Chapter 1

4.1K 77 2
                                    

Jho.

Nandito ako sa dagat ngayon nag-iisip isip. Nag-iisip kung ano nang susunod na gagawin ko sa buhay. Oo, masakit. Sobrang sakit. Masakit isipin na yung taong pinagkatiwalaan mo, taong minahal mo ng lubus-lubusan eh susuklian ka lang pala ng matinding sakit na kailan ma'y di mo naisip na mararanasan mo pala. Pero wala eh, nangyari na. Anong magagawa ko? Kasalanan ko rin naman kasi masyado akong nagtiwala. Masyado ako nagpadala, sinunod ko puso ko kahit alam kong mali. Mahal ko siya, pero napapagod rin ako.

Ay shit, di ko namalayan umiiyak na pala ako. Sandali tama muna drama. Haha.

Natigil ako sa pagmumuni nang biglang may babaeng tumabi sa akin.

Teka, ano pang ginagawa niya dito eh gabing-gabi na? At nakakagulat lang kasi sa lawak ng gilid ng dagat, wala namang ibang tao pero tumabi pa talaga siya sakin.

"Ah miss, ayos ka lang?" Tanong ko. Ayoko namang hayaan lang siya, malay ko kung may balak o kailangan pala 'to sakin.

Nakatingin siya sa may dagat pero napahinto at dahan-dahang lumingon sakin "A-ako naman tinatanong mo diba? Hihi. Kung oo, ako nga, ang shagot ko sha tanong mo, ay eh. Hihi."

Wait, lasing ba 'to? Malamang medyo amoy alak rin kasi eh. Pero hay nako, makaalis na nga lang. Lasing na lasing 'to eh. Wala akong oras para--

"Hindi ako okay, p-pero gusto kong maging okay kaya eto nga oh shi-sinushubukan ko. Hikhikhik!" Napatigil ako sa pag-alis nang sinabi niya 'yan.

Pero, anong ibig niyang sabihin? Huh?

Magsasalita na sana ako nang bigla na lang siya humiga sa may buhangin. At takte, humihilik na?! So meaning, tulog na siya. 😭😭

Tangina paano 'to?! Ayoko namang iwan siya dito, nakakahiya. At tsaka kahit naman di ko 'to kilala concern pa rin ako baka mamaya mapano to dito eh. Lalo na lasing wala sa katinuhan.

Aiishh! Isip Jho, isip.

Kita ko may wallet sa bulsa ng shorts niya, uhm sandali...

Kinuha ko 'yun. Hoy! Di ko siya nanakawan ha, titignan ko lang baka sakaling may identification siya dito at baka malaman ko kung saan siya nagstastay.

Ayun! May card. Room card siguro 'to nung hotel room niya. (A/N: guys eto yung card na ginagamit na nagsisilbing parang susi sa mga hotel doors para makapasok. Basta yun, gets niyo na yun! Haha.)

**** Resort
Deluxe suite
Room 814

Ay jusko. Parehas pala kami ng resort na pinagstastay'an neto eh. At kung nagkakataon nga naman, saktong same floor pa. At woah, harap lang 'to ng kwarto ko ha.

"Uhm, psst... Gising ka. Bangon ka diyan, balik ka na sa hotel. Kailangan mo nang magpahinga, magpapahinga na rin ako." Tapik ko sakanya, sinusubukan kong gisingin. Di ko naman kayang buhatin 'to kasi masyadong malaki, eh mas matangkad pa nga sakin. Jusko.

Ngumiti lang siya ngunit sumunod naman. Nakatayo na siya nang biglang muntikang matumba buti na lang at nasalo ko. Yan kasi palasing-lasing di naman kayang bumalik sa pinanggalingan. Sandali, wala man lang bang kasama 'to? Asan mga kasama neto?

Inalalayan ko na lang siya hanggang sa makapasok kami sa loob ng hotel room niya. Diretso siya sa kama. Lol.

Napaisip ako, sandali, anong gagawin ko? Amoy alak siya. Pansin ko rin basang-basa ng pawis likuran niya. Aiish, palitan ko na nga lang parehas naman kaming babae eh. So walang malisya. Pero infairness ha, maganda rin pala 'tong babaeng to. Parang ang lakas ng dating. Siya yung tipo na hindi masyadong girly kung tinitignan mo pero ang angas ng itsura. Ngayon ko lang napansin kasi madilim sa may tabi ng dagat kanina eh. Kaloka! (A/N: Take note ha, straight pa si Jho dito. Hehe)

Buti na lang nandito maleta niya kung saan nandoon mga damit at gamit niya kaya di na ako nahirapan sa kakahanap.

At sa wakas! Natapos rin. Bago ako umalis, nagready ako ng isang baso ng tubig at gamot para sa sakit ng ulo na kinuha ko sa medicine kit ko. Nag-iwan na rin ako ng note para paggising niya di siya magulat kung anong nangyari, baka di niya maalala eh. Hahaha!

Drink your medicine to relieve your headache. Hope you feel better and that you'll be okay. Stay positive!
P.S. You have a beautiful smile. 😊 -J

Nilagay ko 'yan sa may side table niya bago ako tumayo. Sinulyapan ko siya uli at tuluyan na nga rin akong bumalik sa kwarto ko para na rin magpahinga.

--------

Hi guys! Kamusta chapter 1? Hehe. Ayos ba? First time kong gumawa ng story kaya sana okay lang. Na-inspire rin kasi ako sa JB eh. So yun, next chapter eh yung kinaumagahan nung gabing yan.

Abangan! 😅

The Way You Look At Me (A JhoBea Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon