ASIA UNIVERSITY
Nakaupo ako ngayon sa lilim ng isang malaking puno kung saan kami nagkikita at tinitingnan si daniel na papalapit sakin. Walang ganung pumupunta dito kaya dito ang place naming dalawa dito sa school. Dito kami nagkikita sa araw araw dahil sa patago pa rin ang pagiging magbestfriend namin sa iba. Ayoko din naman kasing kuyugin si daniel ng ibang mayayaman at bullyhin dahil sa istado nya sa buhay.
"San ka ba galing?" - sabay hatak sakanya
"Sa klase ko" - daniel sabay napaupo
"Kain tayo" - pag aaya ko sakanya
"Saan?" - tanong nya
"Edi dito" - sagot ko
"Dito sa ilalim ng puno?" - tanong nya ulit
"Ay, hindi dun sa taas ng puno, nakakainis ka naman eh. Syempre dito sa ilalim ng puno malilim dito eh" - sagot ko sakanya
"May cafeteria naman kasi tayo eh, may pera pa naman ako" - sagot nya
"May baon ako wait" - sabay kuha sa bag ko at pinakita sakanya
"Good for two to, ako naghanda neto para satin" - sabay ngiti ko sakanya
"Bakit nagbaon ka?" - tanong na naman nya
"Bakit? masama ba magbaon? tyaka yung pera mo itabi mo nalang di ba nag iipon ka?" - sagot ko
"Pano mo nalaman na nag iipon ako?" - tanong na naman nya
"Alam mo kanina ka pa tanong ng tanong eh no" - pagtataray ko sakanya
"HAHAHAHAHAHAHA pano kasi para kang bata nagbaon ka pa" - pangbubully nya
"Eh, hindi naman masama magbaon kasi no" - sabay belat ko sakanya
"Ano ba yang dinala mo at ikaw kamo ang naghanda masarap ba yan bakit parang mukang di masarap" - sabi nya
"Grabe! lait agad bago tikim? baka makalimutan mo pangalan mo kapag natikman mo to" - sabi ko
At tinikman nya ang gawa ko.
"Anong pangalan ko? at tyaka sino ka?" - sabi nya habang nakainosente face
"Baliw! ang sabi ko pangalan mo lang makakalimutan mo hindi pati ako" - sagot ko sakanya habang nakasimangot
"HAHAHAHAHAHAHAHA joke lang naman eh" - sagot nya habang tumatawa
Kaya kinurot ko sya sa pisngi.
"Aray" - sabi nya
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" - ako habang tawa ng tawa at nakabelat sakanya
"Tara na nga kumain na tayo boo" - pag aaya nya
At kinain na namin ang dinala kong adobong manok na may kanin syempre na paborito naming dalawa.
FLASHBACK
Nakilala ko si Daniel sa isang palaruan kong saan paborito kong pumupunta na mag isa. Palaruan ng subdivision kung saan kami nakatira 8 years old ako ng makilala ko sya, mag isa lang din syang nagpunta sa palaruan ng mga oras na yun.
"Hello? anong pangalan mo?" - tanong ko sakanya
"Daniel .. Daniel Padilla ikaw?" - sagot nya
"Ako naman si Kath Bernardo" - sabay ngiti ko sakanya
"Bakit mag isa ka lang dito?" - tanong nya
"Wala lang, bakit ikaw mag isa ka lang din naman ah" - sabay ngiti ko sakanya
"Bata saan ka nakatira?" - tanong nya
"Ah ako? dun oh sa malaking bahay" - sagot ko sabay turo sa bahay namin
"Mayaman ka pala? sabi ng nanay ko wag daw ako makikipagkaibigan sa mayayaman kasi bad daw" - sabi nya
"Hindi ako bad" - pagtatanggol ko sa sarili ko
"Pero mayaman ka di ba?" - tanong nya
"Oo, pero hindi ako bad gusto mo bestfriend nalang tayo eh, pero secret natin sakanila" - sagot ko sakanya habang nakangiti
"Sige sige, secret natin sakanila" - sagot nya ng nakangiti din
Hindi mayaman si Daniel Padilla pero hindi din naman sobrang hirap sakto lang ang buhay nila. Pero dito sa subdivision sila nakatira hindi sobrang laki ng bahay at hindi din naman sobrang liit sakto lang din para sakanila ng nanay nya. Wala na ang tatay nya iniwan daw sila nung 4 years old na sya.
END OF THE FLASHBACK
At ngayon eto sya hinatak ko sa isang mamahaling University at tago pa rin ang pagiging magbestfriend namin sa parents ko pero sa nanay nya okay na at napaliwanag na namin.
"Boo, antagal na pala nating magbestfriend no" - sabi ko kay daniel
Wala syang imik kaya tiningnan ko sya.
"Antakaw mo naman konti nalang mauubos mo na baon ko ah tapos di pa masarap" - sabi ko sakanya
"Ansarap nga eh" - sagot nya habang kumakain pa rin
"Punta tayong mall bukas boo" - sabi ko
"Sabi mo mag ipon ako tapos mall?" - sagot nya
"Ako naman bahala sayo eh, PLEASE PLEASE" - paawa epek ko sakanya
"Ohh, sige na nga kulet mo" - sagot nya
"Yehey!" - at tumayo ako para magtatalon
"Oy, tumigil ka nga jan tinitingnan ka ng mga estudyante" - awat nya
"Eh bakit ba masaya ko eh" - sabay hatak sakanya at niyakap sya
"Salamat boo" - bulong ko sakanya
Daniel's POV
Ang totoo kong pagkatao ay tahimik, laging seryoso sa buhay pero ng makilala ko si kath nagbago yun. Pano ba naman kasi nakakadala ang kakalugan nya yung pagkahyper nya sa araw araw pero sakanya lang ako ganto pag sa iba hindi na dahil baka magselos si kath. Nakikita ko lang syang tahimik kapag may sakit sya pero para syang wala pinoproblema sa araw araw kung sabagay mayaman sya lahat mabibigay sakanya pero ako isa lang akong mahirap na hinatak nya dito sa Asia University pero tinutulungan nya ko sa tuition ko kaya nagsisikap akong mag aral. Ako ang nagbigay ng tawagan naming boo, wala lang naisip ko lang yun nung nagtanong sya anong tawagan ang gusto ko pero nagtatawagan lang kaming boo kapag kami lang magkasama. Mayaman sya at mahirap ako kaya patago pa rin ang pagiging magbestfriend namin dito sa Asia University. Marami ang umaaligid na lalaki kay kath pero hindi nya pinapansin yun ewan ko kung bakit. Napakahabang panahon na rin simula ng nagkakilala kami sa playground sa subdivision at naging magbestfriend. Kakaiba si kath sa lahat ng mayayaman sya ayaw nya pag usapan ang istado sa buhay at ayaw nyang pinapaalala sakanyang mayaman sya.
"Boo, pasok na ko bukas ah at 10am ok? bbye" - pagpapaalam ko sakanya sabay flying kiss
"Sige, mag iingat ka ah" - at nagflying kiss din sya
BINABASA MO ANG
I fall in love with my best friend secretly (KATHNIEL)
FanfictionHindi kailangan na laging lalaki ang naninindigan sa isang bagay, paano kung magkaiba kayo ng mundo? Ano ang gagawin mo?