Chapter 3

91 2 3
  • Dedicated kay Recy Torres Salazar
                                    

A/N: sana magustuhan nyo po wahahaha dedicate sa ate recy ko!!!

-THE BET-

NICOLE POV

Nakarating na ako sa bahay. Nagsiuwian na kasi kami galing sa bahay nina Sabrina. Mamayang gabi na kasi ang party. Psh kung ako lang masusunod hindi na ako pupunta kaso kilala ko mga kaibigan ko hihilain ako ng mga yun palabas ng bahay!.

Nadatnan ko si mama na nagmamadali. Lagi na lang.

“ma! Morning!” bati ko sa kanya kahit ang tingin nya sa loob ng bag nya at may hinahanap.

“naku sige mauuna na ako ah. Aalis na ako. Late na ako sa meeting! Si yaya na bahala sayo ah. Bye!” sabi ni mama

Ni hindi man lang ako tinignan o di kaya sulyap lang. ang gandang bati nun sa umaga. Well. Sanay na ako.

Pumasok na ako ng tuluyan sa loob. Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa malaking picture sa sala na nakasabit sa pader. Picture yun ni mama at ng asawa nya. Tinitigan ko ang kasama ni mama,

“ikaw ang ma kasalanan ng lahat ng nangyayari ngayon! Tandaan mo to! Hinding hindi kita mapapatawad! Sana nga patay ka na!”

Ikunuyom ko na lang ang kamay ko.

Tsk. Bahala na.

“maam, ihahanda ko na po breakfast nyo!” sabi ng maid namin.

“wag na po. Wala na akong gana!” sabi ko at umakyat na sa kwarto.

Pag pasok ko nag ring phone ko. Tsk. Si sab ambilis ah. Sya naman naghatid sa amin pauwi.

“anong kailangan mo?” sagot ko

“wow! Hello din Nicole ah!anyway 3pm. Sharp. Dapat andito na sa bahay ah! Bye!” sabi nya

End call. Haha bumawi pa. binabaan na ako ng phone.

“waaahh asar may party pa kasi! Bakit ba nauso yan!” nasabi ko na lang at humiga!

ROBY POV

“ROBY!!! ANDITO NA SINA MARC AT VINCE!” narinig kong sigaw ng ate ko.

“OO NA! BABABA NA!!!” ganting sigaw ko!

Kinuha ko na gitara ko na nasa kama ko. Mamaya na kasi ang party. Maaga lang kaming pupunta dahil para maayos namin ang mga instrumentong gagamitin namin sa pagtugtog mamaya.

Bumaba na ako at nakitang nasa sala sina marc at vince kausap ang ate ko.

Cupids Trick in a LOVE BETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon