Introduction of characters

26 1 0
                                    

Ilang taon na rin ang lumipas noong graduation namin. Grabe hindi ko akalaing makaka-graduate pa kami sa dami ng kalokohang ginawa namin nung highschool pa kami at nakakatuwa ring isipin na sa tinagal ng panahon eh hindi pa rin nasisira ang pagkakaibigan namin.

KRIING! 

"hello?" Oo nga pala! reunion na nga pala namin ngayon!

"Mariel, nasaan ka na?" sabi ni Troy. excited much?

"On the way na ako." kumusta na kaya yung mga lokong yun? matagal-tagal ko na rin silang hindi nakikita simula nang mag-graduate kami.

Nakalimutan ko nga palang magpakilala... salita ako ng salita dito hindi niyo man lang kilala kung sino ako.

Ako nga pala si Mariel (Mar for short) Isang commoner na estudyante at may pagka- slow poke. Kung ikukumpara ako sa ibang tao, ako yung tipong corny at nakaka-bobong kausap, hindi masyadong palakaibigan, may pagka-weirdo at may pagka baliw.. pero kahit hindi ako friendly, may mga kaibigan naman ako kahit papaano tulad nila Bea, Lancy,Ria, Xander at Troy. 

Si Beatrice/Bea ang pinaka maldita sa aming anim. Bully, masungit, maarte at spoiled brat. Pero pagdating sa amin siya yung lagi mong maasahan sa lahat ng oras at mabait pa. Pag tinatawagan namin siya, mas mabilis pa siya kay superman kung dumating. Iiwan niya ang lahat ng ginagawa niya kahit ang paborito pa niyang  gawain na pag-shopping para lang sa amin. Kaso lang pagdating niya, mag-iinarte siya nang walang humpay at mang- kokunsensya pa.

Si Lance/Lancy ang ka-tropa namin na pang underwater ang beauty. Sa madaling salita, isa siyang sirena o sa mas madaling salita isa siyang bakla. Siya ang clown sa amin. Kapag awkward ang atmosphere, nariyan siya palagi para pasayahin kami. Lagi siyang ganyan, kaya nga masaya siyang kasama eh.

Si Troy ang pinakamakulit, pinakapasaway at higit sa lahat pinaka- maloko sa barkada. Siya yung palaging nagpapasimuno ng kalokohan namin nung highschool pa kami. Kahit ganyan yan, may pagka- seryoso din yan minsan pag natripan niya.

Si Xander naman ang pinaka sikat sa aming anim. Siya pa kamo ang hearththrob sa school kaya lagi kaming napapagdiskitahan ng mga babae niyan. Certified chickboy kasi at galante pa. Akalain mong siya ang nag-iisang tagapagmana ng kumpanya nila na isa sa pinakamalaking kumpanya sa pilipinas. Pero hindi namin inaabuso ang pagka- galante niya. Onti lang.. de joke lang yun.PRAMIS!! honest 'to! Siya naman ang aming kaibigang tagapayo kasi mas masahol pa siyang magpayo kaysa kay Ramon Bautista.(kung hindi niyo maintindihan mas lalong hindi ko maintindihan) basta yun na yun.

At last but not the least,si Ria. Ang kalog, happy go lucky na counter part ni Troy sa tropa. Siya ang nagturo sa akin kung paano maging friendly. At siya rin ang nagpakilala sa amin ni Lancy sa tropa. Pero kahit kalog siya may delikadesa naman siya kahit papaano. Sa totoo lang marunong siyang rumespeto sa  ibang tao. At siya na ang proof ng kasabihang don't judge the book by it's cover.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N :

Please comment kung gusto niyo po. Tumatanggap po ako ng kahit anong comment either positive(kung meron man) at negative para po malaman ko kung ano pang aayusin sa story na ito. Thank you po sa mga nagtya-tiyagang magbasa dito ^_^

You've Got a Friend in METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon