My Love Letter To Min Yoongi

76 7 2
                                    

(A/N: please play Dont say goodbye by: Nina para mas dama natin mga Bes )

Yuri Pov

Nag aantay ako ngayon sa tagpuan na lagi namin pinupuntahan ni Yoongi. Habang wala pa siya pinag mamasdan ko yung buong paligid.

Parang dati ang saya-saya namin dito. Dito sa lugar na to nag umpisa lahat. Hindi ko alam na dito rin pala sa lugar na to matatapos lahat..

Eto na naman yung mga traydor kong luha.  Nag sisiunahan na naman tumulo..

Isa lang naman nararamdaman ko ngayon


Pagod. 



Pagod na ako.  Pagod na ako na lang yung parating kumikilos.

Nag antay pa ako ng mga ilang minuto. Medyo lumalamig na rin sa buong lugar dahil malapit na rin ang Christmas . At ngayon ang aming 3rd anniversary.  Ang saklap diba pero okay na to kesa humaba pa yung relasyon namin na hindi naman nag wo-work..

Naiinip na ako sa pag aantay sa kanya.  Mahigpit kong hinawakan yung kahuli-hulihang papel na ibibigay ko sa kanya..

Mukang hindi na siya darating. Hanggang ngayong umasa parin ako. Akala ko darating siya. Pero akala ko  lang pala.






Tumayo na ako sa kinauupuan ko at pinunasan yung mga luha ko na kanina pa bumabagsak. Pati tong mga mata ko pagod na sa kakaiyak.

Nag umpisa na ako mag lakad ng may narinig akong mga yapak ng paa na nang gagaling sa likod ko. Mabilis akong lumingon

"Y-yoongi" dumating siya. Ibig sabihin nabasa niya. Hindi ko na talaga mapigilan mga luha ko.

Naka mask siya at naka Cap  takip na takip yung  buong katawan niya. Para na rin sa seguridad niya

Dahan dahan niyang inalis yung mask niya pati yung Cap niya.

Ngayon magkaharap kami sa isat isa.. gusto kong lumapit sa kanya at yakapin siya. Pero para san pa? Aasa na naman akong maayos pa to? Siguro tama na nga..  siguro hanggang dito na lang talaga lahat.

" Y-yuri" narinig kong nabasag yung boses ni Yoongi is he crying? Ayoko ng ganito..  ayokong nakikitang malungkot siya..


Stop it Yoon Gi. Mga salitang gustong lumabas sa bibig ko.

Lakas loob akong tumingin sa mga mata niya..

"Min Yoongi.  Finally your reply" sinikap kong hindi mabasag boses ko.

"Yuri Mianhae.  Mianhae hindi ako naging perfect boyfriend para sayo.. Mianhae dahil nangako ako sayo na kapag naging artist na ako. Kaya kong ipagsigawan na girlfriend kita. Sorry dahil hindi ko nagawa. Ang dami kong pag kukulang sayo.. Yung mga letter mo lahat yun nabasa ko. Sorry dahil hindi ko naipagsigawan sa mga kaibigan mo na ako yung boyfriend mo sorry talaga " Ngayon tuluyan na talaga siyang naiyak. Nasasaktan ako pag nakikita siyang ganito..

"Kaya nga ngayon. Pakakawalan na kita. Para narin to sayo.  Para wala nang manggugulo sayo..  para wala nang mangungulit na mag reply ka.. Min Yoongi salamat sa lahat. Salamat dahil naging parte ka ng buhay ko. Salamat at isa ka sa dahilan kung bakit ako ngayon ganito. Salamat sa pagmamahal na ibinigay mo. Salamat dahil sayo nalaman ko kung ano ba yung pag mamahal. Salamat kahit sa pinaka huling wish ko tinupad mo. at eto na rin yung last na babatiin kita. Happy 3rd of happiness Min Suga.. " halos humagulgol na ako sa harapan niya. Pero kahit ganon pinapakita ko parin na kaya ko.

" Y-yuri hindi na ba maayos to? Wala na ba talaga? Hindi na ba magagawan ng paraan to? Yuri parang di ko kaya" lumapit ako sa kanya at pinahid yung mga luha niya..

"Hindi umiiyak si Agust D.. matapang siya diba? He dont give a shit nga daw eh.. Yoongi alam kong mahalaga sayo ang pagiging artist lalo ang ARMYs..  Yoongi andito parin ako para sumuporta sayo. Sa inyong Bangtan.. ako parin yung #1 Fan mo.. ako parin to . Ang pinag bago lang.  Fan mo na lang ako.. " Umiiyak ako habang pinupunasan mga luha niya..

"Dito na ba matatapos?" Tanong niya habang walang tigil sa pag iyak..

Walang lakas ako na tumango. "Oo Suga hanggang dito na lang tayo" kinuha ko yung kamay niya at binigay yung huling sulat na ginawa ko.

Bago ako bumitaw sa pagkakahawak ko sa kanya.  Hinalikan ko muna siya sa labi . Parang ayoko na bumitaw sa pag kakahalik pero biglang sumagi sa isip ko na wala na nga pala. Bumitaw na ako sa pagkakahalik sa kanya.. pinag masdan ko ulit yung mukha niya.

"Mahal kita Min yoongi wag kang magbabago. Andito kaming mga fan mo" at yun na at bumitaw na ako sa pag kakahawak ko sa kamay niya.

Tumalikod na ako sa kanya ng bigla siyang nagsalita..  nilingon ko siya na may ngiti sa mukha..

"Pwede bang ako naman ang humiling?" Sabi niya kahit basag ang boses dahil sa iyak. Tumango ako.

"Pwede bang payakap sa huling pagkakataon" and the last thing i knew.  Umiiyak na naman ako. 

"O-oo naman " lumapit siya sakin at binigyan ako ng mahigpit na yakap.

"Kahit ang pangit ng huling pagtatapos natin. Sana maiparamdam ko sayo lahat ng pagmamahal ko sayo gamit ang yakap na to... Paalam Yuri" Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Hanggang sa bumitaw na kami sa isat isa.

"Pano ba yan.  Hanggang sa muli Min Suga Yoongi" nakangiti akong tumalikod sa kanya at naglakad palayo. Paalam masakit man pero kakayanin ko..

Saranghaeyo Min suga..

----------

Suga's Pov

Hanggang ngayon hindi parin pumapasok sa isip ko lahat..  tang ina ang sama kong boyfriend!! Puta..

Gusto kong mag mura ng mag mura.
Pinagmasdan ko na lang si Yuri na naglalakad palayo sakin. Hanggang sa hindi ko na siya matanaw.

Pinag susuntok ko yung puno na katabi ko.

"Ang tanga mo Min Yoongi..  Tang ina ang tanga tanga mo!!!" Wala akong paki kung puro sugat na yung kamay ko.

Naalala ko yung sulat na binigay sakin ni Yuri.

Binuklat ko to. At naghihinang binasa

The last letter

Yoongi-ah mag iingat ka parati okay? Wag mong kakalimutan na nandito lang kaming mga ARMYs.. 

Hindi lang siguro tayo ang para sa isat isa.. may tao pa sigurong mas deserve ang isang Min Yoongi.. pero kahit ganon . Andito ka parin sa puso ko.  At andito naman sa isipan ko lahat ng memories na binuo natin at kahit kailan hindi yun mawawala..  Suga, min yoongi,  agust D,  O kahit ano pang itawag nila sayo . Nag iisa ka parin dito sa puso ko .  At hinding Hindi yon magbabago.

Mahal kita.. makakahanap karin ng babaeng para sayo..

Masyado nang maraming nangyari. Yoongi patawarin mo sana ako kasi ang bilis Kong sumuko ganon siguro talga pag pagod na ang isang Tao. Kailangan na niya munang magpahinga at bumitaw. Yoongi ngayong wala na ako sa  tabi mo atleast sa 3 years nang pagsasama natin mas nakilala natin ang isat isa.  Salamat sa magagandang memories hinding hindi ko yun makakalimutan.

Hanggang dito na lang Yoongi..

Paalam..

FRIEND
-Yuri Kim  ♡

---------

A/N:  naiyak ako sa update na to promise. Pero parang ako lang ata naiyak hahha.. oh siya salamat sa tumangkilik ng kabaliwan ko na to. Tinary ko lang yung ganitong style ng story well nagustuhan ko siya. Balak kong gumawa ng sa ibang member naman.. hehehehe

Vote and commet..♡♡♡♡

Ba byeeeeeeee

My Love letter to YoongiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon