¤ Sleep Over ¤

16 0 0
                                    

Nandito na kami sa bahay ngayon nila Eclaire at inaayos ang lahat. Basically, wala pa rin kaming ginagawa. Hindi pa kami nagpapalit at naka-uniform pa rin kami, nakakatamad kasi. Sino ba namang hindi tatamarin eh naglakbay pa kami at pumunta pa sa SM para mag-grocery, gumala, at mag-impake, diba?

Nag-arcade pa pala kami kanina. 'Buti na lang din pala maaga yung uwian namin. Pero kaninang in-announce ni Ma'am na uwian na, P.E pa pala, nakalimutan ni Ma'am. Pero wala nang umangal kanina kasi halos lahat kami ay sabik na sabik ng umuwi.

Pero naalala naman ni Ma'am. Tinakasan na lang namin ang P.E time dahil mauubusan kami ng time para mag-grocery at mag-impake ng damit tsaka tatakbo-takbo lang kami, mag-vo-volleyball, at mag-ba-basketball.

Sa pagtakas namin, pinasok namin yung Janitor's Room at hinanap namin ang medyo maliit na  butas na kakasya kami. Kami lang ang nakaka-alam nung butas na yun. Nahanap namin siya two years ago nung Intramurals namin. Pinapayagan kasi ang lahat ng estudyante na libutin ang school.

Pero kaunti naman ang naglibot dahil nasa classroom ang ibang estudyante dahil kumakain sila at nagpadeliver pa ng pagkain. Pagkatapos kasi naming kumain, ay inakyat muna namin ang second building at rooftop. Habang umaakyat naman kami ay nag-vi-video ako. Nagstay muna kami doon ng kaunti, nagsisisigaw, at nagsususulat ng kung anu-ano.

Bumaba naman na kami kaagad at pumunta sa multi-purpose hall, na naroon din ang back gate ng school namin. Since wala namang guard na nagbabantay lagi sa back gate, ay nakalabas kami.

Ay, nakalimutan ko palang sabihin na may padlock ang gate na nabubuksan lang ng Headmaster, Teachers, Guard, and Student Council dahil may sari-sarili kaming susi. Luckily, kabilang naman ako sa SC kaya jackpot.

Umupo muna kami sa granite bench at may napansin naman ako sa bushes na may kaunting layo sa inuupuan namin, isang butas na pwedeng pasukan ng tao. Tinuro ko naman iyon sa mga aking kaibigan at triny namin na pasukin since nalibot na namin lahat at nacurious naman kami.

Na-figure out naman namin, na ang butas pala na iyon ay kumukunekta sa Janitor's Room na walang nakakapansin o nakakatuklas. Pero hindi naman namin alam kung ano ang rason kung bakit may butas.

"Oh, bakit hindi pa kayo nagpapalit? Magpalit muna kayo, nakahanda na ang pagkain sa baba." Ang sabi ng Mom ni Eclaire at bumaba na rin kinalaunan.

"Magpalit na tayo tapos kumain na tayo kaagad para makahiga na tayo."

"Sige, tara na."

Nagpalit na kami at bumaba para kumain. Napakasarap ng niluto ni Tita para sa amin, medyo maanghang na Adobo. Naninibago naman ako dahil tuwing kumakain ako, ay lagi akong huli at nakasaksak ang earphones habang ang mga tao naman sa bahay ay tulog na.

Pero ngayon, iba na. Tahimik, walang nag-uusap, at walang music. Hindi nga rin ako nakakagising ng maaga tuwing Saturday at tinatamad na rin akong kumain. Alam kong unhealthy, pero habit ko na talaga ang magpuyat at hindi kumain minsan, minsan lang.

Tapos sermon kapag nahuli ako. Hindi kasi nila alam yung rason kung bakit ako nagpupuyat. Madalas kasi akong nagpupuyat kahit may pasok pa kami kinabukasan. Siyempre, patago kong ginagamit yung phone ko para hindi nila ako masermonan. Wala maman ng iba eh, sermon na lang minsan.

Pero wala naman akong pakialam dahil sanay na ako at pasok dito, labas doon. Hindi naman nakakasakit yung mga salita nila para maiyak ako. Pero deserve ko naman yun dahil kasalanan ko naman yun.

Natapos na rin kaming kumain at kami ang naghugas ng mga pinagkainan at pinunasan ang lamesa. Back to business nanaman kami, ang magpuyat. Lahat kami ay nakahiga sa kama ni Eclaire at gumagamit ng phone.

Si Eclaire naman at Leyana ay nagsimula ng nagtatatalon at nagsimula ng magpillow fight. Ngayon naman, nakahiga lang kami ni Ate Chrissy. Nang nagtagal ay nagtatawanan pa rin sila.

"Ano ba yan mga deputa! Ang ingay niyo! Kita niyo namang natutulog ako diba?" Sigaw ni Ate Chrissy pero hininaan niya lang yung mga mura niya dahil baka marinig ni Tita.

"Ang kj mo naman! Minsan na nga lang tayo magsaya, pagbabawalan niyo pa. Tara na nga Kookie tulog na tayo." Ang sabi ni Leyana at padabog na umupo at inayos ang kaniyang hinihigaan. Nagkatinginan naman kami ni Eclaire at nagkibit-balikat na lamang. Napansin ko naman na nagkatinginan si Ate Chrissy at Leyana.

Tahimik lang ang kwarto at may narinig akong mahinang tawa, nanggaling pala kay Leyana 'yon. Nakita ko ang mukha ni Ate Chrissy na nagpipigil at mukhang natatawa, hindi rin naman namin maiwasan na magkatinginan ni Eclaire at magpigil rin ng tawa.

Mga ilan pang segundo ay tumawa kaming lahat ng malakas na tipong rinig na rinig sa labas. Diba? Ang mga kaunting pag-aaway namin ay nareresolbahan at naaayos kaagad. 'Yan ang tunay na pagkakaibigan.

"Hays, kahit mag-away pa tayo walang mangyayari. Magkakabati rin naman tayo kaagad. Alam niyo ba, kayo yung mga magulang at kapatid na wala ako." Sabi ko naman habang tumitingin sa dingding na may nakadikit na glow-in-the-dark stars and moon.

"Ano ba yan, ang cheesy mo Tine." Sabi ni Leyana at tumawa muli.

"Oo nga naman, tama naman si Tine. Alam niyo ba na ang pagiging only child lang ay nakalulungkot, pero nagpapasalamat din ako katulad ni Tine-Tine dahil dumating kayo sa buhay ko at tumayo na din na parang kapatid." Drama nanaman, haha.

"Anong pwede nating gawin? Yung hindi involved yung phone?" Tanong ni Eclaire.

"Mamaya na lang beh, inaantok na ako. Napagod kasi ako kanina eh. Set ko na lang yung alarm ko mamayang 1:00 AM." Ang sabi naman ni Ate na sabay na ring humikab at ibinalot ang kaniyang sarili sa kumot.

"Ako rin inaantok na ako."

"Beh, share tayo sa kumot, ang lamig eh."

"Ano ba yan nagugutom pa ako."

"Edi bumaba ka mag-isa mo"

"Eh, baka may multo."

"Ang laki-laki mo na naniniwala ka pa rin sa mga multo? Unbelievable."

"Tine, hug mo ako."

"Sino ka? Si Min Yoongi?"

"Sige na Tine, jebal? Share pa tayo sa kumot oh, tapos hindi na masyadong malamig ayaw mo nun?"

"Sige na nga! Sige Leyana kapag nasapak mo lang ako, papatulugin ka namin sa lapag."

"Yay, saranghae Noona."

"Noona? Ano ka ba, ang lalaki lang ang nagsasabi niyan, Eonnie naman kapag babae ang perspective na tatawag."

"Bear with it na lang Noona, boyish naman ako eh, teehee. Saranghae, Noona."

"Hm, Nado."

Hello mga Mochi ♡ Alam kong matagal nang hindi nag-update si Author-nim, busy lang lang kasi eh, hehe. Anyway, thankyou pala sa pagbabasa ng aking libro kahit matagal akong mag-update at boring pero ita-try ko na mag-isip ng ideas para makagawa ako kaagad ng chapter.

Wala kasi akong motivation and ideas eh \>_</

Saranghae Mochis ♡

Novemver 2, 2016. Wednesday.
Word count: 1,153
{8:12 PM}










You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 05, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dreams Do Come TrueWhere stories live. Discover now