Chapter 5

49 6 0
                                    

"NICO,I LOVE YOU" pagkasigaw ni Ruth ng mga salitang yon agad akong napatingin sakaniya at sinamaan siya ng tingin.

"Liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo Nico Laurent" taas noo pa niyang patuloy at nagsigawan naman ang mga iilang mga kaklase kong nasa loob.Pero hindi siya pinansin nito

Lumapit naman ako sakaniya habang masama pa rin ang tingin.

"Anong sinabi mo?" kalma ko paring sabi sakaniya at narinig ko ang mga kaklase kong nagsisigawan na.

'Grabe talaga tong si Nico pre,pinag aagawan ng dalawang babae tsk tsk'

'Tss,Ano inggit na kayo niyan?'

"Bingi?" sagot niya saakin at tinignan ako habang naka smirk.

"Alam kong hindi mo naman talaga siya boyfriend,assumera!" sigaw pa niya at akamang aalis na patungo sa upuan ni Nico,aishh sinusubukan talaga ako neto.

Hinawakan ko siya sa balikat at pabalang na ibinalik siya sa harap ko.

"Oo hindi nga ako ang girlfriend ni Nico at wala kaming realasyon--"

"Oh edi inamin mo rin!" pagputol niya sa sinasabi ko at nagikot ng mata.

Tinignan ko naman siya ng mariin and smirked at her."Hindi ko nga siya boyfriend pero mas nauna kung nakilala siya kesa sayo,mas nauna ko siyang naging classmate kesa sayo,mas nauna akong nanligaw kesa sayo at higit sa lahat..

Mas nauna ko siyang minahal kesa sayo" habang iniikutan siya at pinaglalaruan ang mga hibla ng buhok niya,ughh wire!

Hinablot niya naman ang buhok niya sa kamay ko."So?Wala akong pakialam,mas nauna ka?Then what now?Wala eh nandito na ako para agawin siya sayo" habang dinuduro ako pero inalis ko din agad yon at sinamaan ko siya ng tingin

"Oh wait,hindi nga pala siya sayo" habang ang kamay niya ay nasa bibig niya.

Bago pa siya makaalis ng tuluyan muli ko siyang pinigilan,pero ngayon hindi na balikat ang hinablot ko kundi ang mala wire nyang buhok.

"Aahhh,Ouch!" daing niya.Lalapit na sana ang mga classmate ko ngunit mabilis ko silang pinigilan,nagsisidatingan na rin ang mga iba.Hinila niya rin ang buhok ko,kaya napadaing din ako dahil mahahaba ang mga kuko niya,Aishh lugi ako neto.

"HINDI BA KAYO,TITIGIL?" may malakas na sumigaw,napatingin naman kaming dalawa sakaniya habang hawak hawak pa rin ang buhok ng isa't isa.Si Nico

Kasabay ng pagbukas ng pintuan at pumasok si ma'am.

"The two of you!To principal's office,now!"

Oh shit.

**Principal's Office**

Nakaupo kaming dalawa ni Ruth sa harap ng principal pero alam ko ding parehas kaming walang pakialam.

"So Miss Lonza and Miss Salazar,for the third time pwede niyo bang ipaliwanag ang nangyari kanina?" tanong niya na halatang nagtitimpi lang ng galit,dahil kanina pa niya kami tinatanong ngunit wala kaming balak sagutin yon.

Malakas niyang pinalo ang mesa at tumayo "Wala ba talaga kayong balak na sagutin ako?" sigaw niya pero walang expresiyon ko lang siyang tinignan at alam kong ganun din ang ginagawa ni mahaRuth ngayon.

"That's it!Dalhin niyo ang mga magulang niyo dito bukas or else.." malakas niya ulit na pinalo ang mesa,hay buti di sumasakit ang kamay niya.

"You will clean all the comfort room in the whole campus" naunang tumayo si Ruth.

"Yun lang naman pala ang dami mo pang sinabi,my mom will be here at 8 am don't be late" sabi niya at lumabas na,nakita ko namang nga nga si Sir Liu.Tumayo na rin ako.

"Bukas ko nalang sisimulan ang paglilinis ko Sir" sabi ko bago umalis dahil wala naman akong magulang na pwedeng umattend,tss

"Aba't--" narinig ko pang sabi ni Sir Liu ngunit nasara ko na ang pinto bago pa niya maituloy ang sasabihin niya.

Paglabas ko,tumambad saakin ang barkada.Lumapit naman sila saakin
"Anong ginagawa niyo dito?walang klase?" tanong ko habang naglalakd na palayo,sumunod naman sila.

"Wala malamang!nandito ba kami kung meron?" sagot naman si Jave at sumang ayon naman sila Alice at Hannah habang kumakain ng chips."Ano namang lilinisin mo ngayon?" tanong naman ni Kevin habang inaabot ang bag ko,buti nalang talaga walang klase.

Pag may nangyayari kasing gulo at kasama ako,alam na nila na paparusahan ako ng principal dahil kailanman hindi uma attend ang mga magulang ko dito sa school.

"Alam ko namang mahal niyo ako kaya banyo lang ang lilinisin natin bukas" sabi ko habang papasok kami sa canteen

Napasalampak naman sa upuan si Alice "Aissh!Bat mo pa kasi pinatulan yung mahaRuth na iyon?" tanong niya habang si bumibili ng pagkain sila Kevin at Jave.

"Nakakaasar naman kasi siya,alam na ngang nililigawan ko si Nico tas makikisama pa siya?mas lalong matatagalan ang pagsagot niya sa akin nun.Mga tol naman isip kasi!"

Pagdating nila Kevin at Jave kinuha ko agad ang saakin"Oh san mo dadalhin yan?" kunot noong tanong ni Jave habang ang iba ay nagsisimula ng kumain "Ibibigay ko kay Nico"

"Binili ko yan kaya ikaw ang kumain,hindi ka pa nagbre-breakfast diba?" walang expression na sabi ni Kevin,luh naman to akala ko di ko babayaran."Masakit ang tiyan ko,wala ako sa mood kumain tsaka babayaran naman kita don't worry" narinig ko pa siyang nag 'tss' pero tuluyan na akong umalis para hanapin si Nico melabs.

Paglabas ko ng canteen,palinga linga ako habang naglalakad pero ni anino niya hindi ko nakita,hanggang sa napunta ako sa pinakalikod ng school.Walang tao dito dahil na rin recess time na at lahat ng estudyante nasa canteen.Hindi na sana ako tutuloy ng may marinig akong sumisigaw.

"Gulo at kahihiyan nalang ang lagi mong dala sa pamilyang ito,wala ka bang kahit konting hiya at lagi nalang puro failures ang nangyayari sa buhay mo?"

Pagsilip ko naaninag ko ang isang middle-aged na lalaki habang kaharap nito ang isang lalaki ring estudyante dito,si Nico.Nakatingin lang siya sa sapatos niya habang pinakikinggan ang mga sigaw ng lalaking iyon na siguro'y ama niya.

"Sinasabi ko sayo Nico,pag hindi mo binago ang buhay mo wala ka talagang kahihinatnan sa hinaharap" habol pa ng lalaki at umalis na,dumaan siya sa harap ko ngunit hindi niya ako pinansin.

Pagtingin ko kay Nico walang expressiong nakaupohabang nakasandal na siya sa pader.Hindi ko alam na ganito rin pala ang buhay niya.Lumapit ako at umupo sa tabi niya

"Dad mo?" paglapag ko ng spaghetti at mineral water na binili ni Kevin kanina,napatingin naman siya saakin

"Narinig mo?" tanong niya pero nginitian ko lang siya at binuksan ang pagkain "Wag kang magalala wala naman akong pagsasabihan,hindi ako madaldal noh!..Ahh" subo ko sakanya pero ibinaba niya ang kamay ko at ibinaling ang paningin sa iba

Ngumisi siya"Tss,3 years na tayong magkaklase alam mong alam kong hindi ka tahimik"

"Yun nga eh,3 years na at ganun na din katagal simula nung manligaw ako" pagsandal ko sa balikat niya,ang bango bango niya.Pero mabilis niya namang itinulak ang ulo ko palayo sakaniya.

"Tss,ewan ko sayo halika na time na" pagtayo niya habang pinapagpagan ang pwet "Teka,ano tong binili ko sayo?Dalhin mo nalang" abot ko sakaniya nang makatayo ako,kinuha naman niya iyon.

"Paano ka?magcu-cutting ka ba?"

"Ayyiee,nagaalala ka noh?Ano nafo-fall ka na saakin noh?" at pabiro ko siyang pinalo."Yuck!asa ka pa,bahala ka nga diyan" at naglakad na siya papalayo at di na lumingon kaya napatawa na lang ako.

Actually magcu-cutting ako hindi dahil sa gusto ko lang kundi tinatawag ako ng ating mother earth,If you know what I mean huehue.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Make you MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon