CHAPTER TWO
Shit! Napamura sa sarili si Karl at naibato ang hawak na lapis sa pader.
Oo nga’t gumagawa na siya ng tula ngunit ang utak niya naman ay lumilipad sa kung saan.. sa alaala ng babaeng iyon.
Dinampot ni Karl ang bote ng alak at nagsalin sa baso, kailangan niya ng alak. Baka sakaling mabura sa kanyang gunita ang mukha ng babae. Baka sakaling mamanhid ang kanyang pandama at hindi na maalala pa ang nagyari.
At higit sa lahat,baka sakaling kapag nalasing siya’y makalimutan niya ang lambot ng mga kamay na sumampal sa kanya.
Ngunit nakailang shot na si Karl ay wala pa rina ng kanyang inaasahan. Buhay na buhay pa rin sa knayang pandama ang naging pagsasagupa nila kanina ng babaeng iyon.
Dinampot niya ang bote ng alak at diretsong ininom. Kapag hindi pa naman siya nakatulog sa kalasingan,talagang nakulam siya ng babaing iyon.
HMP! That arrogant bastard! Galit na galit si Cyrene na kahihiga pa lang. mula sa pagkakatihaya sa kama ay dumapa siya at isinubsob ang mukha sa malambot na kama at itinakip sa ulo ang unan.
Kanina pa niya gusting matulog pero ang alaala ng mukha ng lalaking iyon ay tila naka tatak na sa kanyang gunita.
BINABASA MO ANG
Minsan di mo alam, MAHAL NA PALA KITA <3
Roman d'amourLove moves in mysterious ways <3