❤Akbay pa More!❤

26 0 0
                                    

Akbay Challenge
Written by ChengChengAllOverYou

*Dont plagiarize this one shot.

*****

Akala ko nung una magiging mahirap sa akin ang maging isang Senior High school student pero hindi pala! Exciting pala kasi maraming bagong matutunan at syempre new faces at may ilan na kilala na ko sa bagong school.Tinanghal pa akong Muse ng school na to.But then sa lahat ng di humiwalay sakin.Si Merrieen lang ang nanatiling matatag.At eto kami ngayon,Naglalakad sa gitnan ng arawan at binabagtas ang gilid ng kalsada papunta sa terminal ng jeep malapit sa isang Mall.Sa sobrang daldal namin ay di na namin alintana na nakalahati na namin ang mahabang highway.gayundin ang init ng araw na tumatama sa aming mga balat.

"Luh? Crush mo yon!! Hala chazy hindi pwede kasi crush ko din yon!!" Pagmamaktol ni Merrieen sa akin nang malaman namin na iisa lang ang crush namin sa ibang section.Bago kasi kami makalabas ng school ay madadanan namin ang room ng crush kong si Kris.Nakasuot ito kanina ng puting t-shirt,Isang simpleng damit pero napakagwapo nya sa paningin ko at nangingibabaw talaga sya sa ibang lalaki sa klasenh iyon.Kanina ay nagtapat sakin si Merrieen na may crush din sya,Excited pa akong malaman kung sino pero halos malukot ang mukha ko nang ituro nya ang lalaki na sya ring pinagmanasdan ko sa bintana ng klaseng iyon.Kaya eto kami nagtatalo na parang bata na parang pinagtatalunan kung kaninong barbie doll iyon ...Pero kumalma ako.Oo ako si Chazy na NBSB kasi strict parents ko.Hindi naman sa pagdadamot eh ayoko talaga nang may kaagaw pagdating kay crush.Pero di ko inakala na magiging magkaparehas kami ng crush ni Meriieen.Nanatili akong kalmado.Napaisip ako na di naman siguro masama kung magshare diba? Total masaya na may ka-jamming ka sa kakiligan kay crush,Kaya..

"ok lang share nalang tayo sa kanya" sabi ko kay Meriieen.Umirap ito sa pabirong paraan.

"Aynako wag ako bhe" sabi nito na ang ibig sabihin ay di sya sumasang-ayon sa pagshare ng crush namin.Nakaramdam ako ng kaunting inis,She's a bit immature but i chose to keep myself calm dahil isang lalaki lang naman iyan.Pero arghh hindi ko talaga matiis ang inis ko kaya di ako nagpatalo.

"Hoy ako kaya nauna sa kanya no! Nakilala ko na sya noong bakasyon at di ka pa enrolled sa school natin.Ako unang nakakita sa kanya kaya akin sya.Saka alam mo ba yung buong pangalan nya? Ako nga alam ko eh" pagmamayabang ko.Natahimik ito at umisip ng rebatt nya.

"Eh malalaman ko rin naman yun syempre makikilala ko sya" sabi nito.

Tumahimik nalang ako at iniba ang topic namin na agaran napalitan ng topic tungkol sa sandamakmak na assignment.

Kinabukasan ng araw na iyon,Nagkatampuhan kami ni Meriieen sa di malaman na bagay,Sa crush yon! Talo talo kasi kami.Sorry sya ah? ang room ko kasi ay katabi ng room ni crush kaya mas lamang ako sa kanya ahahaha..Kaya ayon! Isang linggo ako umiwas sa kanya,Gusto ko lang iparamdam sa kanya na kung mawawalan ako ng kaibigan,Its her loss not mine..Marami akong kaibigan kata di sya kawalan.Ilang beses na sya nagtangkang magsorry but then minsan tumatakbo ako at naglalock ng sira.Pero syempre pinagtritripan ko lang sya..Kunwari nagtatampo ako pero i already forgave her in my heart.Damn! She's my 2years friends na no! Saka bff ko yon kaya di ko sya matitiis.Napapatawa nalang ako nung nag-effort pa sya para mag-apologize sakin kaya ayun! Back to normal ulit kami at nagdrama sakin na sobrang namiss nya daw ako kaya natatawa nalang ako.

At makalipas ang isang araw,Nalaman namin na magkaiba pala ang crush namin.Dahil yung bestfriend pala ng crush ko ang crush nya ahehehe..para kaming tanga na tumatawa nung narealize namin na magkaiba pala ang crush namin kaya naman nakahinga kami ng maluwag kasi di na pala namin kailangan maghati kasi magkaiba naman pala kami ng crush,At yun nga! Simula ng araw na yon eh hindi na kami natigil sa pagchismisan about sa crush namin.Parehas kami kilig na kilig pag pinapansin kami ni Crush.Na kesyo tinignan daw sya.O kaya nakabangga o kaya nakita man lang.Si Verg ang crush nya at ako naman si Kris ng crush ko.Parehas magbestfriend ang dalawa dahil magkateam sa basketball ang dalawang mokong.

Nang Dahil Sa AKBAY CHALLENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon