Sh*t!! Ang gwapo...
Sobra...Ang gwapo nya*^▁^*
Wala kang makikitang kapintasan sa kanya#^_^#
Nakakainlove sya^_^¦¦¦
Ang cute din^_^||
Napapangiti na lang ako kapag nakikita ko sya o∩_∩o
Parang ang bait >3<.........Nawala ako sa concentration ko ng may naramdaman ako na pumitik sa noo ko........
Ang sakit... Potek.
"Huy miss!!! Ano ba?!! Sabi ko akin na yang folder kasi ako ang nauna!! Ibigay mo na sakin yan ng makaalis na ako!!" sabi nya ng nakasimangot pa sya. Aba!!
"Ha?! Eh ako ang nauna dito eh. Pinaghirapan ko itong hanapin tapos aagawin mo lang!" sabi ko sabay hila sa folder pero ayaw nya pa rin bitawan. Lintek!
"Ibigay mo na lang sakin ng matapos na!!!!" sabi nya sabay hila sa folder pero di ko pa din binitawan.
"Ayoko nga! Ano naman ang nauna eh! Maghanap ka ng sarili mo!" sabi ko sabay hila ulit.
"Ano ka ba?! Bulag ka ba?! Sinabi ng kailangan ng tao eh!!" sabi nya sabay hila ulit.
Syempre di ako magpapatalo.
"Kung kailangan mo, mas kailangan ko!" sabi ko sabay hila ulit.Hilahan na kami ng hilahan dito.. Ayaw pa rin nya magparaya.
"Akin na!" hinila nya.
"No!" hinila ko.
"Akin na sabi!" hinila nya.
"No!" hinila ko
"Ano ba?!" hinila nya.
"No!" Hinila ko.
"Oh!! Iyo na nga para ka namang mamamatay pag nawalan ka nyan eh!! Poor! Ewan ko sayo freak!!!" sabi nya sabay bitaw sa folder. Hay nako nagusot na. -_-
"What did you say?! Ako freak?! And poor?! Hahahahahha... Baka nga! Ang sabihin mo talo ka lang kasi mas malakas ako sayo." sabi ko sabay tayo.
"Hah!!! Baka nga! Pinagbigyan lang kita kasi kawawa ka! At never akong magpapatalo sa isang katulad mo!" sabi nya sabay talikod sakin.
"Akala mo kung sinong gwapo! PANGET!" sigaw ko sa kanya kaya napaharap sya
"Ako panget! Etong mukhang toh! Eto! Panget?!!" sabi nya habang palapit sya ng palapit sakin at tinuturo turo pa nya yung mukhad nya. Omayghad.
"Oo baket may angal ka?!" sabi ko sabay tulak sa kanya dahilan para mapalayo sya sakin.
"Wow ha! Kaya pala pinagpapantasyahan mo ako kanina!" sabi nya pero ngayon nakangiti na sya.
"Pantasya mo mukha mo!!!" sabi ko sa kanya. Aba matinde.
"Psh." sabi nya sabay talikod.
Habang hindi pa sya nakakalayo, sumigaw na agad ako.
"Bastos! Antipatiko!" sigaw ko pero di na nya ako nilingon at halatang natatawa sya.
Tasha's POV
Hay nako... Wala bang mas gaganda pa sa mga libro dito sa national bookstore.... Eh lahat ng toh ay nabasa ko na eh.. -_-# hayssss.
Naghahanap pa rin ako ng libro na mababasa.
"Asan na ba si Love? Hay nako." bulong ko sa sarili ko.
Habang naghahanap ako ng libro, may naka bunggo akong lalaki. Napaupo tuloy ako.
"Ano ba?!! Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan eh!!" sabi nya na parang naiirita pa. Aba! Kung nakita naman nya ako hindi naman sya mababangga eh! Edi hindi din sya tumitingin sa dinadaanan nya!
"Sorry." yan na lang ang lumabas sa bibig ko habang nakayuko ako.
"Walang magagawa yang sorry mo! Sa susunod wag ka ngang lalampa lampa!" sabi nya ulit. Antipatikong lalake na toh! Naiinis na ako!
"Sorry talaga. Hindi na mauulit." sabi ko habang nakayuko pa din.
Halatang nagulat sya kasi hindi ko na sya narinig na nagsalita pa.
"Oh." nakita ko na lang na inabot nya yung kamay nya sakin pero di ko sya kinuha.
"Hindi na. Kaya ko naman eh." sabi ko sabay tayo.
"Ikaw na nga ng tinutulungan eh! Haysss.. Makaalis na nga.. Wala lang akong mapapala sa mga PANGET eh!" sabi nya sabay alis.
Wow ha! Nagsalita ang gwapo. Infairness, gwapo naman talaga. Hayssss. Kahit na gwapo sya, masama pa rin ang ugali nya.-_-
Nakakainis! Hayssss. Pasalamat sya mabait ako..Nakita ko si Love na naglalakad papunta sakin na nakasimangot at halatang nakipag away.
"San ka galing?" tanong ko.
"Pumunta daw tayo sa Mang Inasal. Dun na daw tayo kumain sabi ni Destiny." sabi nya pero nakasimangot pa din sya. Wow ha! Di man lang ako sinagot sa tanong ko. Anong nangyari dun?!! Hayssss→_→
At Mang Inasal.....
Nakaupo kami ngayon dito. Sa labas kami pumwesto kasi puno sa loob. Dalawang table lang ang nandito at tig aapat lang ang kasya.
"Ano ba talagang nangyari sayo Love?!" tanong ni Jenny kay Love.
"Oo nga naman!" sabi ni Destiny at tumango na lang ako.
"May antipatikong walangyang bastos na lalaki kasi na nakaaway ko! Nakakainis!" sabi nya habang iritang irita
"Bakit? Ano bang ginawa sayo?" tanong ko.
"Eh kasi naman. May folder, hinawakan ko na pero bigla namang may humawak na lalaki at nakipag agawan sakin. Tapos sa huli ay pinagpaubaya na nya sakin tapos sinabihan ako ng FREAK AT POOR! Letse!!" sabi nya habang palakas ng palakas ang boses nya at nakasimangot pa rin.
"Ahh... Kaya pala." sabi ni Jenny.
"Hay nako Love." sabi ni Destiny.
"Love move on!" sabi ko sakanya pero tignan nya lang ako tapos humalimbaba na ulit.
"Nakakainis eh! Akala mo kung sino kung umasta! Akala mo anak ng presidente! Pwe!" sabi nya habang naiinis. Hahaahah... Ang cute nya para sayang bata.
Nagtinginan kaming tatlo nina Destiny. Alam na namin ang gagawin. Tinginan pa lang namin alam na namin kung ano ang gustong ipahatid neto.
"ANG CUTE MO!!!!!!" sabay pisil namin sa pisngi ni Love.
Tinagtag nya agad ito at halatang naiirita na sya. Haahahahahha.
"Ano ba?! Tigilan nyo nga ako!! Pwede ba!" sabi nya at halata naman sa kanya na hindi sya naiinis •﹏• hahahhaahaha
"Love, move on na kasi. Tapos na yun eh." sabi ko.
"AKALA KO PA NAMAN MABAIT.
AKALA KO PA NAMAN MAGINOO.
AKALA KO PA NAMAN MAGALANG.
AKALA KO PA NAMAN MAPAGBIGAY.
AKALA KO PA NAMAN HINDI MASAKIT MAGSALITA.
PERO MALI LAHAT NG AKALA KO! AKALA LANG PALA! GWAPO LANG SYA! YUN LANG!" sabi nya ng naiirita pa.

ESTÁS LEYENDO
*ALWAYS AND FOREVER*
Random4 love stories unite in one big story. Maraming mga tanong ang hindi masagot ng kaniang mga puso. Maaari bang magkagulo o kaya naman ay makabuo ng salitang LOVE??