Chapter 1

400 2 0
                                    

Kring... Kring...

Nakakarindi ang tunog ang aking telepono kanina pa kring ng kring. Kita ng kaaga kaaga at natutulog pa ako tatawag. Ughhhh. Diko pa din ito pinansin at bumalik sa aking tulog ng mag kring nanaman ito.

Pag kita ko sus si Daddy lang pala ano nanaman kaya kailangan ng isang ito? uhmm siguro sasabihin nanaman niya di siya makakauwi kasi alam niyo na mukha kasing business. Hayy habang siya nag a'out of the country di niya naisip na ako mag isa lang dito sa bahay.

Pero ayos lang wala naman siyang pake sakin kung maiwan ako sa bahay kasama ang mga katulong. Ganyan naman si Daddy simula baby pa lang ako kasama ko na ay mga katulong. Kaya siguro ganto ang ugali ko kasi gusto ko lang naman ng magulang.

Hayyy kung buhay si Mommy edi hindi ako maiiwan dito kasama ang mga katulong. Saklap talaga ng life ko.

Natigil ang pag iisip ko ng tumunog nanaman ito tinignan ko lang kasi kung sino ang bwiset na tumatawag para matigil na ang isang ito sinagot ko na.

"Good Morning my angel" sabi sakin ni Daddy na may galak sa pagsasalita.

"Walang maganda sa umaga kung ikaw ang bubungad Dad" inip na pagkakasabi ko kay Daddy totoo naman sarili niya lang ang iniisip niya di niya manlang naisip yung kaisa isang anak niya. tse.

"Ikaw naman angel ginaganyan mo nanaman ako e ngayon ko na nga lang ulit narinig ang napakagandang boses mo." masayang sabi sakin ni dad.

I just rolled my eyes kahit di niya nakikita wala lang para lang akong aning dito kanina pa irap ng irap sa mga pinagsasabi niya. Lahat naman ng sinasabi niya lumalabas din sa kahilang tenga ko. Hahaha. So what kasalanan naman niya e.

"Ano bang kailangan mo Daddy at tumawag ka sakin ng gantong kaaga ha? di mo ba alam na natutulog pa ako? at sinira mo ang napakaganda kong panaginip." pabalang na sabi ko sa kanya totoong maganda yung panaginip ko. Sa Dreamland ko na nga lang nararanasan magkaroon ng buong pamilya tas naantala pa dahil sa tawag niy.

"Gaano ba kaganda yang panaginip mo angel?" napabuntong hininga si Daddy sa kabilang linya.

"You want me to share my beautiful dream?" pag eenglish ko kay Daddy.

"Yes my angel share it to me." parang gustong gusto niya talaga ishare ko sa kanya yun ha. Pwes pagbibigyan kita.

"ANG PANAGINIP KO LANG NAMAN AY KUMPLETO TAYO AT MASAYA HINDI YUNG INIIWAN NIYO AKO DITO KASAMAANG MGA KATULONG" sigaw na sabi ko sa aking Daddy.

"Angel wa....." biglang naputol yung tawag sakin ni Daddy hindi ko alam kung bakit pero buti na lang at naputol dahil kaninang kanina ko pa gusto patayin yung tawag. Ayaw ko kasing kausap ang Daddy ko.

***************

3 buwan nung last na tawag ni Daddy buti na lang at hindi na ulit ako ginulo. Kahit diko sabihin ang gusto ko lahat yun nakukuha ko kahit na diko kailangan. Pinapadalhan niya din ako ng 50k kada buwan ata lahat ng yun ay ginagastos ko.

Sa tatlong buwan din niyon naging payapa ang aking buhay nalilimutan ko na nga din na may Daddy pa pala ako e. Minsan lang kasi siya kung umuwi ng Pilipinas once in a blue moon lang kung umuwi yun ika nga nila.

Ang ginagawa ko lang ay magsaya ng magsaya gala dito gala doon. Shopping dito shopping doon at ang malala nag babar kami ng mga kaibigan ko para kumalimot sa mga problema pero alam ko ang limitasyon ko at may galang din naman ako sa sarili ko no. Bata pa lang ako laging sinasabi ng yaya ko ay galangin ko daw ang sarili ko. And yes hanggang ngayon diko yun kinakalimutan.

Daddy's Bad Little Angel (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon