Ikalawang Kabanata

22 6 0
                                    

Luther's POV

Sobrang OP ko sakanila simula sa first class, hindi naman ako makasingit. Pag may knock knock sakin si makulit bigla namang nakikisali si Jesper. tsk

"Mga tropapips hindi ako makakasabay sa caf hah? may practice ako eh! mamayang uwian na lang! bye" bigla akong nabuhayan sa sinabe ni Jesper, kasi atleast di na ko ma o-op?

"Luther, Luther?" sht sht, ayoko talaga nang binabanggit niya yung pangalan ko.

"Bakit?"

"Tara na sa caf! tomguts na akoooo~" pagkasabe niya nun eh bigla niyang hinawakan ko yung kamay ko tapos hinila ako, may kuryente----kuryenteng masarap sa pakiramdam.

Hindi ako nagpahila sakaniya, at dahil mas maalakas ako eh hanggang ngayon ay hindi pa rin kami gumagalaw sa pwesto namin. Nagkatinginan lang kami, nung una naguguluhan siya pero nung napatingin siya sa kamay namin eh dun siya namula tapos binitawan ako tapos biglang nag peace sign tapos sabi ng sabi ng sorry.

"Anong ginawa mo sakin?" bigla ko na lang nasabe sakaniya.

Nakita ko na naguguluhan siya sa mga mata niya, I can't blame her kahit ako naguguluhan sa mga nangyayari at mga nararamdaman ko.

Yumuko ako at umiling ng maraming beses tapos umuna na ko sakaniya. Nung naramadaman ko na hindi siya sumusunod, tinawag ko siya ng hindi nililingon.

"Ano pang ginagawa mo diyan? tara na. tss" nagpatuloy ako sa paglalakad nung nasa tabi ko na siya at sumasabay na rin sakin maglakad.

----

Kumakain kami ng tahimik, pag sinusulyapan ko siya hindi siya nakatingin sakin--- sa kawalan siya nakatingin parang nag iisip. Aha! nag iisip to ng kacornyhan niya.

"Luther, Luther!" napapikit ako ng madiin sa pag tawag niya sakin, bakit ganito---asdfghjkl

"Simula ngayon. Ayoko nang tinatawag mo ko sa pangalan ko." ma-otoridad na sabi ko, agad namang kumunot yung noo niya. "HAH? BAKIT?!" napabuntong hininga naman ako sa reaksyon niya.

"Ayoko lang." tipid na sagot ko sakaniya, sabay kagat sa sandwich ko.

"WHAT THE HELL?!" biglang singhal ko sakaniya. Pano ba naman kasi bigla niyang kinuha yung tinapay ko sabay diretsyo niyang sinubo sabay lunok.

"Luther, Luther." may pang aasar sa tonong sabi niya.

"Kulit mo talaga no?" inis na sabi ko sakaniya.

"Luther, Luther." napailing naman ako sa kakulitan niya. "Ayoko nga sabing tinatawag mo ko."

"Luther, Luther." sht.

"Bakit ba ang kulit kulit mo?" pilit na mahinahon kong tanong sakaniya.

"Eh bakit ba ayaw mong tinatawag kita sa pangalan mo?" parang walang ganang sabi niya, base sa pananalita niya alam kong nasasaktan siya. Pag kasi hindi siya tumigil baka---baka mabaliw na ko.

"Kasi nga ayaw ko." sagot ko na lang sakaniya. Narinig kong bumuntong hininga siya,

"Sabi sa dictionary ko pag ayaw mo lang sa taong yun---- dun mo lang siya hindi matatawag sa pangalan niya-----kasi ayaw mo sakaniya, ayaw mo sa pangalan niya. Tulad mo, ayaw mo sakin kaya hindi mo ko matawag sa pangalan ko. Well pasensya ka gusto kita eh kaya tatawagin kita sa ayaw at sa gusto mo--Luther, Luther. " pagkatapos niyang sabihin yan ay umalis na siya sa harapan ko at lumabas na ng caf.

Star and Luther (Short-Story | COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon