Prologue

367 14 0
                                    

Friendzone
Bakit Friends Lang?

Dear Boys,

Alam nyo ba? Na sa dami dami ng taong pwede magustuhan. Swerte kayo kasi may babaeng nandyan nagpapakashonga para sa inyo? Ang babae, simple lang naman mga yan eh. Simpleng date, kahit kwek kwek lang sa tabi tabi? Masaya na yan. Pero wag kang hayop at gagawin mo yun. Have some class. Micro ba kamo kami? Timer? Paasa? Kulang ata. Asan yung? Minaykro, tinaymer, at umasa- pinaasa? Excuse me! May Gender equality na rin sa pananakit! Plus. Nagagalit kayo sa mood swings ng babae? Sa mga toyo nila? Ikaw kaya gumalaw ng may bumubulwak dyan sa genitals nyo? Sabay lakad here, tawa there? Aba! Baka gusto nyo bumaha? Nakakairita yun. Sabay yung puson? Hoy! Respeto para sa kababaihan! Ikaw tusukin ko ng karayom sa puson ng paulit-ulit. Pero- sinabi ko na ba na- sapat na yung lalaking loyal at mabait? Matiyaga at malaya. Masipag at marunong rumespeto sa mga desisyon. Yan ang lalaki. We dont need your ego or pride. Kahit di ka kagwapuhan. Jusko! Why not? Tayo na agad oh. Wait! Plus. Gusto rin namin mag feeling dalagang Filipina no! Uso manligaw ng maayos!

Dearest Girls,

    Feeling nyo bitbitin nyo na buong mundo dahil sa lahat ng respeto na sa inyo? At ego? Oh please, anong ego pinagsasabi nyo? Mula nung makilala namin ang akala naming the one. Nawala na ang ego at pride na tinatawag namin. Diba boyfriend ang pinasok namin? Hindi katulong. Para lang malaman nyo ah. Ingat na ingat kami sa inyo sabay magsusuot kayo ng kabastos bastos- ano yun? Joke? Kami rin may genitals! Na tinusok! At binalatan. Kayo kaya balatan namin ng buhay. Tapat kami. Kaso may pangangailangan din naman kami eh. Di lang kayo. Tapos yang toyo niyo endless! Una tatawa kayo tapos biglang taeng yan, magagalit? Ano kayo may split personality? Sabay nananahimik kami. Kami pa yung masama! Unfair yun.

Pero, nagkakapareho naman tayo sa isang bagay eh. Pareho tayong nakaranas ng isang sagradong salitang- kayang wasakin ang mundo mo.

Friendzone

Sakit sa ears. Sakit sa heart. Sakit sa bangs.

Yan lang naman yung salitang nagsasabi na.

" hoy, kaibigan lang. Hanggang dun lang. Wag ka na umasa. "

Gusto ko magkaroon ng Girlfriend o Boyfriend. Par, iba binigay mo eh.

Boy friend at Girl friend.

May space na nagpapaalala sayo na putcha. Yan lang kaya ko ibigay sayo. Friendship.

Isang pag ibig na kinatatakutan.

Lagi yang magkakaspace. Boy friend , Girl friend.

Kasi - na Friendzone ako


Bakit of all people in the world sayo kami mafofall? Kase ganda ka? Kase gwapo ka? Eh ano ngayon? Lecheng hormones yan. Wag mo kami ipush sa kalandiang masasaktan ka lang.

I need someone who will treat me more than just a friend.

Ayoko nang palagi akong sampid. Lagi akong sabit. Lagi akong third wheel. Lagi akong kaibigan lang.

Gusto ko rin maging the ONE.
Hindi INIWAN, BINITAWAN, PINAGINITAN, AT SINAKTAN.

Ginawa ko best ko para magibg perpektong tao para sayo. Eto lang mapapala ko?

Thank you, next?

Punyeta
- Luna

Friendzone[ Bakit FRIENDS LANG?]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon