Siya si 'Alexa', "Alexandria Diana Cael ang full name niya. 4th year na siya ngayon. Tinatawag siyang nerd, boring, loner at kung anu-ano pa ng kanyang mga kaklase at kaibigan. Wala siyang naging totoong kaibigan maliban sa kanyang pinakamamahal na bestfriend.. si Chesca.
May mahaba siyang buhok na lampas balikat, itim na itim at napakalambot pero lagi niya iyong pinupusod. Light brown ang kulay ng kanyang mga mata na nalalatagan ng malalantik na pilik-mata subalit lagi niyang nilalagyan ng eyeglass kay hindi mapapasin ang kagandahan nito.
May matangos siyang ilong na nababagay lamang sa maliit at mala-anghel niyang mukha. Maputi siya at makinis kahit laking probinsiya siya. Laging siyang nagsusuot ng rubber shoes imbes na na school shoes ang susuotin. Medyo maluwag rin ang mga uniform na sinusuot niya kaya hindi mapapansin ang kagandahan at kaseksihan niya.
Sa madaling salita"simple" lang siya kahit na may taglay siyang mala- diyosang kagandahan. Matalino siya, maganda ang boses, magaling sumayaw, mag-gitara, attumugtog ng piano--- pero hind niya ipinapakita sa lahat.
Nasa probinsiya ang magulang at nag-iisa niyang kapatid. Nasa Maynila siya nag-aaral simula ng tumuntong siya ng high school. Doon siya namamalagi sa mayaman at butihin niya Tita Anne.
BINABASA MO ANG
My Enemy Lover
Любовные романыUnexpected Love Kala niya huh! kayang-kaya ko siyang lamangan noh! sabi ni Alexa sa sarili. Grade school palang siya ay kaklase na niya si Ethan, super gwapo, mayaman, matalino kaya lang... playboy at isa pa, mortal niya itong kaaway noon p...
