Chapter one:
"At dahil bakasyon na,mag cecellphone lang nanaman mag-hapon ang Anak ko hmmmm..."ang sabi ni mama.Kaya naibili ako ni mama ng diary para daw ma express ko daw ang feelings ko(kacheapan) at para may mapaglibangan din daw ako(puro cellphone kasi ako).Kaya nagsimula akong magsulat sa diary ko."Ako nga pala si Amethyst ako ay 10 taong gulang.Indoor person ako at napaka dalang ko talagang lumabas.Lumalabas lang ako pag bibili ng makakain,mag papahangin at iba pang dahilan upang lumabas ako.
"Amethyst!!!! Amethyst!!! Bumili ka nga ng ulam sa kabilang kanto!"ang sabi ni mama."Opo! Akin na po ang pera".Dali dali akong tumakbo papuntang kanto pero mabilis akong napagod kaya naglakad na lamang ako.Habang nag lalakad ako papunta sa kabilang kanto,may narinig akong mga kalabog ng bola sa may palayan namin."Ah,may naglalaro sa palayan,masilip nga"
Pag tingin ko sa palayan ay ang daming tao at may net,may mga linya na gawa sa haba-habang tela,at may bola."May nag vovolleyball"ang sabi ko sa sarili ko.
Nanood ako ng volleyball at natuwa ako kung paano ito nilalaro.Tinapos ko ang panonood ng laro dahil sobrang Nakakalibang at nakakatuwa ang pag babalibol.Mag gagabi na ng matapos ang laro.Sa sobrang Busy ko sa pag lalaro nakalimutan ko nang bumili ng ulam namin."Sh*t!!!!! Patay ako kay mama!!!!"(kinakabahan na natatakot).Pag-Uwi ko...
"Aba Amethyst!!!!!! 3 oras kanang wala sa bahay! At nasan ang ulam na binili mo?"(mama)."Sorry mama :( ,nalibang lang po kasi ako sa volleyball kanina.May naglalaro po kanina sa palayan! Ang galing po mama! Hinampas nung isa yung bola! Beng! Tapos nasalo nung kalaban niya yung palo! Tapos naipasa nung isa niyang kakampi dun sa isa tapos hinampas niya! PAKKKKK!!!! Walang nakasalo nung bola.Ang galing mama! "Edi wow"(habang nakasimangot) itong si mama wala talagang pake pag dating sa mga gantong usapin."Oh,Nasan ang pera?" Ay patay shi*t "Sorry mama nagutom ako eh"(habang nakangiti) "Ikaw talagang babae ka!!!!"(Hahampasin na ako) sorry nay!!!(Sabay takbo).Nagkulong ako sa kwarto hanggang kinabukasan para hintayin na lumamig ang ulo ni mama.
Kinabukasan...
"Amethyst!!! Amethyst!!! Tanghali na!"(Laging Bad trip yang si mama)
"Opo ma!!! Wait lang po"(Habang Nag-iinat) Dali-dali akong bumangon ng higaan at inayos ito dahil alam kong may kasalanan akong ginawa kagabi."Oh kain na at aalis ako"(Hindi na bad trip). Ako na nga ang mag-uurong para lumamig na ng tuluyan hanggang mag-yelo na ang ulo ni mama."Mama,ako na mag-uurong"(Malambing).Nagpaalam na si mama at nag-urong na ako."Amethyst! Amethyst!" Ano nanaman kaya ang kailangan ni den den!(Best friend kong baliw).Lumabas ako at tinanong kung bakit? "Tara na sa Gym at tayo'y mag lalaro"ang sabi ni den den."Ano ba den den di ako marunong no?"(Pabebe) "Basta tara tuturuan ka namin ano ba!?" Nakumbinsi ako ni den den kaya sumama ako sa kanya.
End of Chapter...
YOU ARE READING
Diary ng Balibolista
FanfictionNag start ako mag volleyball noong 10 years old ako pero natigil ang pag lalaro dahil sa mga magulang ko.Pero nung nakilala ko ang isang magaling na volleyball player ay na inspired ako sa kanyq kaya nagsimula ulit akong mag laro ng volleyball.