A One Shot
Hindi Pwede by cj00000
October 5, 2016Napangiti ulit ako nang pumasok siya sa classroom namin. Masisilayan ko muli siya. Umayos ako ng upo at inayos ang buhok ko. Nang makita niya din ako ay ngumiti siya kaya naman ang puso ko ay tumibok ng malakas. Tumayo siya ng maayos at nginitian ang lahat.
"Good morning grade 8." Bati niya sa amin. Hay. Ang ganda niya talaga. Idol ko talaga siya. Ang ganda niya, mabait at mahinahon. Mature siya pero ang humor niya pang teenager.
"Good morning—"
"Umupo na lang kayo at makinig." Naglabas siya ng isang kartolina at binuksan iyon. Isa iyong poster tungkol sa paparating na isang program. Teacher's Day Celebration. "Araw na ng ating mga guro at panahon na iyon para pasalamatan sila." Napatingin ulit siya sa akin at ngumiti. "Since sa batch niyo, napansin naming dito ang mga talented napunta. Sa grade namin, wala."
Tumawa kami at naghiyawan. Sa katotohanan, ang batch din namin ang pinakamasaya kung ikukumpara sa iba. Seryoso ang mga nauna sa amin at nabiyayaan ang amin. Nabiyayaan sa katalinuhan at talento.
"Pero solo lang ang tinatanggap namin. Sino gustong mag volunteer kumantang mag-isa para sa tribute?" Tanong niya. Nagtaas ako ng kamay at naghiyawan ang lahat. Ngumiti lamang siya at nilista ang pangalan ko. "So, siya lang?"
"Kailan po ba?" Tanong ko. Kumakabog ang dibdib ko. Nakakamiss siyang kausapin. Grade 7 kasi siya eh ako, andito sa grade 8.
"October 5." Sagot niya naman. Hay. Kailan kaya kami makakapag-usap ng matino ulit?
"Wala bang sayaw?" Tumingin ang katabi ko sa akin. "Para grupo tayong sumayaw."
"At ano naman sasayawin mo, Kyle? Baka gusto mo lang mag-hip thrust doon." Tumawa ang lahat sa sinabi niya. Napayuko na lang sa hiya si Kyle at tumawa. Tama siya. Mahilig kasi itong si Kyle sa kalaswaan. "Iyon lamang po, grade 8. Salamat sa pakikinig."
Lumabas na siya at nawala na naman ang ngiti ko. Tumingin ako sa bintana at nakita ko siyang dumaan doon. Naninikip ang dibdib at tiyan ko. Hindi ako makahinga ng mabuti.
Idol ko na siya simula grade 7 pa ako. Nakakausap ko pa siya noon. Pero ngayong nasa second floor kami, wala na. Ang grade 7 nasa baba at hindi pa sumasakto ang schedule namin. Marahil ay 8 hanggang 5 ang pasok namin at siya ay 7 hanggang 4. Pero nakikita ko siyang nage-extend. Kaso, busy siya. Pinapatawag siya sa office para sa mga gagawin niya.
Ilang oras na ang nakalipas at tapos na ang klase namin. Inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas. Nag-iisip nang kakantahin ko para sa October 5. One week lang ang preparation.
Nasa guard house na ako banda nang makita ko siya sa labas at kausap ang tinderang naroroon. Napahinto ako at tinitigan siya. Ilang araw na ang nakalipas simula noong brigada naming grade 7 pa ako.
Naglakad na ako papunta doon para sana bumili ng makakain dahil gutom na ako...at para malapitan ko man siya. Wala ng ibang estudyante dito sa labas dahil nagsiuwian na. 5 na rin kasi, at malamang ay busy na naman siya. Kami na lang kasama ang tindera ang nandito.
"Ate, pabili po ng isang mountain dew. Pati na rin benteng fries." Nang nagsalita ako ay napaharap siya agad sa akin na medyo nagulat at umiwas ng tingin. Gumalaw siya at nagkaroon ng space sa inuupan niya. Tinignan ko lang siya at binigay ang bayad.
BINABASA MO ANG
Hindi Pwede
Historia CortaSana hindi na lang ako nagising. Sana hindi ko na lang nakita. Mahal ko siya pero hindi pwede. ///One Shot/// October 5, 2016