Chapter 1

2 0 0
                                    

"You're late," bungad ni Chadie kay Lorheign.

"Akala namin itinanan ka na."

Biglang tumalim ang tinging ipinukol ni Lorheign sa binatang abala sa pagtipa sa keyboard ng computer. Hindi naging maganda sa kanyang pandinig ang biro ni Chadie. She had lived her life with that joke for 3years now. Naging karuwaan na din iyon ng mga kasamahan nya. Naiinis sya dahil pinapaalala lamang nyon na minsan ay naging tanga sya.

She was 24 then when she believed the word of a man who promised her eternity and a walk down the aisle. Pero hindi pa nga sila kasal, nagpraktis na ang tarantadong-sumakabilang bahay. Nagmakaawa ito pero hindi na nya binigyan ng pangalawang pagkakataon. She called it off right away. At ang muling pag-usapan itoay gumigising lamang ng poot sa kanyang dibdib. Mahaba-haba na rin ang 3 taon pero naroon pa rin ang kirot. Sa katagalan ng biruan nila ay natuto na syang ipagkibit-balikat iyon at mag kunwaring saradong aklat na ang bahaging iyon ng buhay nya.

Inilapag nya ang dalang malaking bag sa lamesa. Hinila nya ang bakanteng high back chair at tumabi kay chadie na buhos ang atensyon sa keyboard at ilang monitors na naroon.

"Very funny, pero kung balak mong i-pursue ang mission natin na may bali sa katawan, I am more than willing To give you 1."

"Lorheign, natakot ako don ah," anitong tumigil sandali sa ginagawa at humarap sa kanya. "Alam mong maraming nag tangka ngunit ni 1 walang nag tagumpay," paalala nito.

Totoo ang sinabi ni Chadie. Bilang bahagi ng operasyon ng 1 top secret organization at kasapi ng High Minds Security ay ilang beses na silang nasuong sa kalaban na walang katibayan ang buhay. Nasugatan man sila at nabalian,pero halos dekada ng pagiging active ng kanilang pangkat, wala pa namang ni isang namatay sa kanila.

"Bakit ka nga pla natagalan?" Tanong ni Bryan sa kanya na busy sa pag kalikot ng mga gadgets. "Hindi naman uso sayo ang ganyan."

"Hindi ko kasi maiwan ang kapatid ko nang walang kasama. Nagkataong nagbakasyon kina Lopi ang pamilya niya galing pa sa probinsya. Nahiya na akong pakiusapan na doon na muna patuluyin sa kanila ilang araw si Jhaz."

"O, eh, bakit hindi mo kinontak si thalia?"

Pinaikot ni Lorhaine ang mga mata sa naging pahayag ni Lopi. "Nasa honeymoon stage pa sila ni Ar'Ar. Naurong un noon dahil sa kaso ni Nick Garcia. Anyway, Edith took him in."

Hindi inaasahan ng dalaga na ang head pa ng kanilang organisasyon ang aako pansamantala sa responsibilidad nya sa kapatid. Bihira lamang ang pagkakataong sinasalo ni Edith ang personal na problema ng mga tauhan nito.

Minsan pa'y umikot ang paningin nua sa kabuuan ng apartment at hinarap ang 1 pang kasama. Eksakto namang lumabas mula sa kusina ang babaeng nakasalamin. Katulad nya ay nakaitim din ito mula sa sapin sa paa hanggang suot n blusa. Dala-dala nito sa isang tray ang apat na tasa ng umuusok na kape.

"Angelica Hellaine Garcia," tawag ni Lorheign.

"Sanchez yan, Lorheign," pagtatama ni Angelica.

"Magiging Mrs.Garcia ka naman, ano'ng problema dun?Wait, did he.. naku,sabihin mo lang- you know the guys, we're ready na itumba 'yang Garcia na iyan."

"Sobra naman. I didn't mean it that way. Alam mo na mahal ako ni Ronald pero it's this job."

"Yeah right," sang-ayon ni Lorheign sa kaibigan. Alam niyang iba ito sa trabaho and also outside.

"Maiba ako... napansin ba ninyong napakalaki ng ipinagbago ni Edith mula nang mag-leave?" Tanong ni Angelica.

"Nakakamangha nga sa tagal ng panahon ng pagkakakiala natin kay Edith, ni minsan hindi sya nagpakita ng indikasyon na may nalambot siyang puso. Siya ang pinakamalupit sa atin, 'di ba?" Ani Angelica

"That's a good sign," singit ni Chadie "Atleast, he's part human."

Natawa ang lahat sa biro ng lalaki. Maging si Bryan na mahirap patawanin ay nakuha ang kiliti. But when they all convened at the table, all of them changed and were now all business.

Heart BreakerWhere stories live. Discover now