Chapter 3

42 6 2
                                    

It's Saturday morning rain is falling?Lul!

Sabado ng umaga,heto ako nakahiga sa kama at magbibigti na.Ugh!
Ganito nalang palagi ang weekends ko,sobrang boring!

Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama at binuksan ang bintana.Naka locate ang kwarto ko sa gilid ng bahay paharap sa mga katabing bahay,habang sinisinghot ang kahit papano'y malamig na simoy ng hangin,9 am na ring kasi.

Nang tumagal ay kumuha ako ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan iyon,sorry nalang sa mga puno at halaman na makakalanghap nito.Patuloy lang ako sa paninigarilyo ng buksan ng kapitbahay ang bintana niya,sakto naman na bumubuga ako ng usok kaya lumanding Ito sa mukha niya.

"Aissh!Bwiset naman Kyla,umagang umaga naninigarilyo ka nanaman ba?"paubo ubong sambit ni Kevin.

Oo siya ang kapit bahay na nakalanghap ng usok na ibinuga ko.Ang swerte nga niya siya ang nabugahan ko

"Naka harap sa bintana,may hawak na sigarilyo.Nag lalaba siguro ako.At wag mo ngang pakialaman ang bisyo ko"calm na sagit ko sakanya at binugahan ulit ng usok,kung abot ko lang siya binatukan ko na siya eh.

"Tss.May gagawin ka ba ngayon?"tanong niya habang hinahawi ang usok na napupunta sa mukha niya.

"Baket?yayayain mo ako magdate?"pabalik na tanong ko at binugahan nanaman siya ng usok,more like kada salita ko,sa mukha niya lumalanding ang usok na nanggagaling sa bibig ko

"Tangina naman Kyla!Bwiset na,Nyeta"patuloy na pagmura niya habang umuubo dahil sa nalanghap na usok.Ang bobo talaga neto,bat kasi di nalang niya isarado ang bintana.

Bago ko siya sagutin ay bumuga muna ako ng usok kaya ngayon natawa na ako dahil para na siyang zombie sa itchura niya,namumutla na siya haha."Ang bobo mo kasi,punta ka nalang dito."

"Nandiyan parents mo?"tanong niya habang umuubo parin.Nawala ang ngiti sa mukha ko,I roll my eyes.He's indeed a jerk.

"Wala"binugahan ko ulit siya at isinara na ang binta na.

Dumerecho ako sa cr at itinapon ang upos ng sigarilyo sa basurahan.Maliligo na sana ako nang nahagip ng mata ko ang salamin at lumapit doon,isinandal ko ang mga kamay ko sa sink at tinitigan ang mukha ko.

Hayss.Ang galing talaga mag drawing ng mga magulang ko,sa pagkakaalam ko maganda naman ako.Ba't parang walang effect kay Nico?Aissh tuluyan na atang nahawaan ni Mark ng kabaklaan niya,kaasar!

Pababa na ako ng may tuwalya pa sa ulo,dahil bwiset lang nasira bigla ang blower ko kaya no choice.Pagbaba ko nakita ko na si Kevin na nakaupo sa sofa habang nakataas pa ang mga paa.Feeling home ang bwiset.

"Good morning"bati saakin ni yaya Yna.Ngunit nginitian ko lamang siya at kumuha ng tubig,habang umiinom muntik ko nang maibuga ang iniinom ko ng magsalita si yaya yna.

"Nagluto pala ang mommy mo para sayo bago sila umalis,nandiyan sa table gusto mo ba initin ko?"mahinahon niyang sabi.Inilapag ko ang baso ko at hinarap siya.

"Ya,okay lang kahit Hindi ako pansinin ng mga magulang ko.Sanay naman na ako eh"sagot ko na nagpapahiwatig na hindi ako naniniwala sakanya,habang walang expresiyong tinatapik ang balikat niya at naglakad na paalis.

Pero bago pa ako makaalis ng tuluyan sa kusina muli nanaman siyang nagsalita.

"Kyla,wag mo sanang isipin na hindi ka mahal ng parents mo.Dahil hindi mo alam kung anong sinasakripisyo nila para lang sayo,they love you so much to the point na gagawin nila ang lahat masiguro lang na nabubuhay ka ng masaya at ligtas"

Napako ako sa kinatatayuan ko.Nagbibiro ba siya?
Matagal nang panahon nung huli kong nakasabay kumain at nakabonding ang mga magulang ko,baka nga nakalimutan na nilang may anak sila,at saksi siya na hindi na nila mapansin ang anak nila.
Kaya paano niyang sinasabi itong lahat.Humugot ako ng hininga at humarap ako sakanya.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo,dahil kailanman hindi ko naramdaman ang sinasabi mong pagmamahal galing sakanila"walang expression kong sabi at tuluyan ng umalis.

"Kevin!hintayin mo ako sa labas susunod ako"sigaw ko kay Kev at dumerecho papasok sa kuwarto at pabagsak na isinara ang pinto nito.

Nagbihis na ako ng simpleng jeans at shirt.Inalis ko na rinang tuwalya sa ulo ko at hinayaang bumuhaghag ang mahaba kong buhok,alangan namang isama ko pa ito.Pagtapos ko magsuklay ay kinuha ko ang wallet at cellphone ko at bumaba na.

Ngunit bago pa man ako makalabas ng bahay ay kinuha ko ang susi ng kotse ni Dad,actually parang saakin narin ito dahil maliban sa hindi niya ito ginagamit wala rin siyang pakialam kung gamitin ko to.

Hindi ko lang magamit araw araw dahil sa labas pa ang ng school ang parking lot,kaya nakakatamad.

Paglabas ko nakita kong naglalaro ng slither snake si Kevin.tong lalaking to adik na sa larong yon,eh ang boring boring naman.

"Hoy!Kevin,we will be using my car"sigaw ko habang papunta sa garage habang iwinawagayway pa ang susi sa daliri ko,pero bago ko pa mabuksan ang pintuan ng sasakyan nagsalita siya.

"Na-uh.Use your own car and I'll be using mine,magkita nalang tayo sa mall" at saka naglakad papalayo

"Teka!" pagtawag ko sakaniya."Tawagan mo sina Alice papuntahin mo rin sila para naman hindi lang mukha mo yung makita ko"
pagkatpos kong sabihin yon ay sumakay na ako ng kotse at pinaandar iyon.

Nang makapasok ako sa parking lot ng malll ay naghanap agad ako ng space,kaso ilang ulit na akong paikot ikot pero wala parin akong makita.Kaya minsan ayoko ng private car,proproblemahin mo pa kasi kung saan ka magpa park.

Nang makahanap na ako ng pwedeng parking space ay ipinark ko agad ang kotse ko upang Hindi na maunahan pa ng iba.

Pagkatapos ko itong ilock ay napansin ko ang katabing sasakyan na naka park sa kabila,ito ang kotse ni Nico.Napangiti naman ako,ibig sabihin nandito rin siya,aishh kinikilig nanaman ako >.<

Pagkapasok ko dumerecho ako sa store ng kettle corn at bumili ng tatlong malaking pack ng popcorn.Paglabas ko binuksan ko ang isang pack,nagugugutom na kasi ako.

Habang naglalakad palinga linga ako,nagbabakasakaling makikita ko si Nico pero ni anino niya hindi ko nakita.Aishh nasan na ba ang mga ugok na yon?Ang babagal talaga nila kumilos.

Tinawagan ko nalang si Kevin.
"Hoy!ano dito nalang ako?paghihintayin niyo nanaman ako magdamag?" sigaw ko sakanya ng sagutin niya ito "Nandito ako sa tapat ng cinema,pupunta ba kayo o pupunta?Dalian niyo at maiksi lang ang pasensiya ko" patuloy kong sigaw at binabaan siya.

Ilang minuto lang ay nakit ko sa sila sa escalator kaya papalapit saakin "Mga pagong,anong dahilan niyo at ngayon lang kayo?" sigaw ko sa kanila ng makalapit sila.

"Ang tagal kasi maligo ni Alice,nag novena pa ata sa cr kaya natagalan kami" sabi ni Hannah habang tinuturo si Alice "Eh ang bagal rin naman kasi magmaneho ni Kevin,bwiset akala mo may ihahatid na bangkay" giit din ni Alice pabalik.

"Oh sha sha padilla,pumasok na tayo" nasabi ko nalamang

"Magci cine tayo?"nakangiting parang batang tanong ni Alice.

"Hindi Alice kakain siguro tayo,kaya nga cinema ang nakalagay diyan eh" bara naman ni Hannah habang tinuturo ang malaking cinema na nakalagay sa unahan.

"Kasi Alice minsan utak ang gamitin ha!" singit naman ni Javi at pinapat ang balikat ni Alice.

"Mga shunga!Tara na libre ko" sigaw naman ni Kevin kaya sabay saby na kaming pumasok sa sinehan pagtapos niyang bumili ng ticket,binigay ko na rin ang mga binili kong popcorn.

Habang papasok kami sa madilim na sinehan ay naaninag ko ang lalaking kanina ko pa hinahanap "Hoy mga shuna dito tayo!" pabulong kong sigaw sa mga kasama ko at tumabi kay Nico,ngunit hindi niya ata napansin na ako ang tumabi sakanya dahil nag uumpisa narin ang palabas.

At sa pagkakaalam ko,ang biniling ticket ni Kevin ay The Conjuring.I smirked,what a good chance.

Make you MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon