Dream

40 1 0
                                    

"Asan ka na Audrey?!" Pagpapanic ni Joseph at sinipa yung gulong niya.

Nanahimik ito konti, at kumalma muna. Huminga siya ng malalim at pumikit. Nag concentrate muna siya at may iniisip ito.

Joseph's POV.
May naririnig ako mula sa kalayuan, mula sa kalayuan na kung saan si Audrey. Sa ayaw at gusto ko, may pagkakataon na ganito, siguro hindi nga ako pangkaraniwan para sa ibang tao. Kaya kong makarinig ng mga hindi inaasahang marinig at dapat marinig, kaya ko din mabasa ang nasa utak ng tao, mind reader, in short, at kaya ko din patulasin and aking paningin.

"Bakit mo to ginagawa sakin?!" Rinig na rinig kong sabi ni Audrey sa lalakeng nasa harapan niya.

"Anong alam mo Audrey?" Sabi nung lalakeng nakabunet.

"Ano bang kasalanan ko sayo?!" Tanong ni Audrey na sumisigaw.

"Sinisigawan mo ko?!" Sabay sabunot sa buhok ni Audrey.

Mangiyak ngiyak na nga si Audrey at sinampal nung lalaki yung kaliwang pisngi niya at napahawak naman ito sa kaniyang pisngi.

Napabuga nalang ako ng hangin sa hangin.
At pinaandar ko na ang sasakyan at dumiretso kung nasaan si Audrey.

Nang makarating ako sa bodega kung nasaan si Audrey, nakita ko yung lalaking nagbabantay sa labas at dahan-dahan akong lumapit sakanya.

"Sino ka? Paano ka nakapasok dito?" Tanong nung lalake na parang nagtataka.

"Hindi mo na kailangan malaman." At kinindatan ko siya at sinabayan ng isang malakas na suntok sa sikmura at napahiga naman ito.

Nang makapasok na ko, naririnig ko na yung sigaw ni Audrey.

"Tulong! Tulong!" Sigaw niya.

"Tumahimik ka! Wala nang makakarinig sayo, walang tutulong sayo, Audrey alam mo ba na ngayon na ang katapusan mo?" Tanong niya habang tumatawa-tawa.

Nang magring yung cellphone niya at agad naman na sinagot nung lalaki na naka-cap. "Hello Michael? Ah, oo sir. Ngayon na ba?" Tanong nito sa kabilang linya. At dinig na dinig ko yung sinabi nung lalake. "Huwag niyong biglahin, kailangan pa natin yan, konting laro muna." Sagot nung nasa kabilang linya, at pinatay na ang tawag.

Nakita kong lumapit yung nakabunet na lalaki sa lalaking nakasumbrero. "Ano pre? Umpisahan na daw? Saktong-sakto, gusto ko pa naman tikman." Sabi nung nakabunet.

"Gago ka ba? Huwag muna natin siyang galawin!" Sigaw nung lalaki.

"Tanga ka no? Ano pang silbi ng pangkidnapped natin sakanya kung hindi din natin gagalawin? Walang kwenta." At ngumisi ito at naglakad papalapit dun sa pintuan para kunin yung butter.

"Papasalamatan ako ni boss pag ginawa ko to." Sabi nung nakabunet at akmang ipapalo na nung lalake yung butter sa ulo ni Audrey nang bigla kong kinuha yung butter at inikot ko yung paa ko sa binti na dahilan kubg bakit natumba siya at inapakan ko yung dibdib niya at akmang ipapalo ko na yung butter ngunit natigilan ako, sinuntok ko siya ng sinuntok sa mukha at yung lalaking nakacap, lumalapit na siya sakin at akmang susuntukin na ko sa mukha ng tinadyakan ko siya balikat at yung dalawang paa ko nakapulopot na sakanya at inikot ko ito para ma-out of balance siya.

May nakita akong tali sa gilid at kinuha ko iyon at itinali ko ito sa dalawang lalake na nanghihina na dahil sa ginawa ko.

Alam kong nakatingin lang sakin si Audrey at hindi siya nagsasalita.

Lumapit ako sa kanya, tinanggal ko yung nakapalipot sa kanyang tali sa kanyang kamay at paa.

"Are you okay Audrey? Did you get hurt?" Nag-aalala kong tanong, kahit alam ko naman na hindi pa naman siya nasasaktan ng literally sa physical, yung sabunot at sampal lang ang hinabot niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 23, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Can Hear YouWhere stories live. Discover now