NOW Chapter 6

7 1 0
                                    

Masakit ang katawan ko ng magising ako dahil sa sikat ng araw. Hindi ko mabuka ang mga mata ko. Masyadong tinatamad ang katawan ko na tumayo.

Inisip ko naman kong ano ang nangyari bakit ganito kasakit at kabigat sa pakiramdam ng katawan ko.

Bigla akong napabangon ng wala sa oras dahil natatandaan ko na kung bakit.

Paalis ako papuntang palawan pero dahil kay Ian at sa ginawa nito sakin kaya nangyari to sakin.

Pagkabangon ko ay napansin ko na hindi pamilyar sakin ang lugar. Agad akong bumangon at tumakbo sa veranda. Alam ko kung kinidnap ako ay siguradong lock ang pinto.

Habang nakahawak ako sa doorknob ng glass door ay nananalangin ako na sana kahit ito lang nakalimutan nilang ilock.

Pagpihit ko, hindi ako makapaniwala na bukas nga.

Pero napatigil ako sa paglabas dahil parang may mali. Tinignan ko ang sarili ko sa full length mirror.

Meron akong benda sa ulo. Hindi ko yata napansin to kanina. Isa pa tong suot ko.

'SHIT!' Nasaan ba ko? Eh! Damit to ng lalaki. Pero masyado namang malaki ito kaysa kay Ian kaya alam kong hindi to sa kanya.

Umikot naman ang ulo ko sa buong kwarto. Ang gara naman ng taong to kung kinidnap ako. Kunsabagay mayaman naman si Ian sa pagkakaalam ko.

'Kahit na! Kailangan kong makaalis dito. Paano kung nalaman na nina mommy at daddy ang nangyari sakin mag alala pa ang mga yun.'

Nahagip ng mata ko ang mga gamit ko sa isang table sa tabi ng bintana.

Dali-dali kong kinalkal ang bag ko at nagbabakasakali na nandito ang phone ko.

"Nahulog ko pala yun! Shit pano na to?"

Lumabas ako ng veranda. Paglabas ko, hindi ako makapaniwala sa nakita ko. 'It's a paradise.'

Madami akong nakitang naka suit at t-shirt na itim. May mga shades, radio at earphones.

Ngayon masasabi kong nakidnap talaga ako dahil maraming nagbabantay.

I hear foot steps kaya dali-dali akong bumalik sa kama at nagpapanggap na tulog.

Saktong pagkahiga ko ay bumukas ang pinto. Sinigurado ko na nakaharap ako sa pinto para makita ko ang pumasok at makapaghanda sa gagawin niya.

Pagbukas na pagbukas ay may pumasok na babae. Base sa pananamit nito at naka maid attire ito.

I open my eyes and move para malaman niya na gising na ako.

"Good morning milady. Do you need something just tell me."

'Sosyal naman ng maid na to. Maka hire nga nito pagkauwi ko.' Sabi ng isang bahagi ng utak ko.

'Yun eh! Kung makakuwi ka pa!' Sabi naman ng isa pa.

Ayokong mawalan ng pag asa na makakalabas ako dito. Kailangan kong mautakan ang maid na to kahit mukha siyang matalino.

"Nasaan ako?" Tinignan ko siya sa mga mata nito. Parang sinasabi nito na 'magsabi ka ng totoo kundi humanda ka sakin.'

"Just wait for young master, milord to arrive."

"Magsasalita ka o magwawala ako dito?" Pagbabanta ko. As if kakagat siya.

"Milady, i don't have the authority to answer your questions."

Pumasok lang ito sa isang pinto, ilang minuto pa ay lumabas na ito.

"The jacuzzi is ready milady. When you need something don't hesitate to call me. I'll be here outside your room. Take your time milady." She said politely.

No Ordinary WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon