DOS

3.9K 154 68
                                    

Natawa ako ng malakas dun sa sinabi niya kaya napatingin silang lahat sakin.

“Sorry,” Sabi ko habang kinakalma ang sarili ko. “hindi ko lang po napigilan ang sarili ko, nakakatawa lang kasi yung sinabi nitong si Rev--..Liana.”

“Anong nakakatawa dun sa sinabi ko, Delaine? O baka naman sinusubukan mong iwasan ang topic na to dahil guilty ka.” She said.

“Ano namang nakakatawa sa sinabi ko, Delaine?” Tanong ni Revilla.

“Nakakatawa lang dahil ako ang inaakusahan mo na dapat ikaw yung managot dito.” Sabi ko.

“What do you mean, Ms. Rivera?” Tanong ng dean.

“My suspect is Liana,” Sabi ko sabay tingin ng masama sa kanya. “she's very suspicious. Impossibleng wala na siyang maalala nung September 23, 9:30 AM. Hindi ka makakalimutin na tao at ikaw mismo ang nagsabi niyan samin noon.”

FLASHBACK

“...Tas ayun, pinatawag siya sa Dean's office.” Natatawang sabi ni Revilla.

Nandito kami sa classroom, nag-uusap or nagcchikahan dahil vacant time namin. Hindi naman ako kasali sa usapan pero bigla bigla lang nila akong kinakausap at nakikinig nalang din ako.

“Naalala mo pa pala yan, Li? Tagal na niyan ah. 2nd year pa tayo niyan.” Sabi nung isa kong kaklase.

“Oo naman! Hindi ko kasi ako makakalimutin, tsaka alam niyo bang naaalala ko pang natamaan ng bola sa mukha si Delaine noon?” She giggled.

Agad akong napatingin sa kanya, sinamaan ko naman siya ng tingin. “What?”

“Hindi mo na ba naaalala yun? Natamaan siya ng bola ng volleyball sa mukha nung 1st year pa tayo, naiyak pa nga siya sa sakit nun eh.”

I clenched my jaw. Naaalala niya pa yun? Eh ako nga nakalimutan ko na yun, naalala ko lang ulit dahil pinaalala niya.

“Shut up, past is past.” Iritado kong sabi.

“But I can and I will always remember the past.” She smiled.

END OF FLASHBACK

“May punto si Delaine dun, Liana. Sigurado ka ba talagang hindi mo na naaalala yung ginawa mo nung araw na yun?” Tanong nung pulis.

“Sabi ko ngang hindi, diba?! Ano pang saysay ng interview na to kung hindi rin kayo maniniwala sa mga sinasabi ko?!” Sigaw niya.

Nagulat silang lahat nang sumigaw siya, ako naman ay sinamaan siya ng tingin. Yung super samang tingin na.

“Watch it, Ms. Revilla. Ayokong sinisigawan mo yung mga mas nakakatanda sayo, hindi ba tinuro na yan sa inyo nung elementary pa kayo? College ka na, for God's sake!” Sabi naman nung Dean.

“Sorry po, I got carried away. I'm on my period as well kaya hindi ko napigilan.” Yumuko siya.

Tumango naman yung pulis bago nagsalita. “Well, that's all for know. Kailangan pa naming iinterview yung iba kaya hanggang dito na muna tayo. Babalik pa kami rito bukas para mainterview ang ibang level at kung may natitira pang oras, kakausapin ulit namin kayo. Would that be okay, Ms. Revilla and Ms. Rivera?”

“Opo.” I said while nodding.

Bumuga ng hangin si Revilla bago tumango. “Opo.”

Hinatid kami ng dalawang pulis sa classroom namin at yung susunod na pares nanaman ang pupunta sa opisina ng dean.

Masama ang tingin ko kay Revilla habang umuupo siya sa upuan niya. Tumingin siya sakin pero hindi masama ang tingin niya, yung normal at yung paawa niya nanamang tingin. Umirap nalang ako bago umupo sa upuan ko at hinintay na matapos na ang klase.

Forbidden | #KNLabyrinthWCTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon