Chapter 1

2 0 0
                                    

"This is it baby, this is the day you've been waiting for" naiiyak na sabi ni tita sakin habang lulan kami ng sasakyan papunta sa simbahan. Sa sobrang tahimik dito sa loob ng kotse kahit tibok ng puso ko rinig na rinig ko dahil sa lakas ng kaba ko. Kaming dalawa lang ni tita ang nasa back seat habang yung driver naman ang nasa unahan..

"I know that this will gonna happen and I know that I don't have to be scared-----" napatitig ako sa mata niyang sobrang lungkot at kita ko ang takot doon. "but baby your my only princess and I am scared that I will lose you and you will forget us--- me and your dad" hindi ko na alam ang gagawin ko ng umiyak na ng tuluyan si tita.

"Mom! Of course I will not forget you and you will not lose me." hinawakan ko ang likod niya at inalo alo pero hindi ko rin maiwasang umiyak. Susme! Mababaw pa naman ang luha ko at kapag nakakakita ako ng umiiyak ay naiiyak na rin ako. "I love you mommy and dad also. I'm just going to married and I will always be your only princess, it will never change so stop crying your making me cry also!" iyak tawa kami pareho ni tita sa loob ng kotse at hindi ko maiwasang yakapin siya. Hindi ko maiwasang umiyak pa lalo ng lumalapit na kami kung saan nag aantay silang lahat sa amin.

'Nasaan na ba yung kotse na haharang sa amin?!' Napapalinga ako sa kanan at sa kaliwang bintana. Ang sabi niya may haharang na lang daw bigla sa amin at itatakas ako para maisipan nilang lahat na siya ay nakidnap at walang makakapaghinala na umatras ako. Napabuntong hininga ako 'pano kung walang humarang?' Hindi. Hindi pwede yun. Tumingin ako sa labas ng kotse at nagbabakasakali pa rin na may sumulpot o kaya may kahina hinalang kotse akong makita pero wala. Mas lalo akong napagagulgol sa isiping hindi ako makakatakas.

'Eto na ba ang katapusan ng single life ko? Papa God please wag naman po muna! Hindi ko pa nararanasang magka-jowa, hindi pa ko yumayaman at hindi ko pa nakikita si Mr. Right ko!huhuhu' hinawakan ni tita ang kamay ko at napatingin ako sa kanya. Kahit nanlalabo na ang paningin ko dahil sa pag iyak I can see that she's genuinely happy for me and I am very damn guilty for that.

Nagtataka siguro kayo kung anong nangyayari? Kahit ako nagtataka na rin. Hindi ko alam kung bakit ako napunta sa gantong sitwasyon samantalang alam ko lang isa lang akong ordinaryong mamamayang pilipino, ulilang lubos, isang office girl at isang nbsb. Oo malinaw ang nabasa niyo, NBSB pa ako at ulila na rin ako. Nagtataka rin siguro kayo kung bakit tinawag kong mommy ang katabi kong ginang? Ganto kasi yan.

*FLASHBACK*

*ringggggggg!*

Hmmm

*ringggggggg!*

Bumangon ako kahit na inaantok pa at kinuha yung phone na nasa side table at sinagot nang hindi tinitignan kung sino ang tumatawag.

"alam mo ba yung kasabihang 'bulabugin mo na ang lasing wag lang ang kakatulog pa lang?!" Bungad ko sa kung sino mang poncho pilatong nangahas na bulabugin ako sa pagtulog ko! Minulat ko ang isa kong mata at tinignan ang mini clock na nasa side table ko lang din. Humiga ulit siya at mas lalong pumikit, 3am pa lang ng madaling araw at may tumatawag na agad sa kanya! 'Pagpahingahin niyo naman ako kahit ilang oras lang please!'

"*sob* b-bakla!"

napabalikwas ako ng higa ng mapagtanto kung kaninong boses iyong tumawag sakin. Tinignan ko ang screen ng phone ko kung tama ba ako at confirm! Ang bff ko lang naman ang tumatawag.

"Bakit ka naiyak?! Anong nangyari ha?! Nasaan ka----Teka! Magpapalit lang ako at pupuntahan kit---"

"i-m here in baguio, one of our driver will fetch you. Please hurry I need your help bakla"

My Cliche StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon