Kahit Na

256 12 9
                                    


Kahit Na


Kahit na ako pa'y mamatay,

Mahawakan lang ang 'yong kamay.

Kahit na ang kapalit ay ako'y ilalamay,

Mahalikan lang, 'yong labing pamatay.


Kahit na kunyaring mahihimatay sa harap mo

Ay gagawin talaga para sagipin mo.

Kahit na sa klinika mo lang dalhin.

Bantayan mo lang ako nang buong lambing.


Kahit na hindi makakain sa kantina;

Busog na rin 'pag ika'y nakikita.

Kahit na ako'y magkasakit,

Para lang ako'y pumayat at ikaw maakit.


Kahit na buhay ay handang ibuwis.

Basta sa'kin lang ang 'yong tamis.

Kahit na sa puso ko'y magpapabugbog,

Sabihin mo lang na sa'kin ka mahuhulog.

RitmoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon