Nandito kami sa aming classroom at nag-iingay. Pen-tapping, takbuhan, daldalan, cellphone, music, and sleeping.
Wala naman kaming ginagawa nila Ate Chrissy, Eclaire, Leyana, at ako. Biglang may sumagi sa isip ko, paano kaya kapag mag-a-audition kami sa Big Hit Entertainment?
"Eclaire, mag-audition kaya tayo sa Big Hit? No age limits naman eh." Sabi ko at naki-sabay na rin sa ingay.
Wala din kaming teacher tsaka home room na namin kaya pwede na naming gawin ang kahit ano pa pero, hindi rin maiiwasan ang pagsuway naming mga officers sa aming mga kaklase.
Pero we've decided na rin na this day, day-off muna kami sa pagsuway - pagsigaw rather. Nakiusap na lang kami sa aming mga kaklase na 'wag masyadong mag-ingay at itago ang mga cellphone nila kapag may teacher na dadaan at pakinggan ang signal ng aming look-out.
We're all in this together, eh. Wala sa vocabulary namin ang pag-sumbong. Hindi tumingin si Eclaire sa'kin. Siguro hindi niya narinig yung sinabi ko dulot na rin siguro nang ingay.
Nilapitan ko siya at nakatago pala yung earphones niya mula sa mahaba niyang buhok. Malamang nakikinig siya sa BTS at pinipilit na kumalma at itago ang pag-fa-fangirl or pag-spazz.
Tama nga ako at rinig na rinig ang Fire mula sa kaniyang earphones. Inulit ko ang aking tanong kanina. Hindi naman ata siya magagalit kapag kinausap ko siya, diba?
"Hm, pwede naman. Pero dapat 'pag fourteen-years-old na tayo." Napansin na ni Eclaire ang presence ko at sinagot ang aking tanong. Tiningnan ko ang kaniyang mga mata na punong-puno siguro ng thoughts and curiosity kung bakit ko iyon natanong sa kaniya.
"Payag naman ako siyempre, tapos tanungin mo si Ate Chrissy kung gusto niya rin." Sinabi niya sa akin at ngumiti at nginitian ko din naman siya. Right, si Ate Chrissy. Hindi ko lang alam kung gusto ni Ate eh.
Hindi naman siya masyadong mahilig sa K-pop, simula kasi noong umalis si Jessica at Tiffany sa SNSD, hindi na siya naging K-pop fan. Pero ngayon, pinipilit namin siya hawaan ng aming virus ni Elcaire at Leyana.
"Ate Chrissy, gusto mo din bang mag-audition sa Big Hit Entertainment kasama kami?"
Tanong ko kay Ate at tiningnan ang kaniyang mga mata upang mapansin niya ang sa akin na punong-puno nang pag-asa. Kahit ngayon lang po Lord, nagmamakaawa po ako.
Simula kasi noong naging K-pop fan ako, gusto kong bumuo ng grupo at mag-audtion. Gusto ko rin kasing mag-produce ng music at i-inspire ang aming future fans, and of course ang magkaroon ng concerts or world tours at para makapunta rin kami sa iba't-ibang bansa para mas-masaya ang aming future international fans.
"Para saan ba? Ano'ng meron dun?" Tanong ni Ate na sadyang nagtataka. Nang dahil dun, tumaas ang aking pag-asa na sana pumayag na si Ate Chrissy. Lumakas ang ingay at naramdaman ko ang init na nagmumula sa mga bunganga ng aming mga kaklase kahit na may aircon pa kami dito sa classroom and to add, dalawa pa.
"Para makabuo tayo ng grupo. Ayaw mo nun Ate? Magakakaroon tayo ng concerts and world tours. And to add, makakapag-ipon tayo ng pera pra sa family and sa future natin. Magkakaroon tayo ng group celebration, meet and greet, interviews, photo shoots at marami pang iba." Sabi ko sa kaniya enthusiastically in hopes na mapapapayag ko na si Ate.
Seryoso ang mukha niya at mukhang hindi interesado. Pero nagulat ako nung nag-iba ang kaniyang expression. From serious to joyful.
"Ah, sige! Ano ba ang gusto niyong gawin? Sayaw o kanta? Sumayaw na lang tayo." Mas nakita siguro sa aking ngiti na sobrang saya ko.
Napansin ko naman si Leyana na nagbabasa sa Wattpad at nakasaksak sa kaniyang mga tenga ang kaniyang earphones. Hindi na kailangang tanungin si Leyana dahil payag siya agad, at narinig naman ni Elclaire ang aming usapan at sumali rin.
"Usually, ang pagiging trainee ay nagtatagal for five to six years. Pero 'pag sobrang magaling ka na sa pag-perform, two years na lang ang pagiging trainee mo. Hindi na ako makapaghintay! Gusto ko nang mag-fourteen. Ano kaya ang mangyayari kapag natanggap tayo sa Big Hit Entertainment? Papupuntahin kaya tayo kaagad sa Korea? Sila kaya ang sasagot sa plane tickets natin?" Lumingon ang ulo ni Leyana sa aming direksiyon at tumakbo papunta sa bakanteng upuan na malapit sa aming grupo.
Tinanggal niya ang isang earphone na nagmula sa kaliwang tenga niya at humarap sa amin ng maayos. 'Pag home room na kasi, pwede kaming lumipat ng upuan kahit saan, kaya naman nasa likod kami.
"Big Hit at Korea ba kamo? Ang galing ah, hindi niyo man lang ako tinawag." Sabi ni Leyana habang kumakain ng malaking Piattos. Ang galing ah, kumakain ka pala pero hindi mo kami tinawag?
"Masyado ka kasing nakatutok sa Wattpad kaya hindi ka muna namin inistorbo. Baka kasi kapag mag-evolve ka nanaman aa pagiging tigre mo." Bungad ni Ate Chrissy.
"So ano'ng pinag-uusapan niyo?"
"Pinag-uusapan namin yung tungkol sa pag-audition. Gagawa na rin tayo ng plans ngayon since pumunta ka na dito."
Nag-pen tap naman ang ang aming look-out rythmically at nagkunwari naman kaming mga nakaupo na nagre-review at ang mga nakatayo naman ay kunwaring naglilinis at nagaayos ng quiz booklets and books.
Nang nakalampas na ang teacer namin ay bumalik na kami sa aming business. Apparently, pinag-usapan namin kanina buong time ng home room. Nang dahil na rin sa excitement, nagpasya kami na magsleep-over sa bahay nila Eclaire at 'buti naman pumayag ang Mom ni Leyana na tinawagan namin kanina.
'Buti na lang friday ngayon at pinayagan kaming tatlo na magstay sa bahay ni Eclaire for three days which means na magkakaroon kami ng bonding time.
"Good bye class! Sa mga cleaners pala, 'wag kayong magmadali sa paglilinis dahil wala naman kayong pasok bukas. Pakilinis na lang ang classroom niyo ng mabuti."
"Good bye Ma'am, good bye classmates. See you tomorrow, mabuhay!"
"Tsk. Ano ba yan?! Takas na sana ako eh. Pero, excited na ako! Pwede na tayong magpuyat." Sabi ko sa kanila habang inaayos ko ang mga books sa girl's section ng shelves.
Cleaners pala ako ngayon, hindi ko man lang naalala. Kailangan pa naman namin na mag-impake ng damit and uniform para makapunta na kami kaagad sa bahay ni Eclaire.
Tumulong na lang sila para matapos ko na kaagad ang gawain ko at para makauwi na kami. Buti na lang pala walang training ang mga COCC and Privates ngayon, ang hirap pa namang maging Corps Commander.
Nag-commute muna kami papunta sa bahay nila Leyana dahil malayo-layo pa ang bahay niya sa amin. Nakatira kasi siya sa Cielito at wala raw magbabantay sa bahay nila kaya inutusan siya ng Mom niya na maglinis muna bago umalis.
Sinabi naman namin na kami na lang ang maglilinis at mag-impake na kaagad siya. After niya naman mag-impake ay kumuha naman siya ng bag na magkakasya para sa snacks and drinks na makukuha niya sa bahay nila.
Next ay pumunta kami sa bahay ni Ate Chrissy at medyo na-akward-an kami sa mga tambay sa kanto at pati na rin sa mga tindahan. Medyo natagalan din kami sa bahay nila dahil pinagmerienda pa muna kami ng Mom ni Ate Chrissy.
Tumanggi kaming tatlo ni Eclaire at Leyana nung una dahil nagmamadali kami at nahihiya pero, hindi naman pumayag si Ate Chrissy na hindi kami kumain kaya nagmerienda na lang kaming lahat.
Sa bahay ko kami next pumunta. Wala ring tao sa bahay at buti na lang mag dala akong spare key. Ganoon rin ang utos sa akin, maglinis ng bahay nago umalis. Siyempre, nag-offer sila na tumulong habang ako naman at nag-impake at humanap ng makakain.
Nagpasya kami na pumunta sa SM para magpalamig ng saglit. Bibili na rin kami ng soft drinks and snacks para sa aming sleep-over and pagpupuyat.
October 9, 2016. Sunday.
Word count: 1,367
{7:58 PM}Mamaya na pala ang releasing ng Blood, Sweat, and Tears MV. Talagang hindi nila ako papatulugin \>_</ good luck to us fellow ARMYs.
SugaxTine
YOU ARE READING
Dreams Do Come True
Teen FictionIto ang storya ng apat na babaeng hinihiling na matupad ang kanilang hinahangad na pangarap, pangarap na matanggap sa audition at maka-punta sa Korea. Pero sa isang iglap ang pangarap nila ay nawasak. Kakayanin nga ba nila o susuko na lang sila? Kay...