Binuksan ko ang mga mata ko. Nakaupo ako sa isang sanga ng puno.
Anong ginagawa ko dito
At ang mas importante ay...sino ako ano ito.
Pinilit kong makaalala pero wala talaga.
'Gising kana pala bilisan mo at magsimula ka na' sabi ng isang lalaki na galing sa may likuran ng puno
'Uhmmm.......anong sisimulan ko' sabi ko sa kanya.
Biglang tumawa yung mokong. 'Wag ka nang magkungwari bigla ka na naming nahuli tapos itatanong mo kung ano yung sisimulan mo. Tigilan mo nga ako' sabi ng mokong
Bumaba ako sa puno at biglang tumakbo yung lalaki papuntang isang gwardya na para bang may kinatatakutan siya.
Tumingin ako sa paligid andaming mga bahay dito. Nilipat ko yung tingin ko sa dalawa.
Aba't nanginginig sila.
Kanina lang ang tapang ng lalaking yan ah bakit ngayon ay kulang na lang e maihi na sa pantalon yung dalawa.
Bigla-bigla na lang na may humawak sa dalawa kong braso. Hinila ako ng isang babaeng hindi ko kilala.
Inihampas niya ako sa may bakal na puno at halos mahimatay ako sa sakit.
'Subukan mo lang na gamitin yun sa amin ay lagot ka sa akin' sabi ng isang babae.
'Anong gagamitin ko!!! Pwede ba ano bang nagawa ko para saktan niyo ako ng ganito. Bitiwan mo ako!!' sabi ko.
Nakaramdam ako ng lindol dali-daling nagtago yung tatlo at nagtago sa isang mesa syempre nagtago din ako nakisiksik ako sa tatlo.
'Pwede ba bakit para kang takot ay ikaw naman ang may kasalanan nito' sabi nung babae at sinabunutan ako
'A-anong ako...hoy babae wag mo nga akong sisihin kung lumindol aba'y minalayan ko ga' sabi ko sa kanya
'Sinungaling' sigaw nung babae sa akin
Luka pala tong babaeng to eh ako pang nasisi minalayan ko ga sa lindol na yan. Kayayun nakipagsabunutan din yung dalawa sa akin
'Bitiwan niyo ako' sabi ko
Tapos biglang may humigit ng damit ko at hinila ako palabas.
'Itigil mo na ito' sabi ng isang binatilyo
'Anong ititigil ko ay pinaagsasabunutan ako ng mga yun' sabi ko sa kanya
Tumingin siya ng matalim sa akin
'Itigil mo na yan, Lyn' sabi niya
Lyn?! So yun pala ang pangalan ko
Tapos yun tapos na yung lindol.
Walang lindol yun ah ang lakas grabe.
Binitawan na niya ang damit ko at binalibang ako pababa
'Ahh!' napasigaw ako sa lakas at nanghina ako
................................................................................................
Blink blink
Nakatulog pala ako.
Tumingin ako sa paligid wala na ako sa lugar na yun nasa isang kwarto ako na may kama at banyo.
Biglang nagbukas yung pasukan ng alagang pusa o aso may lumabas na pagkain.
Nagugutom na ako.
Lumapit ako sa pagkain at tiningnan ang pagkain .
Eww ano to. Sa ngayon ay nakatingin ako sa isang kadiring pagkain yuck para siyang nilupak na reno.
Sinuot ko na lang pabalik yung pagkain at namahinga ng kaunti sa sahig. Tumayo ako at sinubukang buksan ang doorknob. Nagbukas iyon at lumabas ako.
Nagsitinginan ang lahat ng gwardya sa akin at tinutukan ako ng baril
'Uhmmm....bawal ba akong lumabas' tanong ko sa kanila.
Tapos may biglang may humila ng buhok ko
'Araayy' sigaw ko at kinurot yung may hawak ng buhok ko.
'Tss....problema ka talagang babae ka' sabi nung binatilyo
'Sino ka ba ha?!!' sigaw ko sa kanya
Lumaki ang mata niya at tumingin sa akin.
'Wag mo nga akong lokoohin ,Lyn' sabi niya
Tiningnan ko siya ng matagal-tagal.
'Hindi kita KILALA. At ayaw din kitang makilala' sabi ko sa kanya at tinulak siya palayo.
'Hindi ka pa rin bang makapaniwala na nagawa ko iyon sa iyo' sabi niya
'Anong nagawa?! Pwede ba ayoko nang makita ang pagmumukha mo lumayo ka sa akin' sabi ko at tumakbo paalis
'Habulin siya' sabi nung binatilyo
Pero masyadong kinakabahan yung mga gwardya hindi makagalaw. Tumakbo ako ng tumakbo lumabas ako ng building at tumakbo napakalayo na ng naabot ko lumingon ako wala walang gwardyang nahabol tapos.
'Bang' nabunggo ako sa isang lalaki
'Miss ok ka lang' sabi ng lalaki at nag-aabot ng kamay
'Oo salamat'sabi ko at tumayo
'Gusto mo ba ihatid na kita sa bahay mo' sabi niya
'Uhmmm wala akong bahay' sabi ko sa kanya
'Ganun....siya sumama ka na lang sa akin may kapatid akong babae sa bahay kaya wag kanang mahiya' sabi niya
'Sa-salamat' sabi ko.
Buti pa aring lalaking are mabait kabaligtaran nang lalaki kanina.
Maya-maya lang ay nasa isang malaking bahay na ako
'Kuya' sabi nang isang babae
Napatingin siya sa akin
'Kuya....may girlfriend ka na'
BINABASA MO ANG
Green Blossom
FantasyMayroon akong malaking problema......hindi ko matandaan kung sino ako. Then strange girls started attacking and finally captured me. Anong gagawin ko ngayong may umaatake sa akin Problem is natural pero natural ba talaga ako.. Wala akong maintindiha...