A tricycle love story (One Shot)

154 8 2
                                    

(A/N: Bago mo po basahin, please play po you nasa media for music po. Para mas relax ang pagbasa.)

Pagising ko nang umaga, liligpitin ang kama dederetso sa C.R. para maligo. After maligo magbibihis ng uniform pang pasok sa eskwelahan at baba papunta sa kainan kung saan ang nanay mo ay maghahanda ng almusal mo at bago ka man lang makakain eh, busog ka na sa sermon sayo at sa mga makukulit mong kapatid na napaka-ingay! Sino ba ang gaganahan pag-ganito ang cycle?  Bago ka makapasok sa eskwelahan eh, bad vibes na ang madadatnan mo.

“Oh, Anak ito baon mo.” Sabay abot sa akin ng pera, at agad naman umalis ng maaga para may masakyan ako.

Sumakay ako ng jeep papuntang sakayan ng MRT na kung saan ang mas mabilis na sasakyan patungo ng school.

 Pagkadating ko sa eskwelahan ay nasalubong ko ang mga kabarkada ko.

“tol, maya basketball tayo!” pang bati ng isa kong kabarkadang si Mark.

 Agad naman akong sumagot “Pass muna ako tol.” Sa totoo lang tinatamad lang talaga ako at wala talaga ako sa mood.

“sige na tol!” pagkukulit nila

 “May gagawin pa ako mamaya.” pag excuse ko na lang at dumiretso na ako sa aking klase.

Pagkatapos ng klase ay diretso uwi ako dahil talagang wala ako sa mood ngayon makipagkita sa mga tropa ko. Dating gawi naglakad ako papuntang MRT na ang tanging sakayang alam kong pauwi. Anong oras na ba? Ah! 7:00p.m. kaya pala  medyo ang daming tao nagsisi-uwian galing sa trabaho at paaralan. Dahil nga sa medyo madami ang tao nagsisi-uwian ngayon ay siksikan na parang sardinas sa lata ang mga tao sa MRT, kaya ang ending ay nakisik-sik na din ako para makauwi ng maaga. Pagkarating ko sa huling istasyon ay bigla namang  umulan kaya ang pilahan ng Toda ng Tricycle ay nakakaubusan na dahil sa mga taong gustong-gusto makauwi sa kanilang pamilya sa gabing ito. Dahil wala akong payong ay nakipila na rin ako.

Mausok,Makalat,mabaho at basa ang paligid nang aking pinagmamasdan habang ako ay nakapila nasa pangatlong pila na ko. Tumingin-tingin lang ako sa aking paligid, sa likod at sa harap napansin ko lalong dumadami ang pila ng mga pasaherong nais makauwi.

Nang ako na ang sasakay ay aking sinabihan ang driver na

 “Manong sa rambo ––“  

pero bigla akong natigilan nang may dumating na babae

“Mano po itay.” At Sabay hawak sa kamay ng kanyang  ama na pinadampi sa kanyang noo.

  ang sabi ng kanyang ama.

Ako ay namangha sa kagandahan ng babae, napaka-amo at napaka inosente.

“Hijo, san ka kamo?” biglang balik ko sa aking katinuan

“A-ah sa Rambo St. po.” Nauutal ko na lang nasambit.

 Sumakay na lang ako sa Tricycle at ang babae naman ay nasa likod ng kanyang ama nakapwesto.

Habang umaandaar ang tricycle ay tinitigan ko ang side mirror ng tricycle na kung saan ang reflection ng babae ang aking nakikita. Hindi naman niya ako napapansin dahil busy siya sa kakatxt.

* Thump...Thump* ang sabi ng puso na bigla tumibok.

 Hindi ko mawari kung bakit ang puso ko ay parang pinukpok ng martilyo.

Hindi ko rin mawari bakit ako namumula ngayon samantala ang buhok niya naman ay hinahangin  na nakakabighani. Patay tayo jan tsong! Ako ay nagkakaroon ng gusto sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Heart Breaks, Love Mends"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon