Chapter 2

197 9 3
                                    

Pagkatapos mangyari non ay hindi ko na muna pinansin si MG. Pumasok ako sa room at dumeretso na sa bakanteng upuan na malapit sa bintana. Matamlay akong umupo dun at pagkalapag ko ng gamit ko ay ibinaling ko nalang ang tingin ko sa labas ng bintana. Walang imik. Walang pake-alam sa nangyayari sa paligid ko.

"Ngiti naman jan." sabi ni MG na tumabi nanaman pala saakin

"Eh kung ayaw ko?" sagot ko na matamlay ang boses

"Ayaw mong ngumiti?" tanong niya sakin pabalik

"Oo" sagot ko, maya-maya naman ay may kumiliti na sa akin at hindi niya ako tinigilan hanggang sa mapatawa ako ng malakas.

"Sabi sayo eh, ngingiti ka din." pang-aalaska niya sakin

"Ang daya mo kaya" sagot ko na medyo natatawa parin sa kanyang ginawa

"Hala!? Pano ako naging madaya?" aniya habang nakataas ang kanyang mga kilay

"Eh sa kiniliti mo ako." sagot ko habang naka-nguso sa harap niya

"Eh? Sorna na po." asar niya sakin

"Hmp!" sabi ko sabay talikod sakanya.

"Oh. Eto naman di mabiro. Sorry na talaga Kym di ko na uulitin." sinundan niya pala ako at di parin siya tumigil hanggang di ako sumasagot.

Nagdere-deretso lang ako sa paglalakad at nagtungo sa pinto. Paglabas ko sa pinto hinanap ko agad kung nasaan ang hagdanan at umupo don, maya-maya pa ay may tumabi ulit saakin

Naka-halukipkip lang ako doon habang nakasandal sa may pader ng nakatingin sa baba, hindi ko siya pinapansin. Mga ilang minuto din ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang basagin niya na ito.

"Kym..." sabi niya sabay hawak sa mga pisngi ko at iniharap ang mukha ko sakanya, ngayon ilang pulgada nalang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa. Tinitigan ko lang ang mga mata niya.

"Sorry na" sunod niyang sabi. Hindi padin ako umiimik at patuloy lang siyang tignan.

Oo, aaminin ko. May itsura tong lalaking to kaso may pagka-gago. Ang pinagtataka ko lang eh sa dinami-dami ng babaeng naglalaway pag nakikita siya eh wala pang girlfriend. Ewan ko sa lalakeng ito manhid ata. Tsaka pag kasama ko siya  na naglalakad sa campus parang pinapatay na ako ng mga estudyanteng babae dito sa tingin palang nila sakin.

"Oo nalang" sagot ko para matapos lang

"Napilatan is real" sagot niya

"Yun lang naman ang gusto mo diba? So pwede na ba akong umalis?" anas ko sakanya sabay tanggal ng kamay niya sa balikat ko at naglakad na pabalik sa classroom. Loko yun ah, di ko namalayan na nakaakbay na pala sakin.

Pagpasok ko umupo kaagad ako kung nasaan ang bag ko sabay tingin ulit sa bintana.

"Hi" boses ng isang babae kaya tinginan ko nalang siya. Nasa harap ko siya at ang saya ng mukha niya

"Hello" sagot ko sabay ngiti pabalik sakanya

"I'm Aki...Aki Carlton" sabi niya habang naglahad ng kamay sa harapan ko

"Kym" sagot ko sabay abot naman sa kamay niya

"Bat parang wala ka ata sa mood? pagtatanong ni Aki

"Ay, hahaha wala 'to" sagot habang  pekeng tumatawa

"I know it. Tell it to me. Why?" seryoso niyang tanong kaya bigla naman akong natahimik kasi seryosong seryoso yung makha niya e.

"Ah...eh...kasi si ano..." di ko alam kung saan ako magsisimula

Mr. Paasa meets Ms. UmaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon