Chapter2

3 0 0
                                    

"Ang gwapo gwapo nya tagala bessssy"

"Magtigil ka nga sa kahibangan mo, anong gwapo dyan ? Eii maputi lang naman yan." Mailey

"Wag ka nga, ang sabihin mo bitter ka kasi ang pangit ng ex mo na pinagpalit ka sa----"

"Sige ituloy mo yan cassie ng maputol ko yang dila mo gamit ang kutsilyo na hawak ko. Tignan lang natin kung makapagsalita ka pa." Mailey

Hehehehe ito naman di mabiro. nasa kusina kami ngayon naguusap about sa meet and greet namin ni mckellie ko kahapon, habang nagluluto sya ng breakfast namin.

Since collage classmate ko na yan si Mailey at naging bff kaya magkasama kami sa iisang apartment, pag tinatamad kami magluto, magoorder na lang kami o minsan sa labas kami kumakain, Mailey and I are a HRM graduated di lang halata saamin, di kami kaagad nagtrabaho kasi di pa namin feel, pag nafeel na namin tsaka kami magtatrabaho.

"Ito naman di ka mabiro, joke lang, ni hindi mo nga pinakilala saakin ang boyfriend mo----"

"Correction Cassie, he's my ex- boyfriend not my boyfriend" Mailey

"Oky ex na kung ex napakabitter mo. Napaka sama mong bff ni hindi mo man lamang sya pinakilala saakin :'(, 5 years ni pagpunta dito sa bahay hindi mo pinapunta. Nakaktampo ka T_T !"

Pagdadrama ko

"Ewan ko sayo manahimik ka nga" Mailey

"Hmmmmp ang bad mo, :p bleeeeh"

Nung nakita kong babatohin nya na ako ng sandok nagwalk out na ko baka ibato nya rin saakin yung niluluto nya hahahaha :D, malakas mangasar pero pikon :p.

[ Mckellie's P.O.V ]

Bakit ganun nakita ko nanaman sya, nasasaktan ako pag nakikita ko sya, naalala ko yung mga bagay na hindi ko dapat ginawa sa kanya, aaminin ko mahal ko pa rin sya, di ko alam kung mahal pa nya ko after 2 years mula ng magbreak kami hindi ko na sya nakita at nakausap kahit sa phone nag bago sya ng sim nya. Sobra syang nasaktan sa ginawa ko lumuhod at nagmakaawa sya saakin kaso nagmatigas ako, hanggang sa sabihin nya saakin yung katagang "sabihin mong hindi mo na ko mahal. Pag sinabi mo yan ako na mismo ang lalayo sayo"

Kahit ayaw kong sabihin kaso yun ang nararapat, alam kong masasaktan lang sya pag pinag patuloy pa namin yung relasyon namin. Pero mas masakit naman ang naramdaman nya nung iniwan ko sya at nanghihinayang rin ako sa 5 taong pagsasama namin, mahal na mahal ko pa rin sya at wala ng magbabago doon, hinding hindi ko sya ipagappalit sa iba.

A fangirlWhere stories live. Discover now