TRES

4.3K 149 85
                                    

Nakaupo pa rin ako sa pader habang inaalala kung pano ko kinidnap, pinahirapan at pinatay yung iba.

FLASHBACK

Nandito ako sa likod ng puno habang pinagmamasdan si Zanjo.

Hawak hawak niya ang cellphone niya habang nakaupo sa damuhan, malaki pa ang ngisi. For sure, may titirahin nanaman to mamaya.

Hinanda ko na yung pamalo ko, ipapalo ko to sa kanya para mawalan siya ng malay.

Walang tao ngayon dito sa lawn dahil class time pa. Nagcutting si Zanjo at naisip ko na ito na yung tamang oras para kidnappin ang gagong to.

Agad akong lumabas mula sa pinagtataguan ko at inatake si Zanjo. Pinalo ko na sa kanya yung tubo na dala ko.

Tinago ko muna sa likod ng puno yung tubo dahil si Zanjo muna ang aasikasuhin ko.

Agad ko siyang nilagay sa likuran ko at kinarga papunta sa secret door.

Medyo mabigat si Zanjo pero kinaya ko siyang dalhin sa paborito kong kwarto.

At dun ko na sinimulan ang mahika. Pinahirapan ko siya hanggang sa napuno na ng pasa, dugo at sugat ang kanyang katawan.

Pinutol ko rin ang pinakamamahal niyang alaga para malaman niya na hindi ako natutuwa sa kamanyakan niya.

Matapos ang ilang araw ng pagpapahirap, pinatay ko na rin siya.

END OF FLASHBACK

Oo, yung paborito kong kwarto ay nandito lang sa Delgado High. Ito ang nasa loob nung pintong laging nakalock at may 'keep out' na sign. Ito yung kwartong nasa tabi ng storage room.

This is the forbidden room.

All of my secrets are here at kung sino ang papasok dito ay papatayin ko.

Inayos ko ang buhok ko at naalala ko naman si Mika, yung pangalawa kong biktima.

FLASHBACK

Dismissal time na pero hindi pa rin ako umuuwi, tinext ko rin si Mama at sinabing late ako uuwi dahil may tatapusin akong proyekto.

Project Bartolomeo. Ngayon ko na kikidnappin si Mika at papatayin.

Alam kong pinahiya ako ng ilang beses ng babaeng to at mas mabuti kong ipapahiya ko rin siya pero bat ko siya ipapahiya ko pwede ko naman siyang patayin?

Pumunta na ako sa locker room kung nasan si Mika. Nilapitan ko siya at kinausap.

“Mika.” Sabi ko.

Napatingin siya sakin at tinaasan ako ng kilay. “Oh, bakit?”

“Kakausapin ka raw ni Ma'am Carces.” Sabi ko naman.

Bobo kasi tong si Mika, mahina ang utak niya sa academics kaya ginamit ko yun para makuha ang babaeng to.

“Nanaman?” She groaned. “nasan siya?”

“Halika, ihahatid kita sa kanya.” Sabi ko sabay talikod, sumunod naman siya.

“Ang bait mo ata sakin, Delaine. Wala ka naman sigurong binabalak, diba?”

Dahil nasa likuran ko siya at hindi niya ako nakikita ay ngumisi ako. “Wala akong binabalak, mahina ako, diba? Sinabi mo yan noon nung pinahiya mo ako sa canteen.”

She giggled. “Naaalala mo pa pala yun? Oo naman, mahina ka. Sobrang hina, kaya walang may gusto sayo kasi hindi mo kayang ipagtanggol ang magiging kaibigan mo kung inaaway sila dahil nga mahina ka.”

Forbidden | #KNLabyrinthWCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon