5. Lukso ng dugo

1.2K 43 6
                                    

Five

[Lukso Ng Dugo]

~

ELLE

"You two will be staying with Ninang Ishie and Ninang Anj muna, Ok? Nanay will go to work." sabi ko sa kambal ko. Tumango naman sila. Nakabihis sila ng pang-alis. Naka-long sleeves siya na kulay pink bumabagay naman sa mini skirt niya with matching ribbon sa buhok at naka-doll shoes na kulay pink. Si Rence naman ay naka-blue long sleeves na katulad ng kay Kyla at naka maong pants at blue rubber shoes. Bitbit-bitbit ni Rence ang bag niya na Elmo na hindi ko alam kung saan nanggaling. Ang sabi niya lang sa akin ay galing kay Mr.Elmoman. Palagi niya sa akin ikinekwento sa akin si Mr.Elmoman pati narin si Kyla.

"Kiss Nanay muna." sabi ko then they gave me a quick kiss on the lips. Nauna na sila sa akin na umalis. Isasama sila nina Ishie sa Mall. Ako naman hindi pa makaalis dahil sa hindi pa ako kumakain. Medyo matatagalan ata ako doon. Bawal sa akin ang walang laman ang tiyan. Sakitin kasi ako.

"Good Morning." bati ko sa mga tao. Sinabi na nila sa akin na Christmas daw ang theme. Lumabas naman na sila mula sa dressing room pero hindi ko nagustuhan ang mga damit nila. Bigla naman akong napabulong sa katabi ko. Isa sa mga staff dito. "Akala ko ba Christmas?" nagkibit balikat lang siya.

"Good Morning Elle! Merry Christmas!" binati ko rin siya pabalik.

"Sure kayo? Ganyan suot niyo?" tanong ko sa kanila.

"Sabi sayo pre e!" sabi ni Oliver.

"Mukha tayong timang!" sabi ni Ully. Pare-parehas kasi silang lahat ng suot, bawat detalye at puro red pa. Tsk.

"Uto uto naman kayo e! Mga loko!" sabi ni Biboy tapos tawa ng tawa.

"Boys! Nagmamadali na tayo. Hay naku talaga!" saway ni Tito Niño sa kanila.

"Patulong naman Elle! Diba magaling ka pagdating sa mga ganito. Ikaw nga ang palaging nag-aadvice sa amin dati e! Sige na please..." sabi ni Owy.

"Tulungan mo na Elle. Makukulit. Akala mo naman mga bata pa." sabi ni Tito Niño. Kumuha naman ako ng mga damit na bagay sa kanila at saka iniabot sa kanila iyon. Nag-iintay nalang ako na matapos sila nang tawagin ako ni Owy. Nasa labas na sina Oliver, Biboy, Cav at Ully. Sila nalang ni Ranz ang nasa loob.

"Patulong sa neck tie Elle!" sigaw ni Owy.

"Boys! Naku! Kahit kailan talaga napakatagal niyo." naulinagan naman ako sa sigaw ni Tito Niño. Pumunta na ako kay Owy para matapos na sila. Pagpasok ko sa loob ng kwarto ay sabay na paglabas naman ni Owy.

"Tulungan mo yung isa doon oh!" sabi niya tapos nginuso ang direksyon sa likod ko.

"Ha?"

"Lagot ka! Sasabihin ko dahil sayo kaya kami matagal. Susumbong kita kay Tito." ewan ko pero kusa akong tumalikod sa kanya. Isip bata talaga kahit kailan si Owy.

Nasa harap ko na ngayon si Ranz. Pilit niyang inaayos ang neck tie niya pero magulo parin. Halata sa mukha niya ang inis.

"Ako na." sabi ko saka dumire-diretso na sa paghawak sa neck tie at sa pag-ayos nito. Napaangat ang tingin ko sa kanya. Nakatingin siya sa akin.

"Thank you." sabi niya nang matapos iyon. Nakahawak parin ako sa neck tie niya. At magkalapit parin kaming dalawa. "Double time daw!" nagulat naman ako sa sumigaw mula sa labas. Yumuko nalang ako. Pakiramdam ko nag-iinit ang mga pisngi ko.

---

RANZ

Nakatingin ako sa kanya. Maganda siya alam ko iyon noon pa pero hindi ko akalain na ganito siya kaganda. Ito yung pakiramdam na siya lang ang gusto ko, na siya ang pinakamaganda. Ewan pero pakiramdam ko na-a-attract ako sa kanya.

"Thank you." sabi ko. Bigla nalang iyon lumabas sa mga bibig ko. Nakatingin parin ako sa kanya at ganoon rin siya sa akin nang may sumigaw mula sa labas. Yumuko siya at saka binitawan ang neck tie ko. Ewan ko ba! Pero habang palabas ako ng kwarto. Napangiti nalang ako.

"Ranz?! Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Meng, Mae ang pangalan niya pero iyon ang tawag ko sa kanya bestfriend ko naman siya. Sinabi niya iyon nang makita niya ako papasok sa loob pero hindi na niya ako napigilan, pumasok agad ako. Wala lang. Gusto ko lang dito, pampalipas oras lang kasama ang bestfriend ko. Hindi ko kasama si Ro-anne dahil ito daw ay mother-daughter day nila ni Tita.

"Hep! Hep! Hep! Bawal dito!" pigil niya sa akin.

"At kailan pa naging bawal?"

"Ngayon lang." hindi ko siya pinansin at nagdirediretso lang ako sa loob. Di-diretso na sana ako sa loob nang may marinig ako na pamilyar na boses mula sa garden.

"Mr.Elmoman!"

Si Rence, kasama yung kakambal niya. Heto na naman ako. Nararamdaman ko na naman yung masayang pakiramdam kapag kasama ko siya, sila.

---

DARHYL MAE

"Patay." pabulong kong sabi. Napatingin nalang ako kina Ishie at Anj nang malungkot. Tumakbo naman ang dalawang bata kay Binyel na tinatawag nilang Mr.Elmoman. Lumapit ako sa dalawa.

"Kilala nila si Ranz?" pabulong na tanong ko.

"Aba malay namin! Wala namang nababanggit si Gwen." sabi ni Ishie.

"Patay tayo kay Gwen kapag nalaman niya ito." sabat naman ni Anj habang nakatingin sa mag-aama na nakangiti.

"Ganoon pala talaga kapag lukso ng dugo noh?" sabi ko.

"Magtigil ka nga! Kahit kailan hindi mangyayari yang iniisip mo Mae. Nevah!~" sabay na sabi nila.

"Ang ingay niyo! Kapag tayo narinig nila!" sabi ko.

~

-Mhim-

To God Be The Glory!

Our Mistake's Aftermath (Ranz Kyle's FanFic) [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon