Reunion

23 0 0
                                    

Mariel's POV

' O nandyan na pala si Mariel eh' sabi sa akin ni Ria '

' hindi wala pa ako dito, nandun pa ako! ' pambabara ko naman hindi ba halata na andito na ako? isip isip din aba!

' nakakamiss rin pala kayo................... kahit nakakasawa na mga mukha niyo! ' matutuwa na sana ako kaso lang dinugtungan mo pa!

' shut up! how could this pretty face be disgusting to you? ' hindi pa rin nagbabago si Bea.

' nakakaloka ka ha! sa ganda kong to nakakasawa ba kamo? utot mo! ' panggagalaiti ni Ria

' Pre naka drugs ka ba?! ' sabi naman ni Xander

' hindi ba uso sa inyo ang salitang sarcasm? ' pagpapalusot naman ni Troy

' nakakamiss talaga tong pag bobonding naten! ' sabi ko naman. wala naman kasing patutunguhan itong pag-uusap namin eh

' mas nakakamiss si Lancy ' malungkot na sabi ni Troy

' guys! why don't we visit him/her ? ' suhestyon ni Bea

' oo nga! bisitahin naman natin siya para naman matuwa naman yun' excited na sabi ni Ria

' tara puntahan na natin ngayon ' sabi ni xander

habang nasa biyahe kami papunta kay Lancy, wala ni isa sa amin ang umimik. parang lahat sila ay malungkot wala naman dapat ikalungkot.. mga lukaret din itong mga kaibigan ko.

' naaalala niyo pa ba yung mga nangyari nung highschool tayo? ' binasag ko na ang katahimikan nakakapanibago kasi eh.

' why don't we reminisce the moments we've had before so that we can forget the sorrowness now?

' sabi ni Bea.. ano ba naman to english nang english pa rin kahit may pinagdadaanan sa buhay.. ka-nosebleed ah!

' naalala ko pa nun nung unang pagpasok ko sa school si Lancy ang naging pinaka-una kong kaibigan since birth ' panimula ko

" since birth talaga teh! ' sabi ni Ria 

' yeah kasi wala ni isang nagtangkang lumapit sa iyo kundi siya lang... ' yeah for the first time! nagtagalog din siya sa wakas!

' ....bago niyo kami nakilala'  kung iniisip niyong masyadong madrama ang istoryang ito.. nagkakamali kayo.. puno ito ng ka-cornihan at pagka-trying hard ng author na mapatawa ang readers nito ngunit  EPIC FAIL ang resulta!

FLASHBACK

Mariel's POV

First day of school na naman. Magpapakilala sa harapan ng klase, maghahanap ng section, at higit sa lahat, magsusulat ng schedule mo. 

' la~la~la~la ' kanta ko habang papunta ng room

' psst ' hala anu ba yun? may moo moo? sus mariel focus lang sa pagkanta... guni guni mo lang yun

'l-a la l--a ' anu ba yan! kinakabahan na tuloy ako kasi ang schedule ng moo moo napaaga yata akala ko gabi pa yun.

' psst! psst! ' putek bakit parang lumalakas yung boses at parang palapit nang palapit yung boses. takte wala na kasing dumadaan pang ibang estudyante sa hallway.

' mariel ' waahh! bakit niya alam ang pangalan ko stalker ko ba siya? infairness may stalker na ako for the first time. kaso nga lang moo moo.

' waaah! tulong! ' napasigaw tuloy ako sa takot. hawakan ka ba naman sa balikat. hindi ka manlang ba kikilabutan?

' shonga! anong akala mo sa akin multo? sa ganda kong to? mukha akong multo? ' wagas ah. affected much? si Lancy lang pala yun. akala ko kung sino na. sayang akala ko pa naman may stalker na ako kahit multo papatusin ko yan kaso si Lancy lang pala yun

' anong iniisip mo diyan? ' tanong ni Lancy

' wala ' sabi ko

' tara na, punta na tayo sa room naten ' yaya ni Lancy

' huh? parehas tayo ng section? ' baka naman ihahatid niya lang ako *_*

' ay. hindi! ihahatid lang kita ' sabi ko na nga ba eh kitams

' sabi ko na nga ba eh! anung nakain mo ngayon? ' haha ang bait talaga niyang kaibigan...hayyy

' lukaret! parehas tayo ng section ' ayy... sayang

' tara na ' sabi ko

SA KLASE...

' goodmorning class! ' masiglang bati ng teacher namin 

' goodmorning ma'am! ' 

' okay let's start the class '

' alam niyo naman na siguro yung regular routine kapag first day ng school? ' sabi ng teacher

' hindi pa ma'am ' bulong ni lancy. magkatabi lang kasi kami ng upuan.

' hindi mo pa alam yun? ' hala hindi pa pala niya alam? ang tagal na kayang ginagawa yun, hindi pa rin niya alam. tss. kawawa naman siya.

' wag kang mag-alala, sasabihin ko sayo kung ano yun. That's what friends are for ' O bilang mabait na kaibigan na naninirahan sa mundong ito, tutulungan ko siya upang mapagaan ang kanyang pasanin sa buhay. <--  (pasensya na sa ka-cornihan niya..inborn eh!) 

' tange! joke ko lang yun! naniwala ka naman agad ' oo na ako na yung tangeks

' ikaw na yung matalino ' geh ikaw na! nasa'yo na ang lahat! 

teka lang.. mukha yatang napasarap na ang usapan namin kasi halos lahat ng mga kaklase namin ay nakatingin sa amin.

' Ms. Montero and Mr. Madrial anong business natin diyan ' patay... first day of school pa lang napagalitan na agad ako si Lancy kasi eh.

' Ma'am si Lancy ah--este si Lance po yun.' sabay turo ko kay Lancy

' Hala! ma'am si Mariel po yung nanguna ' aba ikaw kaya yun! ang bait naming magbespren no! nagtuturuan ng kung sino ang may kasalanan. @_@

' Ms. Montero and Mr. Madrial! humarap kayo sa dingding ! ' naku po! eto na naman po tayo..

' Ikaw kasi eh.. napaharap tuloy tayo sa pader ' sabi ko kay Lancy

' ayaw mo nun! nakaligtas tayo sa pag-iintroduce ng sarili natin sa klase. ' paliwanag naman ni lancy

' oo nga no! ang galing mo talaga bespren! hindi ko naisip yun ah! ' ang galing niya! paano kaya niya yun naisip?

' hay naku kahit kailan talaga ang hina mong mag-isip ' bulong niya... 

' ano kamo?' hindi ko kasi masyadong marinig eh ' ?_?

' wala '

You've Got a Friend in METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon