Ara's POV
" It's not working.. So stop fronting.. I know you want me.. let's start talking.."
Napasimangot ako.
Tumutugtog nanaman ang kantang ito sa loob ng café na pinagtatrabahuan ko.
Kanta daw ito ng sikat na boy band group na..anu nga ba yun??
Got.. Got..ah hindi ko matandaan pero madalas ko talaga naririnig ang mga kanta nila dito.Pang tawag daw kasi ito sa mga kabataang mahilig sa kpop lalo na ang mga estudyante.
"Ara!.. "
Tawag sa akin ng kasamahan ko na si Hana.Kunot noo akong napatingin sakanya.
Nakatawa niyang mukha ang bumungad sa akin.
Napataas ako ng kilay.
"Nakasimangot ka nanaman.."
Puna niya sa akin."Pag naririnig mo talaga ang mga kanta nila.. Lagi ka naaasar.. Haha" pang inis niya pa lalo sa akin.
"Hindi ako naaasar noh! "
Tanggi ko na nagpatawa lang lalo sakanya.Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy ako sa pagpupunas ng counter tap.
Hindi naman ako naasar sa kantang ito.
Sadya lang siguro hindi ako katulad ng mga kabataan na kinababaliwan sila, yung grupong Got...ahhh got-ewan!sa hindi ko talaga matandaan..heheAko nga pala si Kim Hye Ara.
Simpleng babae lang ako na mahilig mag ipon ng pera.Nagiisa na lang kasi ako sa buhay matapos mamatay ng parents ko 2years ago.
May mga kamag-anak naman ako. Kaso hindi ako ganoon kalapit sakanila.
Nasa ibang bansa kasi sila at ako dito sa Korea. Nag iisa. Hindi ako nagpapa-awa ha.
Pinalaki kasi ako ng parents ko na maging matatag at matapang.
Kaya siguro wala na akong panahon para pa sa ibang bagay.
Sa sobrang hectic ba naman ng schedule ko.
6am coffee shop
11am candy store
4pm amusement park
9pm pizza shop
Yan ang mga part time ko at pag maaga natatapos sa pizza shop, nag lilinis din ako sa mga building sa night time.
Oh dba! Makakauwi ako sa dorm ko ng 2am then matutulog! Gigising ulit para sa bagong umaga.
Napabuntong hininga ako.
Nakakapagod diba?, kaso wala naman ako choice dahil marami akong gastusin at idagdag pa nag iipon ako para makapag aral ng script writing.
Pangarap ko kasing maging writer someday!
Actually pangarap ito ng papa ko!
Siya rin kasi ang inspiration ko kaya nangako ako sa sarili kong tutuparin ko ang pangarap naming dalawa.Bumalik ako sa realidad ng makarinig ako ng pagbukas ng pintuan ng café namin.
Napatingin ako sa binatang naka sweater, nakascarf, nakashades at cap.
Weird.
Napatingin ako sa orasan alas otso pa lang ng umaga pero ang pormahan parang napakataas na ng araw.
"Magandang umaga.. "
Alanganin kong bati ng napansin kong palapit siya sa counter.
Di ko sigurado kung nakatingin ba siya sa akin pero ang malakas ng kutob ko na nakatitig sakin ang mga mata niya.