Introduction!
Ako?? Pero ba--
Nagising na lang ako ng naramdaman ko na may bumato ng unan sa ulo ko. Ang sakit!
"Aray!" sabi ko sa taong nasa pintuan ng kwarto ko. Nakapamewang pa sya. Panaginip lang pala.hayss
"Hoy Miss Tadhana! Kanina pa akong katok ng katok sa kwarto mo! Ayaw mo pang gumising! Pasalamat ka may susi ako ng kwarto mo! Pinagpapantasyahan mo na naman yang mga lalaking yan!" sabay turo sa poster na nakadikit sa wall ko, poster ng exo..
"Eh ano naman!" sabi ko sabay irap.
"Aba! Kanina pang nakahanda ang pagkain dun! Lumamig na yung kanin eh! Bumangon ka na dyan! Pag di ka pa bumangon dyan , lagot ka sakin! Bangon na!" sabi nya habang tinataas baba ang kamay nya na sign para bumangon ako.
"Opo ma'am. Eto na po." sabi ko na may pag ka mahinhin.
Sinamaan muna nya ako ng tingin bago sya umalis.
Nag ayos ako ng buhok bago ko bumaba... Wala naman kaming pasok ngayon kasi sa isang araw pa. Magkakasama kami sa isang bahay kasi may kanya kanya kaming problema... Family problems siguro. Naisipan namin na umalis sa bahay namin para makatakas sa problema namin. Pinilit namin ang parents namin na ilipat kami ng ibang school at sila ang magbabayad. Pumayag sila. Kaya eto kami, humiwalay muna sa kanila para wala kaming masyadong isipin na problema. Pumayag din sila na umalis muna kami sa bahay upang makapag isa.... Kami ang bumili ng bahay na ito. Malaki sya. Oha! Oha! Ganyan kami kayaman. Hahahahaha...joke.. Pinagawa namin tong bahay namjn sa isang village... Ang De La Vega Village... Pinagipunan namin ang bahay na toh.. Sanay na kami dito. Marami na rin kaming kakilala na kapitbahay dito. Lahat ng bahay dito ay magaganda at malalaki.
Well, ako nga pala si Destiny Tamara Heart Reyes. You can call me Destiny for short, Destiny kasi tawag nila sakin. I'm a good friend. Hindi masyadong mahaba ang pasensya ko kaya ayaw na ayaw kong binibwisit kasi mapupuno ako. Sa aming apat, ako ang pinaka late lagi gumising. Pero ako ang pinaka maganda. Hahahhaha.. May problema din ako sa pamilya. Si mom at si dad ay puro business lagi ang inaatupag.. Naalala ko nga, isang araw nakalimutan nila akong pakainin. Haysss. Naiinis ako lagi sa kanila kasi nakalimutan na ata nila na may anak sila kaya humiwalay muna ako. Baka makaistorbo pa ako eh. Only child ako.
At yung kanina na nang bwisit sakin na ginising ako, sya si Ziana Lovely Ocampo a.k.a. Love, yun ang tawag namin sa kanya. Magaling sya magluto at isa sya sa mga bestfriends ko. Magaling na lider yang si Love kaya parang sya na din ang lider namin pero hindi, lahat kami ay pantay lang. May problema din yan sa pamilya. Yung tatay nya ay nakipaghiwalay sa nanay nya. Kaya ayun, may ibang pamilya na yun. Yun namang nanay nya, palagi na lang daw naiyak at palagi pang nainom ng alak. Isang gabi nga nakita nya yung nanay nya na may kahalikan na ibang lalaki, kaya ayun nagalit si Love. Kaya naglayas na muna sya ng bahay nila.
Pagkadating ko sa dining room umupo na agad ako. Nakita ko na si Tash ay kumakain ng mahinhin samantalang si Jenny naman ay nag-a-ipad. Si Love ay nakuha naman ng inumin. Waluhan kasi ang table namin kaya maluwag pa. Saktong pagkalapat ko ng pwet ko sa upuan ay ,,,,,
"DESTINYYYYY!!!! MAGBAYAD NA TAYO NG INTERNET!! NUNG ISANG ARAW PA TAYONG SINISINGIL EH!!!! BAKA PUTULAN NA TAYO!!!!!" sabi nya kaya napatakip na lang ako ng tenga ko para di sya marinig pero wala eh. Ang tinis ng boses nya.
S'ya nga pala si Jennifer Lakeisha Castillo a.k.a. Jenny, yun ang nickname nya. Makulit yan at maingay. Pero masayahin din naman. Hinding hindi mo mahahalata sa kanya na may problema sya kasi palagi s'yang nakangiti. May problema din sya sa pamilya. Parehas may kanya kanya ng pamilya ang magulang nya. Kaya marami syang kapatid, sa labas nga lang. Naghiwalay kasi parents nya sa hindi malamang dahilan kaya ayun , nagsarili. Ito namang si Jenny ay nagsarili na din. Mahilig sya sa social media. Sa social media na nga ata tumatakbo ang buhay nyan eh.. Halos lahat ng social media accounts meron yan! Kaya akala mo mamamatay pag walang kuryente o wifi.
At yung isa naman dun, yung tahimik. S'ya si Tasha Xandra Mercado. Tahimik lang sya pero palaban din. Mahinhin sya at nakasalamin..Matalino yan! Siguro kaya nanlabo ang mata nyan kasi basa ng basa... Ang matindi pa dyan, english ang palagi nyang binabasa. Pag pumasok ka sa kwarto nya, akala mo library pero hindi, mga libro nya yun. Daan daang libro. Lahat english. Parang di ko kaya yun. May family problems din yan. Sa totoo lang, wala na syang magulang. Lola na lang nya ang nagpapaaral sa kanya pero parang wala namang pake sa kanya yun at parang ang gusto lang nun ay makuha ang kayamanan nila. Kaya ayun, nagsarili si Tash. Pinatay kasi mga magulang nya.
"Ano ba Jenny?! Para kang mamamatay pag walang internet eh!!!! Easy ka lang, pupunta na nga tayo sa mall mamaya at mamimili ng kagamitan natin sa school at sa bahay!" naiinis na sabi ni Love. Naingayan siguro.
"Oh! Yun naman pala eh! Mabuti pa tayo na at baka putulan na tayo." sabi nya.
"Wag ka namang O.A Jenny! Ang aga aga pa! 9:00 a.m pa lang! 10:00 pa bukas nun!" sabi ko sa kanya.
"Wow! As if naman na mabilis kayong kumilos. Ako nga yata ang pinakamabilis kumilos sa ating apat eh!" pagtatanggol pa nya. Ano bang pinaglalaban nito.
"Hoy! Ako kaya ang pinakamabilis kumilos noh!" sabi ni Tash. Grabe sya. Bigla bigla na lang sya susulpot.
"Oo na! Bilisan nyo na at gusto ko ng umalis!" sabi nya sabay lagay ng plato sa lababo. Medyo malapit kasi ang lababo sa table namin..
ESTÁS LEYENDO
*ALWAYS AND FOREVER*
Random4 love stories unite in one big story. Maraming mga tanong ang hindi masagot ng kaniang mga puso. Maaari bang magkagulo o kaya naman ay makabuo ng salitang LOVE??