1 0
                                    

Kayesha Shane's POV

PUMASOK kami sa caf at naghanap ng upuan..at  umorder na rin kami.

"Isa nga pong cheese cake, isang  strawberry shake, at isang mango float " order ko.

"Spaghetti nga po at isang coke" order din ni mich.. hindi na kami nagbabayad kasi dala na ang mga pagkain namin sa tuition namin. Pagkatapos namin mag order ay pumwesto na kami sa aming upuan.. marami rami rin ang mga estudyante na kumakain dito..

Sinimulan ko nang habhabin ang aking mga pagkain nang may biglang sumigaw na beki.

"Nandyan na ang three prince"

Natataranta naman ang  mga babae na nandito sa caf at dali daling nag make up, nag lipstik at iba pang pampaganda..

"Mich. Bat sila nagkakaganyan??" Tanong ko kay mich.

"Nandyan daw yung three prince nila" simpleng sagot ni mich..

"Hmpp" tanging nasabi ko nalang. Biglang bumukas ang pintuan ng caf at pumasok si trace at may dalawang kasamang lalaki..

"Kyahhhhh... prince trace..  I love You..."

"Prince Justine..  will You marry me....??"

"Prince Lucas akin ka nalang..."
Ibat ibang sigaw ng mga kababaihan na nandito sa caf .. teka bat sila nagkakaganyan.. ang wawild nila.

"Uy. Anong nangyari sa kanila?? Ba't ang iingay nila??"Tanong ko na naguguluhan

"Nandyan nga kasi ang three prince nila"

"Ehhh.. ano na kasing meron sa three prince nayan?"

" hearthrob kasi ang tatlong yan.. sikat sila sa school natin"

"Ha?. Bat naman sila sikat??" Aaminin ko ang gagwapo rin naman kasi nila..

"Eh.. teka nga..ipapakilala ko sila sayo.. Si Trace Mike Wilston anak ng may ari ng school nato. Kapatid ni maam Veronica.  Prof natin sa MAPEH yung kanina... Si Justin Mark Bautista. Playboy.. actually classmate natin sya at ang malas ko dahil katabi ko sya.."

"Teka bat mo naman nasabi na malas ka at katabi mo sya??"

"Ayaw ko kasi sa mga Playboy lalo na yang Justin nayan.. iba iba mga gf nyan.. iba iba araw araw. At ang pangatlo Si Lucas Brylle Tan. Playboy din yan.. actually silang tatlo Playboy pero minsan ko lang makita si trace na may babae.. ang alam ko mag bestfriends na silang tatlo simula mga bata pa sila..magkatropa rin kasi mga magulang nila.."kwento ni mich at nagsimula na ulit syang kumain..

"Ahh.. ok"

Pagkatapos namin kumain ay umalis na kami ng caf at punta sa sunod naming class..

After 1 hour. Natapos rin ang subjects namin ngayong araw..

Lunch break na. Kumain lang kami ulit ni mich. At nang natapos na kaming kumain ng lunch ay na pag isipan namin ni mich na maggala sana.. nang biglang lumapit sakin si maam veronica kasama si trace..

"Hi Ms. Eun. Ililibot ka ni trace.. goodluck little bro. Bye.." biglang sabi ni maam veronica at umalis na..

"Tss..tara na." Sabi ni trace at nauna nang lumakad.
Tumingin ako kay mich at tumango lang sya sa akin..

Sumunod lang ako kay trace at inilibot nya ako sa bawat lugar ng school.. itinuro nya sa akin kung asan ang library, ang auditorium na dun ginaganap ang mga program, ang guidance office, detention room, student council office, principal office, faculty room at iba pa..

Umabot kami ng isat kalahating oras sa paglilibot sa school. At ang masasabi ko lang kay trace ay ang tahimik nya at may pagka masungit.. grabe..

Pagkatapos naming maglibot ay pumunta na kami sa room namin.. dalawa lang ang subjects namin sa hapon...

Nang natapos ang dalawang subjects namin ay umupo muna ako sa isang bench sa labas ng college building. Nauna na kasing umuwi si mich, nagpaalam sya sa akin..

Hinihintay ko lang si oppa sa labas.. hindi kasi ako nagdala ng sasakyan kaya makikisabay lang ako kay oppa.. itenext ko na si oppa na makikisabay ako sa kanya nang magreply sya.

"Yesha. Mauna ka nang umuwi dahil gagabihin ako ng uwi.. may night subjects pa ako. Mag iingat ka"reply ni oppa sa text ko.

Tumayo na ako at nagsimula nang maglakad. Maglalakad nalang ako pauwi sa bahay.. maaga pa naman eh.. nakalabas na ako ng gate ng school.. habang naglalakad ako. Nag pasoundtrip lang ako ng monster ng EXO. Nang may biglang tumigil sa harap ko na kotse..

Tiningnan ko ang kotse ng bumukas ang bintana nito at inilabas ang mukha ni trace..

"Sumabay kana sa akin" walang emosyong sabi nito..

"Ah.. hindi na. Maglalakad nalang ako..."

"No. Sumabay kana sa akin. Baka malaman kong narape ka konsensya ko pa.." sabi nito.. kaya sumakay nalang ako..
Binuksan ko ang backseat at sasakay na sana ng magsalita siya ulit..

"Dito ka sa harap . Di mo ko driver" sabi nito.. tss ang arte naman eh.. pumunta nalang ako sa harap at dun sumakay..

Nagsimula na syang magdrive.. ang tamihik at awkward ang atmosphere sa loob ng kotse..
Nang magsalita sya.

"Saan ang sa inyo??" Tanong nito.

"Uhm. Sa Eun Subdivision.."

"Subdivision  nyo??"

"Ah.. Oo"

"Ahh.."

Makalipas ang 20 minuto at nakarating na kami sa mansyon.. bumaba na ako at nagpaalam..

"Ahm.. salamat.." sabi ko . Tumango lang sya at umalis na.. pumasok lang ako ng bahay at dumiretso sa kwarto at natulog..

ZZzzzZzzZZ....

***To be continue*****

Hi po... hehhe... :-D :-D

Abangan nyo po ang susunod..

Kamsahamnida...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Woman Behind that Fancy SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon