Panaginip (One Shot)

117 15 12
                                    


"Ang weird ng panaginip ko kagabi." Ani Athena. Nasa cafeteria kami ngayon at heto kami, iniintay si Lianne at Gwen na bumalik. Sila kasi ang nakatalaga na bumili ngayon ng lunch namin.

"Ano?" bored kong sabi. Hindi naman sa hindi ako interested sa panaginip niya, pero sadyang nagugutom lang ako. Bakit kasi ang bagal nung dalawa?

"Ikaw saka si Jeremiah." Maikli nitong sambit.

"Si Jeremiah? As in Jeremiah Dela Cruz?" singit ng maingay na si Lianne. Dala-dala nito ang tray na may dalawang order ng sisig. Sa likod niya ay si Gwen na may dalang tray na may dalawang order ng bacon at isang fries. Parang gusto ko tuloy ng fries.

"Oo. Si Jeremiah at si Jane... Sa panaginip ko, ang weird talaga. Pucha." pabitin na sabi ni Athena. Hindi ako umimik kahit na nabanggit ang pangalan ko kasama ng lalaking hindi ko naman kilala.

"Ikwento mo na nga yang panaginip mo! Chenes ka naman eh. Pabitin!" Ani Gwen saka sumubo ng kanin.

"Nasa mall daw tayong apat noon. Tapos nasa kalagitnaan tayo ng pagwi-window shopping. Ang saya-saya kasi ang dami na nating pinamili. Kay Lianne puro libro. Kay Gwen naman puro school supplies tapos akin puro merchandise ng tapos ikaw... wala ka pa atang binibili noon." kwento ni Athena. Anong weird doon?

"Asan na si Jeremiah sa panaginip mo?" inip na tanong ni Lianne pagkatapos nitong uminom. Sumubo naman ako ng isang mouthful na sisig at kanin. Nakakagutom.

"Si Jeremiah... tinawag si Jane sa kalagitnaan ng paglalakad natin tapos kiniss siya sa noo..." Ani ng kinikilig na si Athena. Halos mabilaukan naman ako sa sinabi niyang iyon. Tinignan ko naman ngayon ang nagtitinginan na sina Gwen at Lianne. Uminom sila ng tubig saka tumili.

"Shit, kinilig ako doon!" Ani Lianne.

"Oo nga, ako rin, details naman!" Ani ng tumitiling si Gwen.

Luminga-linga ako sa paligid at nakitang may iilang nakatingin sa aming mesa. Yumuko ako ng bahagya dahil nakakahiya.

"Hinaan niyo naman please..." Saway ko sa tatlo.

"Yieee... kinikilig si Jane!" Tukso ni Lianne at agad ay sinamaan ko ito ng tingin.

"I don't even know the guy, Lianne..." Sabi ko at kumain na ulit.

"Basta kiniss siya sa noo, tapos ay nasundan pa iyon. Nag-date silang dalawa at naging item sa batch natin. Natigil ang panaginip ko sa kalagitnaan ng pagcoconfess ni Jeremiah kay Jean, hindi ko tuloy alam kung sinagot ni Jane si Jeremiah. Nakakainis. " Anito na tila ay inaalala talaga ang kanyang panaginip. Natigilan ako. Sobrang weird nga at random ng panaginip nitong si Athena. Sabay-sabay naming tumili ang tatlo. My god with these girls.

"Oh my! Jeannette Santos- Dela Cruz! Bagay! Oh my god!" tili ni Gwen.

"Shit, shini-ship ko na silang dalawa. Kinikilig ako kinyemas!" Si Lianne.

"Hindi ko alam pero baka may pinaparating yung panaginip ko... My gosh!" Ani Athena. Wala akong masabi sa tatlong ito.

Oo, aaminin ko, wala akong crush. Sa squad namin, ako lang palagi ang tagapakinig sa kwento nila tungkol sa mga crush nila. Ako ang naging witness sa bawat tingin, salita at pansin na binibigay ng mga crush nila sa kanila.

Halos 4 years na akong nakikinig ng mga kwento ni Lianne tungkol sa crush niyang abot-langit sa tangkad. Si Gwen naman ay halos matawa ako sa pakikinig ng mga kwento niya tungkol sa kanilang dalawa ni Jeric kasi yung kwento niya, yung tipong nauna pa yung tili at kilig sa kwento niya. Si Athena naman ay katulad ni Lianne, halos 4 years na akong nakikinig sa mga kwento niya. Pero ang kaibahan lang ay si Lianne, iisang lalake lang ang tinutukoy. Si Athena ay paiba-iba. Pero I adore her, really. I understand bakit paiba-iba. Sa kanya kasi, kapag nasaktan siya tinutuon niya sa paghahanap ng ibang pwedeng maging crush.

Panaginip (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon