"That's the thing about pain, it demands to be felt."
After the break up dito na pumapasok ang mga sleepless nights, ocean of tears, diet mode, beast mode sa espiruto ni red horse . if nandito ka na sa stage na to dito mo makikita kung gano ka kaengot para gawin yan
May mga taong pag nasaktan dinadaan sa inom okay lang yan pero hindi na okay kung inaraw araw mo naman, at ang mas malala Ay pag nabeabeast mode na pag sumanib na ang ininom mo, masakit na nga puso mo gusto mo din bang masaktan bato mo at umuwi ng may pasa sa mukha mo? Hindi Di ba? So drink moderately ! Wag araw arawin Hindi naman Oktoberfest!
May mga Tao naman na kung makaiyak parang dagat, Saan mo ba iniipon yang tubig na iniinom mo at grabe lang kung lumabas di maubos ubos kaloka! Ang mabuti pa itigil mo na yang pagiyak iyak mo Hindi ka na mahal nun at kawawa naman nanay mo para labhan yang maalat na punda ng unan mo!
Para naman sa mga taong Hindi na makatulog kapag nagbreak sila ng mga minahal nila, hay nako ako na nagsasabi, kahit na pinaghirapan mo na ngang makuha yang eyebags mo ng ilang gabing walang pagtulog tulog, kahit kailan hindi na niya mapapansin effort mo, Kaya kung ako sayo tulog tulog din wag mong ng I deprive ang sarili mo sa pagtulog Hindi ka call center agent sarap kayang matulog!
At para sa mga taong hindi na kumakain ng wasto sa oras o ang kadalasang gamitin nagdidiet, Kung ayaw niyo na sa pagkain Bukas ang Pintuan ng aking munting ref para ibigay sakin yang pagkain na yan.