Facebook Post
Jervis' Point of View
Pumagitna yung isang babae sa gitna namin ni Kei. Lahat ay nag-aabang sa kung ano man ang susunod na mangyayari. Nakaneutral yung motor ko kaya nilagay ko agad ito sa 3.
Di ako pwedeng matalo...
Huli na 'to. At pag natalo ako, mapupunta sa kanya yung titulo kong "King of Drag Racing."
Nagtinginan kami ni Kei. Hindi ko alam kung ano yung naiisip niya ngayon. Nanlilisik lang yung mga mata niya tsaka siya nagsmirk.
You can't beat me...
Mahigit limang taon na akong hari ng drag racing. Wala pang ni isa ang humamon sakin. Ngayon lang. At ang gusto niyang kapalit? yung titulo ko.
Umikot yung babae na parang round girl at tsaka pumagitna ulit. Nagbilang na ang lahat. Wala nang atrasan to.
May the best man win...
Itinaas na niya yung flag at sabay naming pinaharurut ang mga motor namin.
Ilang inches lang ang lapit namin sa isa't isa. Pantay kami sa pagpapatakbo kaya pinihit ko ng biglaan yung motor ko kaya mas nauna na ako sa kanya.
I can't lose this. Hindi niya pwedeng maangkin yung bagay na para sa akin lang.
Napalingon na lang ako sa gilid ko at nakita ko siyang halos kasabay ko na. Ngumiti lang siya ng nakakainsulto tsaka binaling yung mga mata niya sa harapan.
Sh*t!
Lumamang siya ng konti pero hindi ko siya pinagbigyan. Humarurut din ako sa pagpapatakbo para mapantayan o kaya naman malagpasan ko siya. Pareho na kaming nakababa ang chest sa pagpapatakbo.
Hindi siya madaling kalaban.
Malapit lapit na at tanaw na tanaw na naming dalawa ang finish line. Once na magkamali ako, talo ako.
Bigla na naman niyang pinaharurut yung motor niya kaya napatingin na naman ako sa kanya.
Hindi maaari.
Ipinalit ko sa 4 yung 3 para mas bumilis yung pagpapatakbo ko. Ilang segundo na lang ay matatapos na din tong karera.
No one can beat the One and Only King.
Napangisi ako sa reaksyon niya nung malagpasan ko siya at mas pinaharurut ko yung motor ko hanggang sa makarating na sa finish line.
Narining ko ang ingay ng lahat at pagsigaw nila ng kung ano anong mga salita. Parang hindi ko maintindihan yung mga pinagsasabi ng karamihan, nabibingi ako.
Nakita kong linapitan na si Kei ng mga kasamahan niya at nagapir apir na silang lahat.
Did he won?
I shook my head para maibalik yung katauhan ko sa realidad. Isa isa na ring lumapit sakin sina Eims at binatukan ako habang ang iba naman ay nagsasaya. Napakunot na lang yung noo ko dahil sa hindi ko man lang narinig kung sino ba yung nanalo sa aming dal'wa, ilang segundo na rin ang nakakalipas.
Bigla na lang itinaas ni Eims yung kanang kamay niya para makipag apir sa'kin, "Good job man!" Tsaka niya shinake yung hands ko.
BINABASA MO ANG
Don't Say Goodbye (ON GOING)
Teen FictionGaano ba kahirap magmahal? Gaano ba kahirap maging loyal? Kailan ba dapat tayo susuko o kaya naman magpapaubaya? Kailan ba tayo matatauhan mula sa pagiging tanga? Hanggang kelan ba tayo magmomove on? Kailan ba natin masasambit ang salitang GOODBYE? ...