nagsimula tayo sa isang kalokohan,
araw araw na nagtatawanan,
kahit sino nalang ang pinagtitripan,
laging may pinag-uusapan,
magkakausap sa kasiyahan man o kalungkutan,
Tanggap ang bawat isa,
kumikilos na parang isang pamilya,
ang turingan ay parang magkakapatid na,
samahan nating masaya maaayos pa ba?,
baket nga ba ang sama saatin ng tadhana?,
samahan nating unti unti nang binabalot ng kalungkutan at kasinungalingan,
Hindi na alam kung saan ang patutunguhan,
isa isa na bang magbibitawan?,
tuluyan na bang magiiwanan?,
dating masayang samahan . . .
magiging ala-ala nalang bang ibabaon sa ating isipan?
Sinulat ko ang tulang ito, para sainyo
nais kong iparating na sobrang nalulungkot ako
hindi ko alam kung baket tayo nagkaganito
nakakalungkot isiping nasira na ang samahang ating binuo
samahang akala natin ay matatag pa sa bato
Gusto kong ipaalam sainyo na masaya ako dahil naging parte kayo ng buhay ko
salamat sa masasayang alaala na saakin ay ibinigay niyo
Tropang black diatabs y estupido :)
- Leanne/Loreng.
BINABASA MO ANG
BLACK
PoesíaNagawa ko lang to dahil sa halo halong emosyong nararamdaman ko. wag nyo nalang seryosohin ang pagbabasa at pasensya kung medyo madrama.