Swimming Pool
Danae's Point of view
I parked sa gilid ng bahay nila Eims. Dito ako dinadala ni Jervis whenever tapos na yung game niya sa drag racing. I'm the first girl who saw him won that competition and i will make sure, until the end.
Pinatay ko yung sasakyan tsaka ko kinuha yung susi sabay lock sa car ko. I know I can do this, sanay na naman ako, even him. Nagdirediretso ako hanggang sa salas nila at nakita ko si MJ na kumukuha ng ice sa ref.
Thanks God.
"Danae?"
Napatingin ako sa kanya tsaka ko siya nginitian. "Di ba wala na kayo ni Jervis? Wag mong sabihin-"
"Yes," pagpuputol ko sa statement niya, hahaba pa eh. "Nandito ako para kausapin at kunin yung akin, so please, where is Jervis?" Mahinahon kong tanong sa kanya.
Ilang segundo pa ay nagkatinginan lang kami at napatulala siya sa tanong ko, is there something wrong?
"hey?"
"A-ah, b-bawal ka kasi dito." nauutal niyang pagsasalita.
Napakunot naman yung noo ko.
Sh*t! Kelan pa?
"Kailan pa ako naging bawal dito!?" Pagmamataas ko ng boses. Nakakainis na! Nag-effort ako tas bawal lang pala? This can't be.
Bigla na lang siyang nagulat sa high pitch ng voice ko at for the second time napatulala na lang ulit. Napakunot yung noo ko ulit sa reaksyong kinikilos ni MJ. Di ko maintindihan kasi nga clueless ako sa mga nangyayari. Hindi na rin lang ako nagsalita at napabuntong hininga na lang sabay walk-out.
Kainis.
Dumire-deretso na lang ako papunta na sanang pool area ng makita ko si Eims. Sana naman matino ng kausap 'to.
"Expected." pambungad niya.
"Whatever."
Bigla na lang siya ngumisi sabay iling. Pinakabestfriend siya ni Jervis, magkababata sila kaya para na silang magkapatid. And yes, pag may away kami, dito ako laging tumatakbo, dahil alam ko, nandito lang naman si Jervis, at lagi silang magkasama. Kaya pag break-up, siya yung nag-aayos ng away namin. "So nakita mo na rin yung post?"
Bigla na lang akong napatahimik. Wala akong masagot kasi tama naman siya, sila. Wala na kami, so anong ginagawa ko dito? Ano pa nga ba, eh di maghabol ng maghabol. Sa sobrang tagal na naming sanay na ang lahat. At tsaka alam ko naman kasing rebound lang yung Sierra na yun eh. Like duh! Compared sa face ko. Patay na patay lang yun kay Jervis, she will never be me.
Linagpasan ko na lang siya. Hindi na niya kailangan pang ipamukha sa akin kung gaano na ako katanga. Tsaka in the first place, alam ko namang sa akin pa rin ang balik niya, although ang dami na nila.,
"Stop." Bigla na lang niya hinawakan yung braso ko kaya ako napalingon sa kanya, pero hindi man lang siya humarap sa'kin. "Pool area, #3 nipa hut."
Napakunot na lang yung noo ko, alam ko naman talagang nandoon siya eh. Favorite tambayan niya yun, bakit kailangan niya pang ipaalam? Pinilit pumiglas ako sa pagkakahawak niya pero hinigpitan niya pa rin.
Wtf.
"Ano bang problema mo?!"
Katahimikan lang yung bumalot sa lugar naming dalawa. Bakit ba ang weird ng mga tao dito?
BINABASA MO ANG
Don't Say Goodbye (ON GOING)
Teen FictionGaano ba kahirap magmahal? Gaano ba kahirap maging loyal? Kailan ba dapat tayo susuko o kaya naman magpapaubaya? Kailan ba tayo matatauhan mula sa pagiging tanga? Hanggang kelan ba tayo magmomove on? Kailan ba natin masasambit ang salitang GOODBYE? ...